CHAPTER TWENTY ONE

16.1K 278 1
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE::SPGng BITIN

VINZ's POV

"Para sa aming bisita." Sabay taas ng basong maliit na may lamang lambanog.

"Salamat po mang Berting." at ininom niya ang inabot nitong lambanog na nasa tagayan.

Ngayon lang siya nakatikim ng alak na lambanog. Kung di lang siya nahihiya sa tatay ni Bikay, Hindi siya iinom ng ganito katapang na alak. Kahit sanay siya uminom ng ibat ibang uri ng alak, pero itong lambanog nakakailang shot pa lamang siya ay medyo nahihilo na siya.

" Alam mo ba dito sa amin, lambanog ang pambansang alak. Matapang na mura pa." pagmamalaki ng ama ni Bikay.

"Masarap naman po mang Berting." Naisagot na lamang niya.

Dalawa lamang silang uminom ng alak sa  labas ng bahay. Walang kuryente dito sa  Saray, kaya gasera ang ginagamit na ilaw sa gabi. Pero napansin niya ang isang bahay sa may di kalayuan na Hindi gasera ang ginagamit.

"Gumagamit sila ng decharge na ilaw, hindi namin kaya bumili ng ganung ilaw may kamahalan. Kaya pagpasensyahan mo na kung ito lang ang ilaw namin sa gabi." Paliwanag nito, na parang nahulaan ang iniisip niya habang nakatingin siya sa naturang bahay.

"Walang problema Mang Berting." Nakangiting sagot niya.

Nagpatuloy sila sa pag-iinom, habang nagkukwento tungkol sa pamumuhay nila sa kanilang lugar.

"Alam mo Vinz, dito sa amin napakahirap ng buhay. Pag-uuling at pagbebenta ng mga puno ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao dito." Kwento ng kaharap

"Wag po sana kayong magagalit sa sasabihin ko. Ang alam ko po bawal ang pumutol ng puno." Malumanay na sabi niya.

Ininom muna nito ang kanyang alak bago nagsalita.

"Oo, tama ka. Pero mamatay kami sa gutom kung di kami magtatrabaho. Madalas nga nahuhuli ang mga uling na ibinababa namin sa bayan. Kaya sa yung pinagtrabahuhan ko ng isang linggo ay mauuwi lang sa wala." Napapailing sa sagot nito.

Nakaramdam siya ng awa sa ama ni Bikay. Sa tantiya niya ay mahigit sinkwenta na ang edad nito, ngunit malakas pa ang katawan. Ngayon lang siya nakarating sa ganitong lugar, maging siya ay nahihirapan isipin ang hirap ng buhay ng mga tao dito.

"Ipinanganak akong mag-uuling, mamatay din yata akong nag-uuling." At bahagya pa itong tumawa.

"Wag po kayong mawalan ng pag-asa mang Berting. Malay po ninyo kapag nagkapagtapos  ng pag-aaral si Bikay ay malaki po ang maitutulong nito sa pamilya ninyo." Sabi niya.

Naalala niya na Kaya pala isa sa mga hininging kondisyon sa kanya ng katulong ay makapag-aral. Ngayon niya naiintindihan kung bakit.

"Kaya malaki ang pasasalamat namin sayo Vinz. Maswerte ang anak namin dahil ikaw ang naging amo niya. Salamat din dahil nagawan mo ng paraan na di na magsimula sa grade five ang anak ko." Naluluhang sabi nito.

"Walang anuman po yun mang Berting, masipag naman po si Bikay at-at ma-bait." di niya alam kung bakit bigla siyang nautal ng purihin ang katulong.

"Pagpasensyahan mo na lang sana ang anak ko Vinz. Alam Kong may pagkapasaway yan, kahit ako na magulang niyan ay halos malagutan ng litid sa leeg sa galit dyan Kay Bikay, noong bata pa yan." Natatawang kwento ng ama.

"Tay, hindi naman ako pasaway noon." Biglang singit ni Bikay na nakikinig pala.

"Wag ka ng mahiya sa amo mo anak, dahil hanggang ngayon makulit ka pa din. mabuti na lamng at Hindi ka nasesesante nitong si Vinz." Turo sa kanya ng maganda habang nakatawa sa anak.

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon