VINZ'S POV"Itlooggg mo malaki!" Gulat na sigaw ni Bikay at nanlalaki ang mga mata nito na lumingon sa kanya.
"Da*mn it! sh*t! motherf*cker!." Sunod-sunod na pagmumura niya habang tumatayo mula sa pagkakadulas sa putikan.
Patihaya siyang bumagsak sa putikan, Kaya napuno ng putik ang buong likuran niya.
"Hahaha ser, ano may nahuli po ba kayo? o nakawala? hahaha." Humahagalpak na tawa nito at nilapitan siya.
"Bwisit na babae ito, pinagtawanan pa ako." Gigil na sabi niya sa isip.
Pati ang kamay at braso niya ay mayroon na ding putik. Luminga siya upang maghanap ng maari ng paghugasan. Laking pagkadismaya niya pero walang tubig sa paligid nila ngayon.
"Hahaha ser, para kayong malaking palaka na nakatihaya kanina hahaha." Nakahawak pa ito sa tiyan habang halos mamatay na sa kakatawa.
Sa sobrang inis niya sa katulong ay hinilamusan niya ang buong mukha nito ng putik na nasa kanyang mga kamay.
"Hahaha, Para ka namang kuting na isinubsob sa putik ng kanyang amo dahil sa pag-meow, meow, hahaha....." At paika-ikang nilampasan niya ito na nakatulala.
Tumatawa pa rin siya habang naglalakad ng matagal, medyo masakit pa ang balakang niya. Akala niya ay napatahimik na niya ang madaldal na katulong ng bigla nitong hilahin ang damit niya. Dahil sa pagkabigla Hindi niya naiwasan na muling bumagsak sa putikan.
"Kuting pala ha! Itong bagay sa inyo, palakang halimaw!" At sinakyan siya nito sa tiyan habang pinapahidan siya ng maraming putik sa mukha at leeg.
"Sh*t, stop! I will kill you." Sigaw niya habang pinipigilan ang dalawang kamay ni Bikay..
Madulas ang mga kamay nila Kaya hindi niya nahawakan ng mabuti ang mga kamay nito. Kaya patuloy ito sa ginagawang pagpapaligo sa kanya ng putik. Nakita niyang dumakot pa ito ng malaking putik at ipinahid naman sa puting damit niya.
Wala siyang nagawa para pigilan ang katulong Kaya,kumuha na din siya ng maraming putik at ipinahid sa buong katawan ng babae. Nakasakay pa rin ito sa kanya habang nakahiga siya sa putikan.
"Wag mong sabihing malaking tao ka,di ako magpapatalo sayo, itong sayuuuu, uhh." Sabay bato sa kanya ng isang malaking putik sa mukha niya.
Pinilit niyang bumangon at nagawa niyang magkabaligtad ang posisyon nilang dalawa. Siya na ngayon ang nasa ibabaw ni Bikay. Sa sobrang inis ay lalo pa niyang pinaliguan ang katulong ng mas maraming putik.
"Hahaha, ta-tama na, hahaha, Nakakain na ako ng putik! pwe! pwe! Ta-ma na, pwe! Hahaha"Hindi na ito makaganti sa kanya.
" hahaha Ikaw din pala ang susuko, hahaha little kuting."
At walang pakialam na humiga siya din siya sa putikan katabi nito.
Sabay silang tumatawa ng bigla itong magtanong."Ser, ngayon ko lang kayo narinig na tumawa yung tipong masaya. Putik lang pala ang magpapasaya sa inyo eh." Tumatawang tanong nito.
Natigilan siya sa sinabi ni Bikay, naitanong din niya sa kanyang sarili na kelan nga ba siya huling tumawa?Hindi na niya alam kung kailan siya huling naging masaya o tumawa.
"Halika na, magpatuloy na tayo." At nauna na siyang tumayo at inalalayan si Bikay na makatayo.
Hindi na siya nagcompliment sa sinabi nito, maging siya ay Hindi makapaniwala sa sarili.
"Ser wala na po tayong dadaanan na ilog o sapa, kaya dun na lang po tayo sa amin makakapaligo." Sabi nito habang nagpapatuloy sila sa paglalakad.
Naglakad sila na parehong naliligo sa putik.Mabuti na lang walang ibang tao silang kasabay o nakakasalubong.
BIKAY'S POV
"Nay" at sumugod siya ng yakap sa ina.
"Bikay? ikaw ba yan?"
"Opo." At kumalas ng yakap dito.
"Hindi kita nakilala, bakit ganyan ang itsura mo? at sino yang kasama mong lalaki?" Sunod-sunod na tanong nito sa kanya.
"Nadulas po kami nay." Palusot niya. "ay nay si ser Bens po amo ko,ser nanay ko po." pakilala niya sa dalawa.
"Good afternoon po." Magalang na bati ng amo niya.
Napataas ang isang kilay niya sa pagiging Magalang ng amo niya ngayon. Siguro di lang siya sanay.
"Naku ser salamat sa kabuting loob ninyo, dahil sinamahan mo ang anak ko." Nakangiting sabi ng kanyang ina.
"Vinz, na lang po ang itawag inyo sa akin." Turan ng amo.
"Abat may po pa talaga!" Sabi niya sa sarili.
"Oh sya, maligo na kayo sa ilog,para makakain na kayo ng tanghalian. Tiyak na gutom na kayo, ala-una ng hapon." Pagtataboy nito sa kanilang dalawa.
Ibinaba niya ang bag na dala at kumuha ng tabo na may lamang sabon at shampoo sa loob ng bahay nila.
"Bikay, nag-asawa ka na pala! at ang tangkad ng napangasawa mo ah, mabuti yan, baka sakali na maging mataas din ang maging mga anak mo." Tudyo sa kanya ni Manika na malapit sa ilog ang bahay.
"Hahaha, Di ko siya asawa! At saka kala mo naman kung sinong matangkad ang nagsalita." Biro niya sa kababata.
"Eh, di magiging asawa pa lang." Pagbibiro pa din nito habang nakatayo sa harapan ng bahay nito.
"Ay naku, Manika tigil-tigilan mo nga ako, sige dyan ka na naliligo na kami." Inis na sabi niya at nagpatuloy siya sa paglalakad.
"Kuya, pakamahalin mo yang bansot Kong kaibigan." Pahabol pa nitong sigaw ng makalayo silang dalawa.
"Sure, mahal na mahal ko talaga itong little kuting na ito." Ganting sagot nito sa kaibigan niya at tumawa pa ng malakas.
Sa sobrang inis niya ay pinukpok niya ito ng dalang tabo sa dibdib.
Sa takot na baka gantihan na naman siya ng amo ay nagtatakbo siya papuntang ilog. Pinabayaan na din niya na ang mga nahulog na laman ng tabo.
"Pasaway ka talaga, oras na mahuli kita lulunudin kita sa ilog." Sumisigaw na sabi nito at narinig niyang tumatakbo na ang amo.
"Ayyy." Naramdaman niyang umangat siya sa ere ng malapit na siya sa ilog.
Hindi siya nito binitiwan habang buhat tulad ng sa mga bagong kasal.
"Ser, alam nyo naman po na di ako marunong lumangoy." natatakot na pagmamakaawa niya, pero parang wala itong narinig.
Naramdaman niya ang paglubog niya sa tubig. Pumikit siya ng mariin habang nakayakap ng mahigpit sa leeg ng lalaki.
Loveuall:👉👉miss A.👈👈
Please_vote_and_comment
BINABASA MO ANG
my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing
Romance#3 in Romance-comedy Bagong salta sa Kamaynilaan si Bikay na nanggaling pa sa malayong kabundukan. Isa lang ang nakatatak sa utak niya, huwag magpauto sa kung kanino kailangan siya palagi ng nakalalamang. Ignorante man sa bagong paligid pero hindi...