"BIKAY'S POV
" Anak, alam mo ba, napakaganda mo ngayon." maluha-luhang sabi ng kanyang nanay habang hinahaplos ang buhok niya. "Parang kelan, ngayon ikakasal ka na." tuluyan na itong napaiyak.
"Tatay, si nanay po oh, ikakasal lang naman ako eh." Nakangiting reklamo niya.
Pinahid nito ang mga luha at muling tumingin sa kanya. "Masaya lang kami ng tatay mo sayo anak." Dagdag pa ng nanay niya.
"Anak, Bikay mapalad ka Kay Vinz, nakikita Kong mahal na mahal ka niya, kaya panatag ang loob ko na ipagkatiwala ka sa kanya." Madamdaming pahayag ng kanyang ama na nasa likuran ng kanyang ina.
Totoo naman ang sinabi ng kanyang ama, maging siya ay nakikita at nararamdaman iyon.
"Nanay, Tatay, salamat din po dahil Hindi kayo magalit sa akin ng umuwi ako dito at my bitbit ng anak sa halip na tuparin ang pangarap ko na makapagtapos ng pag-aaral." Emosyanal na sabi niya.
Napangiti ang mga magulang niya dahil sa sinabi niya. "Matagal na naming alam ng tatay mo ang tungkol sa inyong dalawa ni Vinz. "Sagot ng nanay niya.
"Po? Paano? Wala naman akong pinag-" Gulat na tanong niya sa mga magulang.
"Ano ka ba namang bata ka,natural magulang mo kami, kaya alam namin." Putol ng nanay niya.
"Oo nga naman anak, noon pa lamang ay alam na namin na mahal na ninyo ang isa't-isa." Sabat ng tatay niya.
"At isa pa anak, nagtungo ulit si Vinz dito noong kasalukuyang nagbubuntis ka pa lamang. Personal niyang ipinaalam ang tungkol sa inyong dalawa." Paliwanag ng kanyang nanay. "May dala siya noon na mga litrato mo, tapos my ipinapanood siyang video sa amin na malaki na ang tiyan mo."
"At magmula noon anak, palagi na siyang nagpapadala ng mga litrato, hanggang sa maisilang mo ang triplets." Dugtong ng tatay niya.
"Bumili pa ako ng isang album, para ilagay doon ang picture ng mga apo ko eh." Napapangiting sabi ng kanyang ina.
Hindi siya makapagsalita sa mga nalaman mula sa magulang, Hindi niya akalain na nagawa iyon ni Vinz. Wala sa kanyang sinasabi ang lalaki ng mga panahong iyon, kung di pa sinabi ng mga magulang niya.Pero may natatandaan siya ng minsang nagpaalam ito na may out of town daw na pupuntahan. Hindi naman siya nagtaka dahil karaniwan na ito sa trabaho ng ninyo. Naaalala pa niyang limang buwan na siyang nagdadalang-tao noon at iniwan muna siya sa bahay ng mga magulang nito habang wala ito ng dalawang araw.
"Oh, oh, wag kang iiyak kakalat ang make-up mo, papàngit ka na ulit niyan." Saway agad sa kanya ng nanay niya ng mapansing nangingilid na ang mga luha niya.
"Ang mabuti pumunta na tayo sa pagdarausan ng kasal, tiyak na kanina pa naghihintay si Vinz doon." pag-aaya sa kanila ng tatay niya.
Inalalayan na siyang makatayo ng mga magulang para makapunta sa seremonya ng kasal.
______
VINZ's POV
"Pare ayan ka na naman, kinakabahan, chillax dude, parating na ang bride mo, ayan na pala siya." Sabi ng kaibigan niyang Zyder na nakatayo sa kalapit niya habang nakatayo sila sa may altar.
Napagkasunduan nila ni Bikay na dito sa tabing ilog idaos ang kasal nila. Nag-hire siya ng magaling na wedding planner at eksaktong-eksakto ang ginawa nitong pagdekorasyon ayon sa gusto nila ni Bikay.
Pinatanggal niya ang matataas na damo sa may tabing ilog upang dito magdaos ng kasal at reception. Iyon ang kagustuhan ni Bikay at nasunod din ang kagustuhan nitong theme na animo ay nasa jungle sila ngayon na bumagay naman lalo sa lugar.
Mabuti na lamang at may kalsadang pwedeng daanan ng sasakyan upang makarating dito sa Saray. Kaya Hindi naging problema ang pagdadala ng mga kinailanagan para sa gagamitin sa kasal nila. Hindi man sementado ang daan ay sapat na iyon dahil tag-araw ngayon at Hindi maputik.
Napapaligiran ang lugar ng mga bulaklak ng bulaklak ng sampagita at ilang-ilang ang lugar. Mayroon ding mga pakong gubat na makikita sa paligid. Noong una Hindi niya gusto ang ideya ni Bikay na sa halip ay mga rosas o iba pang mamahaling bulaklak ang hilingin nito ay sampagita at ilang-ilang. Ayon dito ay paborito daw niya itong bulaklak mabuti na lamang at magaling ang nagdekorasyon ng venue at napagmukha nitong animo nasa isa silang jungle. Na talaga namang nasa gitna sila ng kagubatan.
Mayamaya pa ay nakikita na niyang malapit na ang nobya napakaganda nito sa suot nitong damit pangkasal. Nakasuot ito ng kulay green na gown na mas lalong bumagay sa theme ng kasal nila. Napakaganda ng babae sa suot nito na akala niya ay Hindi babagay dito ng sabihin sa kanyang ganitong klase ng wedding gown ang gusto nitong isuot.
Tinapik siya sa balikat matapos makipagkamay sa ama ng dalaga,ng tuluyang makalapit sa kanila ang mga ito at iaabot sa kanya ang kamay ni Bikay.
"Bakit naman napakatagal mong dumating, your late." Nakangiting sita niya rito habang inalalayan itong maupo sa unahan.
"Atat lang." Napapangiting sagot naman nito.
"You look beautiful, mahal." Bulong niya dito." Akala ko nilayasan mo na naman ako kanina kasi di ka agad dumating." Dagdag pa niya.
"Pu-pwede ba naman yun eh sayang lang itong pangarap Kong wedding na exotic." Tumatawang sagot nito at medyo napalakas na sagot nito.
Narinig nilang tumikhim ang pari na magkakasal sa kanila ng mapansin ang pagbulong niya Kay Bikay. Kaya mabilis silang umayos sa pagkakaupo at humarap sa pari na kanina pa pala nakamasid sa kanila. May naulinigan pa siyang nagbulungan at mahinang nagtawanan sa mga bisita nila.
Loveuall:;: miss A.
Please visit my page::::ASSUMER21-MISS A.WORLD,ON FB
ANDVJOIN MY GC ON FACEBOOK ALSO;:;;WATTPAD UPDATES ASSUMER21
PLEASE VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing
Romance#3 in Romance-comedy Bagong salta sa Kamaynilaan si Bikay na nanggaling pa sa malayong kabundukan. Isa lang ang nakatatak sa utak niya, huwag magpauto sa kung kanino kailangan siya palagi ng nakalalamang. Ignorante man sa bagong paligid pero hindi...