BIKAY'S POV
"Bhez, biliss excited na ako mag-sayaw hoh." Pagmamadali ng kaibigan niya habang sumasayaw.
"Teka lang naman, hindi kasi ako komportable dito sa ipinasuot sakin na damit ni nanay eh." Sagot niya habang inaayos ang suot.
Kanina pa siya tapos magbihis at maglagay ng konting make-up, lipgloss lang at polbo ang ginamit niya. Hindi siya umaalis sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang sarili.
Nakasuot siya ngayon ng isang short white dress na may nakaburadang bulaklak sa may dibdib niya. Mukhang mamahalin ang damit na binili ng kanyang ina kanina sa banyan. Ayon dito nakita daw niya ito sa ukay-ukay at nagandahan daw siya tapos mura pa. Pati ang sapatos na suot niya ay nabili lang din daw sa ukay-ukay na parehong bagong-bago pa kung pagmamasdan.
Lumapit ito sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"Wala naman akong nakikita ng problema dyan sa suot mo bagay nga sayo tapos unfairness bhez, ang tangkad mo hahaha." Sabay tawa nito sa huli nitong sinabi.
"Tumigil ka nga dyan, baka hampasin kita nitong takong ko eh." Napasimangot na sabi niya sa kanya kaibigan.
"Anak Bikay, aba bilisan mo na magbihis, kanina pa nag-uumpisa ang sayawan sa plasa."tawag ng ina niya.
Pumunta siya sa ina na nasa sala habang binabantayan ang tatlong cray-este babies niya.
"Sabi ko na nga ba,babagay sayo yang damit na binili ko kanina sa bayan." Masayang sabi ng kanyang nanay.
"Bakit po kasi nay Kailangan ko pang nagsuot ng ganito, eh Hindi naman ako magsasayaw dun, nanay na ako tapos itong si Myra-E lang naman ang sasamahan ko doon, kanina pa kating-kati ang paa." Nakangusong katwiran niya. "At isa pa po Nay, di bagay sa pupuntahan ko eh pantalon at blouse lang naman ang suot ko kapag pumupunta sa sayawan, kung kelan naging nanay na ako saka n'yo naman ako pi nagsuot ng ganito." Naiilang man sa damit na suot ay deep inside masaya siya sa effort ng mga magulang niya.
Ang mga ito pa ang nagtulak sa kanya na pumunta sa sayawan, sila na daw ang bahala sa triplets niya. Siguro iniisip ng mga magulang ay para malibang siya, hindi man nagtatanong ang mga ito ay napapansin din siguro nila ang lungkot sa mga mata niya. Ayaw niyang mahalata ng kahit na sino na nagdurugo ang puso niya dahil ikakasal na si Vinz at Hindi siya iyon kundi yung babaeng maganda.
Bago pa makapagreact ang nanay at tatay niya ay hinila na siya ng kaibigan palabas ng bahay nila.
"Nanay Pilar aalis na po kami ni Bikay, bye po." Sabay hila sa kanya ng kaibigan.
"Nay, yung mga baby ko, pwede n'yo na po ipasok sa kwarto ko." Natatarantang bilin niya sa ina.
"Kami na ang bahala ng tatay mo dito, umalis na kayong dalawa." Natatawang sagot ng ina.
"Sa-sandali madadapa na ako, bakit kasi nagmamadali ka, kanina ka eh, alas otso pa lang naman." At bumitaw siya sa pagkakahawak ng kaibigan sa isang kamay niya.
"First time ko na makakapunta sa ganoon noh." Katwiran ng kaibigan.
"Tara na nga,para makauwi tayo ng Maaga." Sabi niya at umuna na siya sa paghakbang.
Malapit lang ang bahay nila sa lugar kung saan idinaraos ang pasayaw ng barangay kapag bisperas ng piyesta. Marami ang dumarayo dito sa lugar nila kahit malayo sa kabayanan. Kada-taon isa siya nag-aabang ng sayawan dito sa Saray. Dito lang kasi siya nakakapagsayaw, hindi pa siya nakaranas na pumunta sa mga disco bar. Di siya nababagay doon nakakahiya, puro mayayaman lang ata ang pumupunta doon.
Hindi na nila kinailangan gumamit ng flashlight, dahil kapag ganitong okasyon ay may ilaw mga poste. Tuwing piyesta lang kasi ginagamit ang generator sa barangay. Pero nang papasok na sila sa gate ng sayawan ay biglang namatay ang mga ilaw. May narinig silang nagsalita na nanggaling kung saan.
"Pasensya na po sa konting aberya, nagkaroon lang po ng konting problema ang generator natin. Pero mayamaya magkakaroon din po ulit." Sabi ng isang boses lalaki.
"Ah, yung SK chairman yata yang nagsalita." Bulong niya sa kaibigan.
"Bhez, dito na tayo sa loob." Hila sa kanya ng kaibigan papasok sa loob ng sayawan.
Grabe naman tong kaibigan niya, kanina pa nag-aapura.
"Wala pa naman ilaw eh." Reklamo niya.
"Once na magkaroon eh, di nandito na tayo sa gitna." Sagot nito.
Tumingin siya sa paligid,tahimik ang mga tao. Wala siyang nakikita, nakakapagtaka wala man lang mayroong extra na flashlight sa mga narito.
"Dito pa tayo bhez." Aya ng kaibigan.
"Ano ka ba Maria, parang mas kabisago mo pa sakin tong lugar,eh ako ang tagarito! Mamaya madapa pa tayo." Reklamo niya sa kaibigan,pero bigla nitong binitiwan ang Isang kamay niya.
"Bhez Maria, asan ka na? Baliw ka wag ka nga lumayo sakin di mo kabisado dito panu kung mamaya pa magk-" Hindi niya naituloy ang iba pang sasabihin ng bigla ang pagliwanag ng buong paligid.
Nakahinga siya ng maluwag ng magkaroon na ng ikaw at hinanap agad ng mga mata niya ang kaibigan.
"Saan na ba nagsuot ang babaeng yun." Inis na sabi niya sa sarili.
Nakita niya sa ang mga tao na nakatingin lahat sa kanya. Naisip niyang dahil siguro bukod tanging siyang nakatayo sa kaibigan.
"Humanda ka sa akin Maria, pahamak ka nakakahiya nasa gitna ako ng dance hall." Patuloy niya at akmang aalis siya kinatatayuan upang hanapin ang kaibigan.
Natigilan siya ng may biglang pumailanlang na isang musika. Napatigil siya ng marinig ang paborito niyang kanta ng the Carpenter, na Close to you.
Muli siyang tumingin sa mga taong nasa paligid na ngayon ay may kung anong pinapanood sa my stage at parang mga kinikilig pa. Sinundan niya ang tinitingnan ng mga ito at laking gulat niya ng makita kung ano ang pinapanood ng mga ito!
____
SOMEONE's POV
"Relax, kaya mo yan." Sabi ng isang lalaki at tinapik siya sa isang balikat.
Napabuga siya ng hangin sa sobrang kaba nararamdaman.
"Okay, I'll can do it hoo!" Sabi niya at bahagyang inayos ang suot pero maayos naman.
Hindi niya alam kung paano magsisimula, kanina pa siya nagpapractice ng mga sasabihin.Pero ngayon parang nakalimutan na yata niyang lahat dahil sa kaba na nararamdaman.
Loveuall:: miss A.
Ilang chap na lang po..huhuhu....mamimiss ko mag-update nito..malapit na matapos...
Please vote and comment
Please join and search WATTPAD UPDATES ASSUMER21...mas nauuna pa po dito minsan
Loveuall;;miss A.
BINABASA MO ANG
my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing
Romance#3 in Romance-comedy Bagong salta sa Kamaynilaan si Bikay na nanggaling pa sa malayong kabundukan. Isa lang ang nakatatak sa utak niya, huwag magpauto sa kung kanino kailangan siya palagi ng nakalalamang. Ignorante man sa bagong paligid pero hindi...