CHAPTER TWENTY FIVE::

14.2K 343 16
                                    

BIKAY'S POV

"Anu nga po ulit yung tanong mo miss Maria E.?

"Sabi ko bakit kanina ka pa tulala dyan?" Pabirong sagot ng teacher niya.

Napangiti siya sa sinabi nito, naging malapit na magkaibigan nito Kaya nabibiro siya nito ng ganun.

"Ang tanong ko kanina, kung ready ka na ba sa magiging exam mo next week?" Pag-uulit nito sa tanong na di niya narinig kanina.

"Ah, yun ba, medyo Kinakabahan ako, pero Kaya naman." Mabilis niyang sagot.

"Napansin ko lang parang ilang linggo ka ng ganyan, tulala, malayo ang tingin." Tukso ng kaibigan habang nakatitig sa kanya.

"Namimiss ko lang ang Lola ko." Pagdadahilan niya.

Ang totoo magmula ng bumalik sila dito sa Manila ay Hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap ni Vinz. Magtatatlong linggo na Hindi sila halos nagkikita. Gabing-gabi na kung umuwi ito,tapos kapag umalis sa umaga ay Nagmamadali naman. Bumalik na naman ito sa pagiging seryoso, ang kaibahan nga lang Hindi siya sinusungitan di tulad ng dati. Pero parang walang nangyari kung tratuhin siya nito.

"Sige miss M.E., uwi na ako." Pilit niyang pinasigla ang boses.

Okay, ungat, wag mo isipin yun mahal ka nia." Nakangiting sabi nito.

Kunot-noong lumingon siya dito.

"Yung Lola mo mahal ka nun kahit wala na siya." Makahulugang dagdag pa nito.

"Sige, ba-"

"Maria Elaxine! may nagreklamo na naman sa aking estudyante mo!" Dumadagundong ang boses ng kaibigan ng amo niya. Namumula ito sa galit, Kaya Hindi na niya naituloy ang pagpapaalam sa kaibigan. Mabilis siyang umalis ng classroom ni miss Maria. Hindi na niya binati ang lalaki, mukhang wala ito sa mood.
Hindi na niya pinakinggan ang pagtatalo ng mga ito. Kahit nasa malayo na siya ay dinig na dinig pa niya ang mga boses nito.

"Hindi man lang ba nila naisip na nakakahiya sa mga nakakarinig na students at teacher." Bulong niya sa sarili.

______________

"Hi long time no see." Bati sa kanya ng lalaking nakasalubong sa labas ng building na tinitirhan ng amo niya.

"Its me Symon, remember?" Nakangiting paalala nito.

Nagliwanag ang mukha niya ng maalala kung sino ang bumati sa kanya.

"Ahh, oo nga pala, sorry ha kung di kita agad naalala." Paumanhin niya.

"Its okay,libre ka ba ngayon?"
Tanong nito.

"Oo naman bakit?" Nakangiting sagot niya.

"Aayain sana kitang magkape dun sa Starbucks o di Kaya dun sa kabilang kalye sa tea berri kung ayaw mo ng kape. O, ku-kung gusto mo dun-sa Japanese restaurant masarap yung ramen nila dun." Halatang kinakabahang alok ng lalaki.

"Si-"

Bago pa siya makasagot ng oo sa lalaki ay may biglang nagsalpak sa may dibdib niya ng isang malaking box. Halos di na niya makita si Symon sa sobrang laki ng box na sa sobrang gulat ay nahawakan agad niya ito.

"Oras ng trabaho mo! Narito ka sa labas at nakikipag-usap kung kani-kanino!" Narinig niyang sabi ng isang pamilya na boses.

Ng ibaba niya ng bahagya ang hawak na box ay nakita niya ang galit na mukha ni Vinz. Nagtataka siya na maaga itong umuwi, alas dos pa lang ata ng hapon.

"She is not going with you man." Tiim- bagang nitong sabi Kay Symon.

" Next time na lang Bikay, kapag day off mo." Sabi nito sa kanya at Hindi pinansin ang amo niya.

"Sig-"

"Wala siyang day off." Sabay hila sa kanya papasok ng building.

Hindi na siya nakapagpaalam dito.

"Te-teka nga muna, ambigat Kaya nitong kahon, wag mo nga akong kaladkarin." Reklamo niya at bahagyang tumigil.

Masama pa din ang tingin nitong tumingin sa kanya ng masama.

"Ikaw na lang ang magdala nito, ipapasok ko lang sa elevator." Sabi niya ng bumukas ang elevator.

Hindi niya kakayanin kung maghahagdan siya na may dalang kahon. Nauna siyang pumasok sa loob ng elevator at inilapag ang malaking kahon. Paglingon niya ay bumangga siya sa katawan ng lalaki,nasa likuran pala niya ito. Lumayo siya dito ng bahagya at akmang lalampasan na ito upang lumabas siya ng elevator.
Hinaklit siya ng lalaki sa isang braso niya at galit na tinitigan siya. Pinindot nito ang botton para sumama ang elevator. Nagpanic siya ng magsimulang tumaas ang elevator.

"Itigil mo itigil mo!" Naghihisterical na sigaw niya, buti na lang wala silang kasabay. Pilit niyang inabot ang number ng susunod na floor upang makalabas. Wala siyang narinig kahit Anong salita dito.Pinigilan nito ang mga kamay niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Hindi ako makahinga." Reklamo niya" Patigilin mo na yung elevator." Naiiyak na sabi niya.

Kumalas ito ng pagkakayakap sa kanya at hinalikan siya sa labi. Dama niya ang galit at pagpaparusa sa pamamagitan ng mga halik nito.
Pinagpasalamat niya ng bumukas ang elevator. Itinulak niya ito at mabilis na kinuha ang box. Nang mailapag niya ang kahon sa sala ay dali-daki siyang tumakbo papunta sa kwarto niya. HHinarangan siya nito sa may kusina at muling niyakap.

" I'm sorry." bulong nito sa kanya.
Hindi siya nagsalita.

Kumalas ito sa pagkakayakap at tiningnan siya sa mga mata. Sinalubong niya ng masamang tingin ang lalaki.

"Sorry,ayoko lang kasi na may kausap kang ibang lalaki." Paliwanag nito.

"Tabi na dyan, papasok na ako sa kwarto ko, magrereview pa ako." Iwas niya dito.

Tinabig niya ito at naglakad patungo sa kwarto niya. Hindi naman siya nagagalit sa ginawa nito kanina. Ang ikinagagalit niya ay ang Hindi nito pagpansin sa kanya ng ilang linggo. Muntik na siyang mapatalon sa gulat ng makitang nakaupo ito sa kama niya ng lumabas siya galing sa cr para maglinis ng katawan.

"Lumabas ka nga." Naiinis na sabi niya habang hawak ng mahigpit ang tuwalyang nakatapis sa katawan niya.

"Hindi ako lalabas dito hanggat di mo ako napapaawad." Seryosong sabi nito at lumapit sa kanya.

"Oo na, lumabas ka lang magbibihis ako." Galit na Sigaw niya dito.

"Hindi ako naniniwala, boses mo pa nga lang galit pa din." Reklamo nito habang hinalikan siya sa balikat.

"Haist, nakakainis ka kasi di mo ako kinakausap magmula ng nanggaling tayo samin." Naiiyak na sabi niya. "Porke ba nakuha mo na ang lahat sakin. Dahil ba porke katulong mo lang ako. Sabagay ano nga ba tayo.Di mo naman ako girlfriend, di ka din naman nangligaw sakin .Katulong mo lang ako na INANU mo, tapos amo kita na NAGPAANU sayo!" Pagbubunganga niya sa lalaki at di  niya mapigilang umiiyak na ng tuluyan. Awang-awa siya sa sarili habang umiiyak sa harapan ng lalaki. "Matapos mo akong ANUHIN, binalewala mo na ako.Dapat talaga Hindi na ako NAGPAANU sayo!" Sgaw pa niya.

"Ahhhhhh, bitiwan mo ako! Natanggal na yung tuwalya ko sa katawan, ahh, bitiwan mo akopag ako nakawala, humanda ka sakin! Ahh, sisipain ko talag yang itlog mo!" Patuloy na sigaw niya habang nagwawala.

Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa story ko..lahat po ng comment nio binabasa ko...Hindi po AQ kinikilig sa story q..kinikilig ako sa mga comment nio..welcome sa mga new reader...

Loveuall: 👉👉miss A.👈👈

Please_vote_and_comment

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon