CHAPTER THIRTY SEVEN:::

11.4K 223 3
                                    

BIKAY'S POV

"Nay, Tatay, anak ko po, apo po ninyo." Sabi niya sa mga magulang.

Kinakabahan siya sa magiging reaksyon ng mga ito. Hindi niya sinabi ang totoong sitwasyon nila ni Vinz. Ang sabi kasi noon ng lalaki ay pupunta daw sila dito at Saka ipapaalam sa mga magulang niya pero di na iyon nangyari. Rumihistro ang pagkagulat sa mga mukha ng magulang sa sinabi niya at palipat-lipat ang tingin sa mga baby niya na karga ng mga kakilala niya na dito rin nakatira sa barangay nila.

"Sa wakas may mga apo na ako! Ang gagandang bata at tatlo agad." Tumatawang sabi ng kayang tatay.

"Akina na ang apo ko Nelson." At Kinuha nito ang isang anak niya.

Kinuha din ng kanyang ama si baby Bhlack at isinayaw sayaw pa sa sobrang tuwa.

"Bikay, kunin mo iyang isa mong anak at pumasok na tayo sa loob." Untag ng kayang ama.

"Ho? oho, kuya akina." Nakahinga siya ng maluwag sa pagtanggap ng mga ito sa kanyang mga anak.

"Kuya Nelson, ito nga pala ang bayad ko sa inyong tatlo, salamat kuya." Nakangiting sabi niya Sabay abot ng pera dito.

Matapos magpasalamat ay nagpaalam na din ang mga ito sa kanila.

"Nay, Tay, kaibigan ko po si Maria." Pakilala niya sa kaibigan ng makapasok sila sa loob ng bahay nila.

"Magandang hapon po." Nakangiting bati nito sa magulang niya.

"Kumain muna kayo sa kusina, kami na ang bahala dito ng tatay mo." Utos nito sa kanila.

"Itong lalaki kamukha ko o tingnan mo." Narinig niyang pagmamalaki ng ama niya.

"Itong isa, tingnan mong Mabuti, nagmana sakin ng labi." Di  nagpapatalong sabi ng kanyang ina.

"Mapalad ka dahil nagkaroon ka ng mga magulang na tulad nila." Mayamaya ay sabi ng kaibigan niya habang kumakain sila sa kusina.

"Oo nga eh, akala ko Kanina magagalit sila sa akin eh." Sagot niya.

"Pero bhez, napakalayo nitong lugar ninyo, grabe halos malagot na ata lahat ng litid ko sa paa sa paglalakad Kanina." Reklamo nito ng maalala na naman.

"Kanina ka pa nagrereklamo, pero nakarating ka naman ng maayos dito samin." Nakangusong sagot niya. "Pasalamat ka na lang tag-araw ngayon, kung nakataong maputik Ewan ko na lang sayo." Dagdag pa niya.

"Kaya bukas na bukas din bababa na ako sa bayan, baka biglang umulan." Sagot agad nito.

Napatigil siya sa pagsubo ng marinig ang sinabi ng kaibigan. "Ikaw ang bahala,kung Kaya mo eh." Kibit balikat na sabi niya.

"Bilisan na natin at pagkatapos maligo na tayo sa ilog." Sabi niya dito.

"Ilog? Sa banyo na lang ako." Angal ng kaibigan.

"Di uso yun dito, sa ilog naliligo at naglalaba ang mga tao dito." Paliwanag niya.

"Di pa ako nakakapaligo sa ilog,Baka may buwaya dun." Nahintatakutan na sabi nito.

"Sira, alsa pelikula lang yun." Natatawang sabi niya dito.
_____

Kinaumagahan ay maaga niyang ginising ang kaibigan na natulog sa sahig ng kwarto niya. Silang mag-i-ina ay nagsisiksikan sa papag, kailangan siguro magagawa siya sa kanyang ama ng mas malaki.

"Uhh, inaantok pa ako eh." Reklamo nito.

"Ansabi mo kagabi gisingin kita ng maaga, kasi sasabay ka sa mga papunta sa banyan ngayon." Paalala niya sa kaibigan na muling nagtalukbong ng kumot.

Napabalikwas ito ng bangon sa naring at agad na Tumayo. Ngunit ng akma na itong hahakbang palabas ng kwarto ay bigla itong Naupo sa higaan.

Napatawa siya sa kaibigan, alam na niyang mangyayari ito at posibleng hindi ito makabalik Ngayon araw sa Manila.

"Napakasakit ng mga binti ko, feeling ko namamaga pero Hindi naman." Nakanginwing turan nito Habang hinihimas ang binti.

"Hahaha, normal lang yan, yung iba nga nilalagnat pa." Sabi niya dito.

"Kung alam ko lang talaga, hinding hindi ako sasama dito, sabi mo kasi isang oras lang ang lalakarin natin yun pala limang oras." Napasimangot na sabi nito.

"Totoo yun sa mga tagarito na kalalakihan, ganun sila kabilis maglakad." Sagot niya.

"Tamang-tama, naalala ko piyesta dito sa amin sa isang araw." Pagbibigay alam niya sa kaibigan.

"Kapag Hindi na ito masakit bukas, aalis na ako bukas, lagot ako nito baka matanggal ako sa trabaho." Nag-aalalang sabi ng kaibigan.

"Tingnan natin." Nakangiting sagot niya dito. "Oh, lagyan mo ng katinko." Iniabot niya dito ang katinko. "Makakabawas ng kirot."
___
"Anak, nabinyagan na ba ang mga apo ko?" Tanong ng kanyang ama Habang pinapanood niya sa paggawa ng bagong papag nilang mag-i-ina.

" Hi-hindi pa po tay." Nahihiyang sagot niya dito.

Magmula ng dumating siya dito ay Hindi nagtanong sa kanya ang mga magulang tungkol sa kanyang mga anak. Hindi man lang siya inusisa kung nasaan at sino ang ama ng mga ito.

"Kung gusto mo pwede natin siyang pabinyagan sa darating na piyesta sa isang araw na iyon." Suhestyon nito.

"Aba, maganda yan,tamang tama malaki na ang alaga nating baboy." Sabad ng kanyang ina.

"Engrande ang gagawin nating pagpapabinyag sa mga apo ko, lahat ng tagarito imbitado. Bumaba tayo sa banyan bukas na bukas din para mamili ng iba pang kakailanganin." Masayang sabi ng kanyang ama.

"Oo, may naitabi naman tayo sa ipinapadala nitong anak natin." Sang-ayon ng kanyang ina.

Naluluhang siyang lumapit sa ina.
"Nay, salamat sa inyo ni Tatay." Sabay yakap sa ina.

"Ano ka ba namang bata ka, tumigil ka nga at baka magkaiyakan pa tayo." Nangingilid ang luha sa mga mata na saway nito sa kanya.

"Tama ang nanay mo anak,dapat Maging masaya tayo." Nakangiting sabi ng kanyang tatay. "Kailangan matapos ko na ito,Ngayong araw." Tukoy nito sa ginagawa na papag.

"Bikayyy bhezzz! Nagsuka na si baby Whit, Ahh, si baby Rhed nagpupu na yata at itong isa na maitim, parang bulate na nag-istrech! Bakit ganito? Bilis." Tumitiling sigaw ng kaibigan na siyang pinagbantay niya sa mga Krayola babies niya.

LOVEUALL:: 👉👉miss A.👈👈

Nakita  nyo kung ano itsura ni baby Bhlack?

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon