CHAPTER TWENTY FOUR;;;

15.3K 279 5
                                    

BIKAY'S POV

"Sigurado ka bang Kaya mo na maglakad papunta sa pinagtatrabahuhan ng tatay mo?" Nag-aalalang bulong sa kanya ng amo niya este Vinz na pala.

Makaraan ang tatlong araw na pagkakasakit niya. Ngayong maganda na ang pakiramdam niya, nagpumilit siya sa magulang na tutulong siya sa paglalagay sa sako ng mga uling.
At itong si amo este Vinz, ay pinangatawanan ang paghihintay sa kanya na gumaling siya.

"Oo naman, bakit?" Nagtatakang tanong niya habang naglalakad sila sa kagubatan papunta sa pinag-uulingan ng mga magulang niya.

"Baka kasi masakit pa,paano kung mabinat ka?" Tugon nito habang inaalalayan siya sa paglalakad.

"Magaling na ako, ikaw lang naman ang may ayaw na bumaba na tayo sa bayan eh. At isa pa baka makita tayo nila nanay na magkahawak kamay." Saway niya dito.

Mabuti na lang nasa unahan ang mga magulang at kapatid niya.

"Eh, di pakakasalan kita." Nakangiting sabi nito.

Natigilan siya sa narinig, hindi niya alam kung seryoso ba ito o nagbibiro lang.

"Sige bibitiwan ko na, little Angel." Nakangiti pa rin na sabi nito at binitiwan ang isang kamay niya.

Parang nalungkot siya ng mapagtanto na nagbibiro lang siguro ang lalaki.

"Bakit nga ba ako aasa? Eh, wala naman siyang sinasabi kung ano ba talaga kami, ni I love you waleyy!" Katwiran ng isip niya .

"Bilisan na natin anlayo na nila nanay." Turo niya sa mga kasama.

Aaminin niyang may pagka-garapal siya kung minsan.Pero Hindi niya magawang itanong Kay Vinz ang tungkol sa kanila. Kaya kahit sa magulang niya ay wala siyang masabi. Hindi niya maamin sa mga ito na boyfriend niya ito o manliligaw. Kasi Hindi naman talaga.

"Di ko siya manliligaw, di ko din boyfriend. Eh ano? Among mang-aanu? Ktulong na nagpapa -anu?" Naguguluhang tanong niya sa sarili habang nagpapatuloy sa paglalakad.

Sa kaiisip niya ng kung anu-ano ay di niya napansin ang nakausling ugat ng malaking puno. "Ayyyy, tae mooo!" Sigaw niya ng matisod sa ugat.

"Dapat talaga Hindi na tayo sumama pa, hindi ka pa malakas." Naiinis na bulong ni Vinz sa may tenga niya.
Hindi siya tuluyang nadapa, dahil nahawakan siya nito sa bewang.
Dama niya ang init ng hininga nito sa kanyang batok. Hindi siya lumingon dito at kumalas sa pagkakapulupot nito sa bewang niya.

"Salamat." Mahinang sabi niya.

"Malapit na pala tayo, natatanaw ko na yung ulingan ni tatay." Pag-iiba niya at binilisan ang mga hakbang niya upang makalayo sa lalaki.

________________

"Kuya Vinz, kuhanin mo din po itong maliliit na uling, wag lang po yung malalaki." Narinig niyang sabi ng bunsong kapatid niya na si Jonas.

Kasama niya ang dalawang nakababatang kapatid. Tumutulong din ang mga ito sa paglalagay ng mga uling sa sako kapag walang pasok sa school.

"Ganun ba, sige kukunin ko din ang maliliit na uling." Sang-ayon naman nito.

Magmula ng dumating sila dito ay tahimik siya at dumidistansya sa lalaki. Kahit malapit lang ito sa kanya ay parang namimiss niya agad Ito. Namimiss niya yung mga pagkukulitan nila. Nakilala niya ang isang bahagi ng pagkatao ng lalaki na masayahin kabaligtaran ng pagiging magagalitin nito. Malambing, maasikaso sa kanya. Sa ilang araw niyang pagkakasakit ay Ito ang kasama niya kapag umaalis ang mga magulang niya. Ito ang  bumubuhat sa kanya kapag pupunta siya sa cr. Ang lalaki ang naghahanda ng isusuot niyang damit. Ito din ang umiigib ng tubig na ginagamit nila sa araw-araw. Sinusubuan siya sa tuwing pakakainin siya nito. Pero ngayon Hindi gusto muna niyang mapag-isa. Hindi dahil sa baka mahalata ng mga magulang niya. Kundi dahil naisip niya baka umaasa lang siya sa wala.

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon