BIKAY'S POV
"Sinong kailangan nila?" taong niya sa magandang babae na nakatayo sa labas ng unit nila.
"Di ko akalain na nag-hire si Vinz ng bagong kasambahay, by the way nariyan ba si Vinz?" Nakangiting sabi nito..
Napataas Ang kulay niya sa narinig, ngayon lang niya ito nakita. Pero parang matagal na nilang kilala Ang boyfriend niya. Mukha pa rin Kaya silang katulong, para pagkamalan nito?"Ah, wala dito eh, anong kailangan mo para masabi ko pagdating niya." Mataray nilang sagot..
Mukha naman itong mabait, pero di niya gusto Ang babae."Pakisabi na hinahanap siya ng fiancé niya." Nakangiting sagot nito.
Napanganga Siya sa narinig, ipinilig niya Ang ulo at muli sanang tatanungin Ang babae Pero makaalis Na Ito.
Gulong-gulo Ang isip niya sa nalaman. Ngayon lang niya napag-isip-isip na kaya pala hanggang ngayon Hindi Siya inaalok ng kasal ni Vinz. Yun pala may fiancé Na pala Ito at wala Siya sa kalingkingan ng kagandahan nito.
Wala sa sariling nagdial Siya sa cellphone niya."Namimiss mo agad ako eh magkachat lang tayo kaninang umaga." Biro ng nasa kabilang linya.
"Niloko ako ni Vinz, bhez." Pigil Ang iyak na sabi niya.
"What? Paano? Kailan pa?" Sunod-sunod na taong nito.
"Pumunta dito Ang fiancé niya Kanina lang, ang ganda bhez at mukhang mahinhin.." Napaiyak Na silang tuluyan.
"Paano Na kaming mag-iina? Kaya pala ni minsan hindi niya ako inalok ng kasal. Ansakit bhez, na makita mo ang babaeng pakakasalan ng taong mahal mo." Patuloy Na iyak niya.
"Kaya ayoko magmahal kasing ganyan, tsk, teka Baka namang nagkakamali Ka lang." Sabi nito.
"Hindi ako pwedeng magkamali, napaka- linaw ng sinabi niya Na Siya Ang fiancé ni Vinz ko." Sabay punas ng luha at sipon niya gamit Ang braso niya.
"Aalis na lang kaming mag-iina dito." Dagdag pa niya.
"Maghunos dili ka nga, kausapin mo muna Siya." Saway nito.
"Para ano pa, ipamukha sakin na, oo Bikay Siya Ang babaeng pakakasalan ko, mas masakit Yun bhez, di ko kakayanin."sabi niya Habang malakas Na umiiyak.
" Hintayin mo ako dyan, bhez." mabilis na sabi nito.
"Para ano? Para pigilan ako? Wala Ka ng magagawa buko Na Ang pasya ko." Sumisinghot Na sabi niya.
"Hindi, para tulungan ka tatlo Kaya yang Anak mo! paano mo madadala yan? Mabilis lang ako, mag-ha-half day na lang muna ako sa trabaho,sige bye na wait mo ako dyan." At nawala Na Ito sa kabilang linya.
Mabilis siyang nagtungo sa kwarto nila at dali-daling nag-empake ng mga gamit nilang mag-iina.
"Ate Che, pakibihisan Ang mga baby ko,pakibilisan lang." Utos niya sa caregiver na inihired ng lalaki.
Mabilis itong sumunod sa utos niya ng Hindi nagtatanong. Mabilis siyang natapos sa pag-eempake. Ang mga pangunahing gamit lamang ng triplets Ang dinala niya. Nang matapos itong bihisan at ipinalagay niya sa stroller si baby Bhlack, habang si baby White ay karga niya.
"Buhatin mo si baby Rhed."
Humahangos Na dumating sa condo Ang kaibigan niya na si Maria.
"Hay salamat nakarating din ako agad, buti na lang hindi traffic." Sabi nito habol ang hininga.
"Ako na dito kay baby Bhlack." Sabi pa ng kaibigan.
"Pakidala nitong isang bag." Sabi niya sa kaibigan.
Papalabas Na sila ng may naalala.
"Dito LANG kayo sandali sa dala, wala pala akong dalang pamasahe." At bumalik Siya sa kwarto.
Alam niya kung Saan nakalagay Ang pera ni Vinz, itinuro nito kung Saan nakatabi. Kaya lang Hindi Siya kumukuha dahil wala naman siyang kailangan bilhin. Hindi Na niya binilang ang perang kinuha, dinala din niya Ang ibinigay nitong ATM card nasa drawer.
"Ineng, anong nangyayari? Saan kayo pupunta ng triplets?" Nagtatakang tanong sa kanya ni manang Olga.
"Basta, Manang aalis na po kami dito, sige po salamat sa inyong dalawa ni ate Che." Nagmamadaling paalam niya sa mga ito.
"Halika Na Maria, dahan-dahan Ang pagtulak ng stroller, baka tumalsik ang anak ko." Paalala niya dito.
"At muntik ko na makalimutan, ate Che pakihatid na lang si baby Na hawak mo hanggang sa makakuha kami ng taxi." Baling niya sa caregiver.
_____
"Seryoso bhez, kailangan ko ba talagang sumama." Nag-aalalang sabi ng kaibigan."Ikaw ang nag-offer Na sasamahan mo ako." Katwiran niya.
"Kuya nelson, hanap ka pa ng dalawang pwede magdala sa baby ko." Sabi niya sa kausap Na magdadala ng Isang baby niya.
At ngayon nilang pa Siya ng dalawang tao.
"Bhez,sinamahan Na nga kita papunta dito sa Laguna tapos dito pa ako natulog kagabi,lagot ako nito sa boss ko,absent ako ngayon." Namomroblemang sabi nito.
"Kakausapin ko Ang pamangkin ko at si pareng Nelson." Sagot sa kanya ng lalaking kausap.
"Salamat Kuya." Tumatangong sagot niya.
"Huy,Hanggang dito Na LANG ako." Ungot pa ng kaibigan.
"Ah,basta,kung ayaw mong pati sayo magalit ako." Nakasimangot Na sabi niya dito.
"Eh,Malayo pala Ang bahay ninyo,bundok pala kasi."reklamo nito.
Inirapan niya Ang kaibigan at ipinagpatuloy Ang pagpapainom ng gatas sa Isang Anak.
" makikipalitan ng diaper si baby White."utos niya sa kaibigan.
"Kaya mo pala ako gusto isama para may assistant Ka eh noh." Pagbibiro nito."Dapat isinama mo Na lang si ate Che."
"Alam mo naman Na di papayag yun at isa pa nakakahiya." Sagot niya.
"At ako papayag,ganun?"mabilis Na sagot nito.
" Oo.Punasan mo muna ng basang bulak Yung singit niya."sabi niya.
"Abusada!palibhasa kaibigan mo ako,di Na pwede tumanggi,tawagan ko nalang Kaya si-"
Pinandilatan niya Ito ng mga mata.
"Wag mo ng ituloy,pinipilit ko Na nga LANG maging masaya at malakas para sa mga Anak ko." Sermon niya dito.
"Sorry,Hindi ko Na Siya babanggitin." Sagot nito.
Huminga Siya ng malalim ng maalala si Vinz.Malamang masaya Na Ito dahil kusa Na silang umalis.Hindi Na Ito mahihirapan makipagbreak sa kanya.
"Kahit kelan Hindi Na niya makikita Ang mga Anak ko,halimaw siya ,manloloko!" Naiiyak Na sabi niya.
Pinigilan niyang wag umiyak,Habang tinititigan Ang mga anak.Hindi Siya pwedeng Maging mahina sa pagkakataong Ito.
"Maria,pakibili mo sa palengke ng extrang diaper at gatas Ang triplets,tapos pakiwithdraw Na din ng pera." Sabay abot sa ATM card. "Bilisan mo LANG,may Isang oras pa bago tayo inalis."
"Wag kang mamalakat ng iyak dito,kakahiya." Pabirong paalala nito bago umalis.LOVEUALL::: miss A.
Please vote and comment
BINABASA MO ANG
my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing
Romance#3 in Romance-comedy Bagong salta sa Kamaynilaan si Bikay na nanggaling pa sa malayong kabundukan. Isa lang ang nakatatak sa utak niya, huwag magpauto sa kung kanino kailangan siya palagi ng nakalalamang. Ignorante man sa bagong paligid pero hindi...