CHAPTER FOURTY ONE

11.1K 234 2
                                    

BIKAY'S POV

"Ayunn, kaya pala ako pinagsuot ng ganito kagandang damit nila nanay." Kunway inis na sita niya Kay Vinz.

Halos di na sila gumagalaw sa kinatatayuan, habang sumasayaw dahil nagkukkuwentuhan na sila. Pangalawang awit na ay nanatili pa din silang nakatayo sa gitna. Madami na din ang nagsasayaw  na sa gitna ng dancing hall.

"Alam mo bang napakaganda mo sa suot ngayon." Seryosong wika nito.

"Hmp, matagal ko ng alam na maganda ako." Nakasimangot na sabi niya. "Kaya mo nga ako nagustuhan eh."

Tumawa ito sa sinabi niya.

"At ngayon tinatawanan mo pa ako, siguro kaya may takong itong binili mo para di ako alangan sa taas mo."

"Hindi naman sa ganoon mahal, napansin ko kasi na mahilig ka sa may heels." Depensa nito.

"Pero okay na din kahit paano umabot ako hanggang sa balikat mo." Sabi niya.

"Hindi mo naman kailangan na maging matangkad para mahalin kita ng lubos, dahil mahal na mahal kita maliit ka man o Hindi." Sinserong paliwanag nito sa kanya.

"Kahit kasing tangkad ako ni Mahal?" Paniniguro niya.

"Sino si Mahal? Matangkad ba siya? Okay lang kahit kasing-tangkad ka niya." Nakangiting sagot nito.

Siya naman ang napatawa sa sinabi ng lalaki.

"Why?" Kunot noong tanong nito sa kanya.

"Wala, oo na naniniwala na ako na mahal mo ako at mahal din kita noh."

Mabilis siya nitong hinalikan sa labi.

"Huy, baka langgamin na kayo diyan sa gitna." Panunukso ng kaibigan niyang si Myra-E.

Noon lamang niya napansin na nagsasayaw din pala ito. Mukha nag-i-enjoy ang kaibigan niya habang nakikipagsayaw sa kakilala niyang binata na tagaroon din sa lugar nila.

"Ikaw ha, kasabwat ka din pala! Bruha ka!" Tumatawang siya niya sa kaibigan habang nàkikipagsayaw sila sa kanilang mga kapareha.

Tumawa lamang ito sa sinabi niya,na lalo niyang ikinaasar kunwari.

"Tandaan mo itong gabing ito, makakaganti din ako sayo." Natatawang Banta niya sa kaibigan.

"Dapat lang dahil kung di mo tinulungan si Bikay, di sana wala tayong lahat dito." Pambabara ng biglang sumabad na sabi ni Zynder.

Napalingon silang tatlo sa lalaki na nasa likuran lang pala nila ni Vinz. Mayroon din itong kapareha pero di niya kilala yung babae.

"Kasama mo pala siya?" Gulat na tanong niya sa nobyo.

Tumango ito ng di lumilingon ang lalaki. "Pare okay lang, ang mahalaga nagkaayos na kami ni Bikay. "Narinig niyang sinabi ni Vinz sa kaibigan nito.

"Next time Bikay, wag kang makikinig diyan sa kaibigan mo, walang alam yan sa isang relasyon." Pasaring pa din ni Zynder Kay Maria.

"Bhez, parang may kuwagong nagsasalita kanina pa, naririnig mo ba? Kunsabagay madami dito nun kasi bundok ito eh" Napalingon naman silang dalawa ni Vinz Kay Maria.

"Dude, nakikita mo ba ang nakikita ko?" Nilingon nila si Zyder at hinanap ang tinutukoy nito na di nila alam.

"Ang alin pare?" Seryosong tanong ni Vinz.

"May ENGOT na tuod na  nagsasayaw, hahaha." Sabay hagalpak nito ng tawa.

Gusto niyang matawa sa sinabi ng lalaki pero alam niyang ang kaibigan na si Maria ang tinutukoy nito. Paano ba naman kasi sweet na nga lang ang sayaw para nga namang tuod na hirap gumalaw di malaman kung pupunta ba pakaliwa o pakanan ang mga paa. Pati tuloy ang kapartner nito ay Hindi ito masabayan. Hindi na nga lang niya pinansin, ito namang si Zynder ang pumuna.

Nabigla sila sa sumunod na ginawa ng kaibigang si Maria, maging siya ay di niya inaasahan iyon.

"Halika na mahal, pabayaan na natin sila matatanda na yan, na-miss kita kita kaya gusto kitang masolo." Pilyong sabi ni Vinz sa kanya ng tangka niyang aawatin ang kaibigan.

Bumaling siya dito at nakangiting sumunod sa nobyo. Nilisan nila ang lugar na iyon at minabuting umuwi sa bahay nila.

____

"Baka magising ang mga anak natin." Mahinang saway niya Kay Vinz.

"Last na." Hirit ulit nito ng halikan si baby Bhlack.

Payapang natutulog ang triplets nila ng dumating sila. Nagpaalam naman ang kanyang ina na pupunta sa pasayaw ng barangay, para manood at sundan ang tatay at kapatid niya.

Matapos magpalit ng pantulog na damit ay nahiga na siya sa kalapit ni Vinz.

"Next time mahal, huwag ka naman aalis ng di pinapakinggan ang paliwanag ko." Malumanay na sabi nito habang nakayakap ito sa kanya.

"Opo." Nakangusong sabi niya.

"Pinag-alala mo ako ng umalis kayo ng mga anak natin." Wika nito.

"Eh di sorry mahal, kasi ang ganda-ganda kaya niya, tapos ang sosyal pa tingnan." Sagot niya.

Napailing ito sa sinabi niya habang nakangiti. "Ikaw pa rin ang mahal ko tandaan mo iyan huh."

"Naniniwala naman ako kaya lang di ko maiwasan na ma-insecure  dun sa ex mo." Pag-amin niya.

" Sino ba ang babaeng pakakasalan ko?" Tanong nito.

"Ako." Mabilis niyang sagot.

"Sino ang ina ng mga anak ko?"

"Ako." Nakangusong sagot niya.

"Eh di ikaw ang mahal ko, ang pagiging simple mo at pagiging totoong tao mo ang pinakanagustuhan ko sayo." Paliwanag nito.

"Ikaw alam ko na ang kaguwapuhan ko ang nagustuhan mo sakin." Biro nito.

"Yabang." Sabay kurot niya sa may tagiliran nito."

Hindi nito napigilan ang mapatawa ng malakas dahil sa sinabi niya at sa pagkurot niya dito.

"Sige, tawa pa, kapag umiyak ang mga baby natin, ikaw lahat ang magpatahan sa kanila." Pigil ang tawang sabi niya Kay Vinz.

Loveuall::: miss A.

Please vote and comment

Please join my GC WATTPAD updates assumer21..

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon