VINZ'S POV
"Wag kang malikot, tsk, natanggal na itong towel mo." Tinakpan niya ang maselang bahagi ng katawan ng dalaga.
"Eh kasi, bitiwan mo yang hita ko, ahahaha anlakas ng kiliti ko dyan eh.." Tumatawang sabi nito habang nakayakap siya dito at ang isang kamay niya ay nakahawak sa isang hita nito, nalaman kasi niya may kiliti pala ito doon.
Inihiga niya ito ng sapilitan sa kama nito at ngayon ay pareho na silang nagsisiksikan sa higaan nito.
"Sorry muna." Malaking niyang sabi.
"Ahahaha, Oo na nga." Tumatawa pa ring sabi nito.
Tinigilan niya ang pagkiliti dito at mataman ditong tumingin.
"Oh, Anong ibig sabihin ng mga tingin na yan?" Tanong nito habang inaayos ang towel sa katawan.
"Sorry, napabayaan kita nitong mga nakaraang araw. Sorry kung naging busy ako sa kumpanya magmula ng nanggaling tayo sa inyo." Paliwanag niya dito habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha nito.
Tumagilid ito paharap sa kanya."Tulad nga ng nasabi ko kanina,ano ba talaga tayo? Mag-among NAG-AANUHAN?" Nakangusong sabi niya at mukhang papaiyak na naman.
"Its all my fault, wala akong sinabi tungkol sa sitwasyon natin." sagot niya.
Hinalikan niya ito sa noo.
" Ngayon lang ako nagkaganito sa isang babaeng tulad mo. Aaminin kong may pagkaangas ako, pero sayo isang tingin mo lang sunod agad ako."
Nilalaro niya ang mga hibla ng buhok nito habang nagsasalita."Noong una, aaminin ko naiinis ako sa kaingayan mo lalo na sa kalokohan mo. Pero di ko namalayan na isang araw hinahanaphanap na kita.Hindi ko alam kung kelan, Kaya nung may mangyari satin.-" Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy magsalita.
Tahimik itong nakikinig sa bawat sasabihin niya.
"Bikay, ilang araw ko ng pinag-isipan ito at Nakasisiguro akong mahal kita." Para siyang teenager na kinakabahan.
" Talaga? baka Biro lang yan." Nagdududang sabi nito.
"Ikaw lang babaeng nagpatino sakin. Naalala mo magmula ng gawin mong kondisyon na bawal ako magdala ng babae dito."
"Oo, pero mapera ka naman kayang Kaya mo pumunta sa mga hotel."
"Simula noon nawala sa isip ko ang mga babae. I mean is, makipag-sex sa kung kani-kanino." Paliwanag niya.
"Baka magsisi ka sa pagsasabing mahal mo ako." Turan nito.
"Hinding-hindi ako magsisisi." Nakangiting sagot niya at mabilis itong hinalikan sa labi.
"Sigurado ka?"
"Yeah, I love you so much." At muli itong hinalikan.
"Isang hamak na katulong lang ako." Nakangusong sabi nito.
"I don't care, may pera naman ako eh,Kaya di ka magugutom." Tumatawang sagot niya .
" Taga-bundok lang ako."
"So what, eh di ipapakalsada ko mula sa bayan hanggang sa tapat ng bahay mo."
"Hahaha, yabang."
"Totoo yun, gagawin ko para sayo." Pangako niya.
"Wala akong pinag-aralan." Sabi pa nito.
"Remember pinag-aaral na kita." Paalala niya dito.
"Maingay ako, madaldal."
"Gusto ko yun para masaya, hindi boring." Katwiran niya.
"Maliit lang ako, ikaw matangkad, kakahiya maglakad na kasabay mo." Reklamo nito.
"Ibibili kita ng maraming sapatos na may heels." Mabilis na sagot niya.
"Eh kahit nga ata magsuot ako ng may takong di man lang ako aabot sa balikat mo eh." Nakangusong katwiran ni Bikay.
"Shh, kahit sino ka pa,kahit ano ka pa, madaldal, maingay, mahirap at lalo na kahit mababa ka lang, mahal pa rin kita Hindi mababawasan yun." Paniniguro niya.
Hinalikan siya nito sa labi.
"Alam mo bang mahal din kita,K aya nalungkot ako ng di mo ako pinapansin.""Hinding hindi na mauulit. I love you my little angel." Sabik na sabik niya itong hinalikan sa mga labi.
"Na miss kita ng sobra." anas niya bago muli itong hinalikan.
Hinagod niya ito sa likod habang patuloy na hinahalikan.Ngunit kusa siyang tumigil.
"Halika, kumain tayo sa labas, hindi pa ako kumakain ng launch." Sabi niya.
Tama na muna, hanggang halik lang muna. Nagugulat siya sa sarili na Kaya niyang magpigil. Siguro kapag talaga ng mahal mo ang isang tao, hindi palagi sex ang habol mo sa taong yon. At ganito ang nararamdaman niya ngayon. Oo, aaminin niyang nagalaw niya si Bikay kahit di pa sila kasal. Pero Kaya niyang pigilan ang kanyang sarili. Patutunayan niyang di lang sex ang habol niya dito. Alam niyang ang pagkakakilala nito sa kanya ay mahilig sa sex.
"Magbibihis lang ako ng damit." Sagot nito at bumangon.
Inalalayan niya itong makatayo, pero niyakap ulit niya ito.
"Oh, baka langgamin na tayo kanina ka pa." Napapatawang Biro nito.
"Hahaha, Namiss lang talaga kita ng sobra." Sagot niya." Sige na magbihis ka na." At bago lumabas ng kwarto ay hinalikan pa ulit niya ang dalaga.
LOVEUALL: 👉👉miss A.👈👈
Please_vote_and_comment
BINABASA MO ANG
my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing
Romance#3 in Romance-comedy Bagong salta sa Kamaynilaan si Bikay na nanggaling pa sa malayong kabundukan. Isa lang ang nakatatak sa utak niya, huwag magpauto sa kung kanino kailangan siya palagi ng nakalalamang. Ignorante man sa bagong paligid pero hindi...