VINZ'S POV
"Bikay,oh my God! What happened?" Nag-aalalang tanong ng ina ni Vinz, galing sa kung saan.
" Vinz, tulungan mo si Bikay." Utos ng kanyang mama.
Wala siyang nagawa kundi ang tumalon sa pool at tulungan ang katulong na inihagis niya. Ubo ng ubo si Bikay ng maiahon niya mula sa tubig, malamang madami itong nainom na tubig.
"Are you okay hija?" Lumapit agad dito ang kanyang ina.
"Daisy, pakikuha mo si Bikay ng towel at pamalit na damit." Utos nito sa isa nilang kasambahay.
"Ayos na po ako,salamat po dahil dumating kayo." Namumula ang Ilong at mga mata nito. Halata ang takot sa mukha nito.
"Hindi ka dapat magpasalamat sa akin, si Vinz ang tumulong sayo." Nakangiting katwiran nito.
"Ma, papasok na ako sa loob.Magpapalit lang ako ng damit." Tumalikod na siya sa mga ito.
Ayaw niyang malaman ng kanyang mga magulang ang totoong nangyari. Hindi magugustuhan ng mga ito na pumapatol siya sa isang babae.
"Sige hijo, bilisan mo dahil ipapahanda ko na ang hapunan natin." Pahabol sa kanya ng ina.
Nakasisiguro siyang di magsasalita ang mga kasambahay nila,dahil binigyan niya ito ng nakakamamatay na tingin. Ibig sabihin walang magsusumbong sa mga magulang niya.
"Salamat anak, dahil napagbigyan mo ako sa na dito ka magdinner." Magiliw na sabi ng kanyang ina.
Kasalukuyan silang nasa dining hall, ng kanyang mga magulang kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Zera. Dalawampu at lima ito at isang ganap na architect na. Ngunit Hindi pa ito nagtatrabaho matapos makapasa sa exam ay mas ginusto nito ang manatili sa loob ng bahay. Madalas kasama ng mga magulang niya sa pagmamasyal kung saan nila naisin.
"Hijo, how about the company?" Tanong ng kanyang ama.
"Maganda ang takbo ng kumpanya, papa.Plano ko din na iparenovate ang mga hotel natin." Masayang balita nya.
"That's great." Nakangiting sang-ayon nito.
"Iisantabi muna ninyong mag-ama ang negosyo." Saway ng kanyang ina na sabay nilang ikinatawang mag-ama.
"Kuya, your so generous naman pala Kay Bikay. Imagine pinag-aaral mo siya." Pag-iiba ng usapan ng kapatid niya.
Napainom siya bigla ng tubig bago nagsalita. Nakita niyang naghihintay ng kanyang sagot ang mga kaharap. Hindi niya Alam kung paano nito nalaman ang tungkol dun.
"Yeah, pero pinagtatrabahuhan niya ang lahat ng gastos." Paliwanag niya.
"Well, mabait na bata naman si Bikay, she deserved it." Sang-ayon ng kanyang ama.
Gusto niyang salungatin ang ama, ngunit nanatili siyang tahimik.
"Kaya siya ang pinili ko na ipadala sa condo mo, dahil alam Kong magkakasundo kayo." Masayang kwento ng kanyang ina.
"Yes ma, magkasundo kami ni Bikay. Masunurin naman siya at masipag sa trabaho." Sabi niya.
"What happened kuya, bakit nahulog si Bikay sa pool kanina?"
Makahulugang tanong sa kanya ni Zera.
"Oo nga pala hijo, ng tanungin ko si Bikay, sabi niya nadulas daw siya." Singit ng kanyang ina.
"O-o, yes ma, nakita ko nadulas siya Kaya nahulog." Nauutal niyang paliwanag.
Tumango lamang ang kanyang ina,habang si Zera ay Hindi kumbinsido sa sinabi niya. Tiningnan niya ito ng masama, alam niyang nakita sila ng kapatid kanina. Ngunit makahulugang ngumiti ito sa kanya at Hindi na lang niya pinansin, ipinagpatuloy niya ang pagkain.
BIKAY'S POV
"Achouu!" Pang-ilang beses na siyang bumabahin.
Napasama siguro ang paliligo niya matapos siya ihulog sa pool ng amo.
Narito na siya sa sariling kwarto, kakarating lang nila ng kanyang amo.
Habang nasa biyahe ay wala silang imikan. Wala din siya sa mood magsalita, kahit giniginaw na siya sa lakas ng aircon ng kotse ng amo ay Hindi siya nagreklamo dito.
Lalo pa siyang nakadama ng pangangatog ng mga tuhod,dahil hagdan ang ginagamit niya sa tuwing umaakyat at bumaba sa unit ng amo niya. Nang makarating siya sa condo ng amo ay dumiretso agad siya dito sa silid niya.Matapos niya magpalit ng damit pantulog ay ibinalot niya ng makapal na kumot ang katawan, nilalamig na din siya ngayon. Idinaan na lang niya sa pagtulog ang masamang pakiramdam. Naisip niyang bukas paggising niya ay maganda na ang pakiramdam niya.
VINZ'S POV
Tanghali na pero hindi pa niya nakikita na naglilinis ng condo ang kasambahay. Hinayaan na lang niya ito kung tinanghali ito ng gising tutal sabado naman ngayon. Naisip niyang baka napagod ng gusto kahapon, alas dose na sila ng makauwi kagabi.
Nagtungo siya sa kusina upang magtimpla ng kape. Hindi niya maiwasang sulyapan ang kwarto ni Bikay.Malapit lang ang kwarto nito sa kusina, kaya dinig kung may gumagalaw sa loob ng kwarto nito. Tahimik pa rin sa silid nito,palatandaan na natutulog pa ito.
Bitbit ang tasa ng kape ay nagtungo siya sa balcony upang manigarilyo. At ng matapos ay lumabas siya at nagtungo sa gym na regular niyang pinupuntahan. Kaya napapanatili niya ang magandang katawan. Nakakatawa ng minsan may mag-alok sa kanya bilang modelo ng isa sa mga kilalang brand ng underwear. Pero mahigpit niya itong tinutulan, Hindi niya pinangarap Maging modelo.Loveuall:: 👉👉miss A.👈👈
BINABASA MO ANG
my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing
Romance#3 in Romance-comedy Bagong salta sa Kamaynilaan si Bikay na nanggaling pa sa malayong kabundukan. Isa lang ang nakatatak sa utak niya, huwag magpauto sa kung kanino kailangan siya palagi ng nakalalamang. Ignorante man sa bagong paligid pero hindi...