"What is this?" Nagtatakang tanong niya sa katulong ng iniabot sa kanya ang isang papel.
"Basahin mo po, Ser."
Walang ganang binuklat niya ang papel mula sa pagkakatupi. Nanlaki ang mga mata niya at napatayo siya mula sa kinauupuan."Are you crazy?" Nag-uumpisa na naman siyang mapikon.
Kaya pala ito kanina pa patingin-tingin sa kanya, iyon pala ay hinihintay lang siyang matapos kumain ng hapunan.
"Eh, ‘di wag." Pahablot na binawi ang papel na nasa kamay niya.
Tinalikuran siya nito at naglakad patungo sa kusina dala niya plato na pinagkainan niya. Kinakanta na naman 'yong kanta na kinaiinisan niya. Alam niyang patama iyon sa kanya ni Bikay, umiindak pa ito habang naglalakad.
Parang sinasabi sa kanya ni Bikay na kapag ‘di siya pumayag sa gusto ng katulong ay iaupload ang video niya. Bumuga siya ng hangin, parang sasabog ang dibdib niya dahil sa sitwasyon ngayon. ‘Di niya akalain na makukuhanan sila ng video. Nakalimutan niyang isara ang pintuan ng gabing iyon, nawala sa isip na may iba siyang kasama sa unit."Okay fine, pumapayag na ako sa mga gusto mo! HAPPY?" Sabi nunit kay Bikay ng sundan niya ito sa kusina.
Naabutan niyang naghuhugas ito ng mga pinggan. Kinuha niya ang papel na nakapatong sa ibabaw ng mesa na naroon. Hindi niya ito binasa ng maayos kanina dahil ng nabasa niya ang nakasulat sa taas na KONDISYON ay hindi na niya inalam kung ano pa ang ibang nakalista.
"Ano 'to? 'Di ko maintindihan, i-ibi-biga-y?" Para itong kinahig ng manok, tinalo pa ng grade one student.
"Akina na nga! Magbabasa lang eh."
"Eh, parang kinahig ng manok ang sulat mo mas malala pa sa sulat ng doktor." Singhal niya
"Eh di ikaw na maganda sumulat!" Pinandilatan siya ng mata nito.
Naupo muna ito sa sa upuan na stool na kinuha mula sa ilalim ng Mesa. Nanatili siyang nakatayo sa harapan nito.
"Namber one: IBIBIGAY MO SA AKIN ANG PASSWORD NG WIFI MO." Umpisa nito.
"No problem." Napapangiti siya, napakadali lang naman pala ng hinihinging kondisyon nito.
"Namber two: ENERGEN NA MAIS ANG FLAVOR ANG IBIBIGAY MO SAKIN AT HINDI KAPE, SINISIKMURA AKO SA KAPE!"
Humagalpak siya ng tawa, ang babaw talaga pati ba naman ito.
"Oh bakit? Totoo naman ah sinisikmura ako sa kape! Tapos puro kape pa ang stock mo po dito." Nakangusong paliwanag ng katulong.
“Okay, bibili ako ng Energen." Tumatawa pa ding sagot niya
"Akala ko napakahirap ng kondisyon ng katulong ko, tsk, tsk." Wika niya sa sarili.
At nakikinikinita na niya na walang kahirap-hirap na makukuha niya ang video.
"Continue."
Nakasimangot itong nagbasa ulit.
"Number three:tulungan mo akong makapag-aral ulit."
Nakita niya sa mga mata ni Bikay ang pagkaseryoso sa sinabi."Walang problema, anong kurso ang gusto mong kuhanin, kahit ano akong bahala sa lahat ng bastos." Mayabang na sagot niya.
Madali lang para sa kanya ang pag-aralin ito kahit sa kanyang personal savings niya kuhanin ang igagastos dito ay walang problema malaki na ang naiipon niya. Kahit Maraming ari-arian ang mga magulang niya ay nag-iipon siya ayaw niyang umasa lang sa mga ito. Kahit sabihin pang siya na ang CEO ng kumpanya nila ay hindi siya nagwawaldas ng pera. Mayroon din siyang sariling negosyo na mahigpit na tinutulan ng mga magulang noong bago pa lamang siya nagsisimula. Ang “The Inozente”- kauna-unahang sex toy company sa bansa."Hindi pa ako magka-college.." Malungkot na sabi nito.
"Ano'di ka nakatapos ng high school, mabilis lang ang panahon. Anong taon ka na ba sa high school?"
Umiling ito.Napakunot ang noo niya. "Eh ano? ‘Wag mong sabihin na magsisimula ka sa kinder?” curious na tanong niya
"Hindi naman, ser, kinder grabe kayo, grade five na dapat ako nang tumigil sa pag-aaral." Nakangusong sagot nito.
Napatulala siya hindi makapaniwala na 'di pa pala ito nakakatapos kahit elementary. Tumingin siya sa mukha ng babae upang siguruhin na hindi ito nagbibiro, seryoso itong nakatitig sa papel na hawak. Nakaramdam siya ng awa para sa katulong.
"Okay, sige, tutulungan kita, kaya lang baka tuksuhin ka ng mga magiging ka klase mo." Pag-aalala niya.
"Number three na: Basta ang mahalaga pumayag ka, kunwari ka pa pero pinagtatawanan mo ako ng palihim." Sita nito
Magsasalita pa sana siya para mag paliwanag, ngunit nagpatuloy na ulit ito."Oh ito na number three: Wag mo ako pahihirapan sa trabaho ko."
"Anong klase yan, kulang na lang sabihin mo na wag na kitang pagtrabahuhin dito."
"Eh di 'wag..." Nanlalaki ang mata ni Bikay
"Narinig na ko naman ang salitang, “eh, ‘di 'wag”, masakit sa pandinig." Sigaw ng utak niya.
"Sige na, next!" Inip na singhal niya
Naiinis siya sa sarili, ang tulad niya ay nagiging sunod-sunuran sa isang katulong. Hindi siya ang uri ng tao na maging ganito, pero heto at nangyayari na.
"Last number four:"
Nakahiga siya ng maluwag dahil mabuti na lang apat lang pala ang hinihingi nitong kondisyon."Bawal ka magdala ng jowawa dito." Pagkatapos nito. "Pirmahan mo na po ser." At ibinalik sa kanya ang papel.
"Wait ano yung huli mong sinabi mo? Jo-jowawa?"
"Jowawa lang di n'yo alam, Ang m galing-galing mo na nga makipag-ano. GIRLFRIEND, NOBYA O DI KAYA FLING MO." paliwanag nito
"At sino ka para pagbawalan ako na mag-uwi dito ng babae ko. Kahit ilan pwede ako magdala dito, pamamahay ko 'to." Galit na paliwanag niya.
"Ser, baka gusto ninyo na mapuno ng scandal ang cellphone ko. Ikaw ang bahala, para mas marami akong iaupload kong sakali." Tumatawang sagot nito.
Naiinis siyang dinampot ang papel. "Pahinging ballpen." Madilim ang na mukhang utos niya.
Napasama pa ang pagkakaroon niya ng katulong. Kung alam lang niya na mangyayari ‘to, hindi dapat siya pumayag kahit anong pagpupumilit ng magulang niya.
Mabilis niyang pinirmahan ang papel.
"Siguruhin mo lang na 'di mo ipapakalat ang video ko." Matigas ang boses na paalala niya.
Ngumisi ang katulong niya ng makitang napirmahan na niya. “Ibibigay ko sa inyo ang video kapag natapos na ang kontrata, kaya nasa akin pa rin ang alas-baho mo.”
Walang imik na iniwan niya si Bikay sa kusina hindi na niya pinansin ang sinabi nito.
Kinuha niya ang susi ng kotse at lumabas ng unit. Naisip niyang pumunta sa bar para kahit paano ay malimutan pansamantala ang galit sa mga nangyayari.
---Please vote and share
BINABASA MO ANG
my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing
Romance#3 in Romance-comedy Bagong salta sa Kamaynilaan si Bikay na nanggaling pa sa malayong kabundukan. Isa lang ang nakatatak sa utak niya, huwag magpauto sa kung kanino kailangan siya palagi ng nakalalamang. Ignorante man sa bagong paligid pero hindi...