BIKAY'S POV"Kung may hindi Ka naiintindihan sa lesson natin ngayon araw ay maari kang magtanong." Nakangiting sabi ng teacher sa kanya.
"Naiintindihan ko naman po Ms.Maria. Salamat po sa pagtitiyaga sakin, madalas kasi nahihirapan ako magets." Nahihiyang pag-amin niya.
Mahigit isang buwan na siyang tinuturuan ni Ms.Maria Elaxine. Ito ang itinalaga sa kanya upang ireview siya ng tatlong buwan, bago kumuha ng exam. Nang sa gayun kapag naipasa niya maari na siya magkolehiyo.
"Its okay, normal lang yun.Lahat naman nagsisimula sa walang alam. At isa pa di ka mahirap turuan." Sagot nito.
Mag-isa lang siyang tinuturaan nito, tuwing umaga ang klase niya.Tatlong beses siya ni-re-eview nito sa loob ng isang linggo.
"Ito nga pala ang bagong module mo, nakasingit din dito ang assignment mo para sa Biyernes." At iniabot sa kanya ang may kakapalang module.
"Salamat Ms. Maria, sige po uwi na ako." Nakangiting paalam niya.
"Ayan ka naman pi-no-po mo ako." Kunway galit na turan nito.
"Sorry nakalimutan ko."
Ayaw nito na pinopo niya ito,Hindi naman daw sila magkalayo ng edad. Eighteen siya at ito naman ay twenty one.
"Ingat ka sa pag-uwi mo." Bilin nito.
Nginitian niya ito bago umalis.Mabait ito at maganda pa. Bilib din siya dito dahil sa edad niya ay isa na siyang guro dito sa eksklusibong paaralan na pag-aari ng kaibigan ng amo niya.
Naglakad na siya palabas ng eskwelahan. Wala siyang kaibigan dito at ayaw din niyang makipagkaibigan sa mga mag-aaral dito. Lahat kasi ng estudyante dito ay pawang mga anak mayaman. Hindi man siya maalam tumingin ng sasakyan, alam niyang mamahalin ang kotse ng karamihan dito. Madalas naririnig niyang usapan ng mga babae ay bag, sapatos at kung anu-ano pang kaluhuan.Buti na lang walang nambubully sa kanya dito. Parang di nga siya nag-i-exist, kasi walang pumapansin sa kanya. Mabuti na din yung ganito,kl kesa makipagplastikan.
Nag-aabang siya ng jeep na masasakyan pauwi. Mahigit isang oras din ang biyahe pauwi, kasama na ang trapik.
"Ayy, puke." Napatutop siya sa bibig at tumingin sa paligid kung may nakarinig. Laking pasalamat nya dahil Walang tao malapit sa kinatatayuan niya.
"Sakay." Utos sa kanya ng amo.
Sumunod siya sa utos nito."Grabe naman po kayo Ser, kung makapambusina wagas." Reklamo niya.
"Hindi nito pinansin ang sinabi niya at pinaharurot ang sasakyan.
"Anong nakain po ninyo at sinundo ninyo ako?" Usisa niya.
"Hala Ser, dahan-dahan naman po, sinundo po ba ninyo ako para may kasama kayo kapag na-aksidente." Tungayaw niya habang nakahawak ng mahigpit sa dashboard ng kotse.
Pakiramdam niya nakikipagkarera ang amo."Napakabata ko pa po para mamatay, kayo medyo pwede na. Naranasan na ninyo ang sarap dito sa mundong ibabawww ahhhh." Patuloy niya. "Arrayyy." Daing niya habang nakahawak sa noo. "Nanadya ba talaga kayo Ser? Bakit? Dahil di ko pa din binibigay sa inyu yung video? Lalo ko sa inyong hindi ibi--"
"Yan ang bagay sa ma-i-ingay na tulad mo."
Hindi nya naituloy ang sasabihin ng bigla nitong lagyan ng malaking tape.
Akma niya itong tatanggalin ng-"Subukan mong alisin at itong saging na inihanda ko ang isasalpak ko sa bunganga mo." Banta nito.
"Uhh,uhh, uhhhmmm." Tanging sabi niya habang nakatape ang bibig.
"Sumasakit na ang tenga ko sa sobrang daldal mo." Gigil na gigil na sabi nito.
"Hintayin mo ako dito." At pabagsak nitong isinara ang pintuan ng kotse.
Sinundan niya ito ng tingin, patungo ito sa isang hotel. Nang di agad ito bumalik ay tinanggal niya ang nakadikit na tape sa bibig."Ahh, makakaganti din ako sayo halimaw ka!" Mangiyak-ngiyak na sigaw niya.
Napasulyap siya sa saging at nilantakan ito ng makaramdam ng gutom. Habang kumakain ay nakaisip siya ng paraan kung paano makakaganti sa amo. Napangisi siya sa naisip na kalokohang naisip.
"Makakaganti na ako sayo, HALIMAW ka!" aniya habang inuubos ang huling saging na tordan
Napadighay siya matapos kainin Ang isang piling. At isinagawa ang planong paghihiganti.
"Bahala na, magalit man siya basta makaganti lang ako." Sabi niya sa sarili.
Ngunit may halong kaba siyang nararamdaman sa gagawin,Kaya nagdasal muna siya.
"Hari ng KALOKOHAN, gabayan mo po ako sa gagawin ko."
Hindi man siya sigurado kung may ganitong hari nga basta nagdasal pa din siya.
Loveuall:: 👉👉miss A.👈👈
BINABASA MO ANG
my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing
Romance#3 in Romance-comedy Bagong salta sa Kamaynilaan si Bikay na nanggaling pa sa malayong kabundukan. Isa lang ang nakatatak sa utak niya, huwag magpauto sa kung kanino kailangan siya palagi ng nakalalamang. Ignorante man sa bagong paligid pero hindi...