VINZ's POV
Tahimik ang buong bahay nina Bikay, ng dumating si Vinz galing sa ilog. Naligo siya ng maaga at nilabhan na din niya ang banig at kumot na ginamit nila ni Bikay kagabi. Napapangiti siya sa tuwing maalala ang nangyari sa kanila ni Bikay.
Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit ganito siya kasaya. Hindi naman ito ang kauna-unahang beses niya sa sex. Pakiramdam niya espesyal si Bikay, siguro dahil sa dinami-dami ng babaeng naikama niya nakasisiguro na siya ang kauna-unahang lalaki sa buhay nito.
Huminga siya ng malalim ng maalala na siya ang unang nakakuha ng pagkababae nito. Masyado pa itong bata, sampung taon ang agwat ng edad nila. Eighteen pa lamang ito Samantalang siya ay twenty eight na. Kasalanan niya ito masyado siyang naging mapusok.
"Aling Pilar, Mang Berting.." Tawag niya sa mga magulang ni Bikay ngunit walang sumagot.
Nakita niya ang damit na ipinahiram sa kanya ng ina ni bikay. Kinuha niya ito at nagtungo sa kubo upang magpalit ng damit. Hindi siya mapakali Kaya bumalik siya sa bahay nina Bikay. Pumasok siya sa loob, napakapayak ng pamumuhay ng mga ito. Makikita ito sa bahay na gawa sa kahoy pati mga mesa at upuan. Simple pero malinis yun ang napuna niya, lahat ng kagamitan ay nasa tamang lalagyan.
Tinawag niya ang pangalan ni Bikay, pero walang sumagot. Curious siyang nagtungo sa kwarto nito. Hinawi niya ang kurtina na tunatakip sa kwarto ng dalaga. Nakita niya itong nakabalot ng kumot. Pero malakas ang kutob niya na nagtutulug-tulugan lang ito.
Naupo siya sa katabi nito at marahang inalis ang kumot na tumatakip sa mukha ni Bikay."Uhhh, natutulog ang tao eh, lumabas ka nga." naiinis na taboy nito sa kanya.
Parang may gumuhit na sakit sa kanyang dibdib dahil sa sinabi nito. At muling nagtalukbong ng kumot.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. Marahil may sakit ito dahil sa gamot at pagkain na naroon."Kumain ka muna, halika susubuan kita."
Ibinangon niya ito kahit nakatalukbong ng kumot. Nang maiupo niya ay saka niya ulit tinanggal ang kumot sa mukha nito.
Niyakap niya ito ng mahigpit, parang may kung Anong nag-uudyok sa kaloob-looban niya na gawin ito sa babae."Kasalanan mo to, sabi ko sayo, wag mo agad ipasok lahat eh. Yan tuloy....nilagnat ako...ansakit-sakit Kaya ng anu ko, tapos nahihirapan pa ako maglakad." Umiiyak na sabi nito.
Nakaramdam siya ng pagkakonsensya at awa para dito. Hinalikan niya ito sa buhok at muling niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry Bikay."
Kumalas siya ng pagkakayakap dito at kinuha niya ang pagkain.
"Susubuan na kita, open your mouth ah." Pumayag naman itong subuan niya.
"Hala! lagot! baka makita ni nanay yung banig na may dugo!" nag-aalalang sabi nito nang maalala.
" Don't you worry, nilabhan ko na sa ilog." Sagot niya.
"Hay, salamat, teka nga lang po ser, pwede na po kayo bumaba sa bayan, may trabaho pa kayo di ba?"
Sinubuan muna niya ito."Tsk, ser? Di ba sabi ko wag mo na ako tatawagin ng ganun."
"Hala! ser ayu-"
Hinalikan niya ito sa labi upang wag na Ituloy ang sasabihin pero sandali lang.
"Yan ang parusa mo kapag di mo ako sinunod." Nakangiting sabi niya.
Kinurot siya nito sa tagiliran.
"Ouch, hahaha. Baka matapon itong pagkain mo."
"Eh, kasi naman ser di ta-"
Hinalikan ulit niya ito."Uhhhh." nagpumiglas ito.
"okay lang na tawagin mo na ako ng ganyan, para maya'tmaya kitang parurusahan." At hinalikan ulit niya ito.
"Ala, andaya! Anu yun di kita tinawag na ser tapos may halik agad." Nakangusong reklamo nito.
Napatawa siya sa sinabi nito. Parang napapansin niya sa sarili, madalas siyang napapangiti at napapatawa ni Bikay. Parang may kung ano sa babae para mapasaya siya ng ganito.
"Reminder yun at ito pa ire-remind ulit kita." Hinalikan ulit niya ito.
Naging mapusok ang halik niya dito sa pagkakataong ito. Para siyang mababaliw na naman kahit halik lang iyon. Kusa siyang kumalas dito at tiningnan ito sa mga mata.
"Hihintayin kitang gumaling, Hindi ako uuwi hanggat di kita kasama." Taos-pusong sabi niya.
"Pero kasi paano-"
Muli niya itong kinitalan ng halik sa labi."Ay, sumosubra ka na po, di naman kita tinawag na ser ah." Reklamo nito at pinipigilang mapangiti.
"Parusa ulit sa tuwing nakikipagtalo ka sakin." Nakangiting sagot niya.
"Anu yun?! Andaya puro parusa yata ang aabutin ko sayo ah. Eh, lagi ako nakikipagtalo sayo ah." Nakangusong katwiran nito.
"Its simple, parurusahan kita palagi " Kibit-balikat na sagot niya.
"Grabe, mapanlamang ka po. Di pwed-" muli niyang sinakop ang malabot na labi ni Bikay.
"Ahhhh, Nanghalik na naman eh." reklamo nito.
"Ah, ganun nagrereklamo ka na naman. " At hinalikan ulit niya ito.
Paulit-ulit niya itong hinalikan ng mabilis."Sige, wag ka tumigil, kapag di ka tumigil, gagawin ko ulit yung nangyari kagabi." Bantang Biro niya.
"Daya talaga, namamaga pa nga hanggang ngayon tapos gusto mo ulit!baka putulin ko na yan!" Nandidilat ang mata na sabi nito.
Tumawa siya ng malakas sa sinabi ni Bikay.
"Your a little naughty." Tumatawang sabi niya.
Kinabig niya ito upang yakapin, dahil masama na ang tingin nito sa kanya.
"Binibiro lang kita, baka kasi magising ako isang araw eh nakatali na ako o di Kaya may kadena na din ako sa leeg." tumatawa pa ring Biro niya.
"Ihhhhh." Wika ni Bikay habang yakap niya.
"Hahaha." Patuloy siyang tumatawa habang mahigpit niya itong yakap.
Loveuall: 👉👉missA.👈👈
Please_vote_and_comment
BINABASA MO ANG
my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing
Romance#3 in Romance-comedy Bagong salta sa Kamaynilaan si Bikay na nanggaling pa sa malayong kabundukan. Isa lang ang nakatatak sa utak niya, huwag magpauto sa kung kanino kailangan siya palagi ng nakalalamang. Ignorante man sa bagong paligid pero hindi...