BIKAY'S POV
#ANU🐦🍌???
"My goodness mahal! Gabi-gabi na lang palagi kang nakahawak sa ano ko." Reklamo sa kanya ni Vinz.
"Ehh. Basta di ako makatulog kapag Hindi ako nakawak dito." katwiran niya habang nakadukot sa pajama ng boyfriend.
Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit siya nahuhumaling sa ANU ni Vinz. Basta masaya na siya kapag nakahawak siya dito sa gabi bago matulog. Kahit tulog na siya at inalis nito ang kamay niya ay nagigising agad siya. Inaaway pa niya ito, saka muli niyang hinahawakan ang ANU nito.
"Ganyan ba talaga ang babae kapag naglilihi?" Parang naiinis na tanong nito habang nakayakap sa kanya.
"Ewan, bakit ako tinatanong mo ngayon lang naman ako nagbuntis!" Inis na sagot niya.
"At isa pa, bakit nagrereklamo ka?!kasalanan ito, mo kung di mo ako binuntis, eh di sana walang lumalambitin na kamay diyan sa ANU mo." Sabay tanggal niya sa kamay na nakadukot sa ANU ng lalaki.
"Okay, I'm sorry, sige na hawakan mo na ulit, akin na yang kamay mo ako pa ang maglalagay sa ANU ko." Panunuyo nito sa kanya sa takot na mastress siya
Kabilin-bilin kasi ng doctor niya na bawal siyang mastress makakasama daw sa baby niya. Hindi pa naman malaki ang tiyan niya. Dahil four weeks pa lang siyang buntis.
"Pero sana naman mahal,iba na lang ang paglihihan mo, wag na itong ANU ko." Malumanay na sabi nito ng mailagay ang kamay niya.
"Oh, sige. Parang ayaw mo naman talaga eh, napipilitan ka lang na nakahawak ako sa ANU mo." Nagtatampong sabi niya.
"Hindi, sige wag na nating pag-usapan ang tungkol dito basta, hawakan mo na lang palagi, di na ako magrereklamo." Maagap na paliwanag nito.
Hinalikan siya nito sa noo at niyakap ng mahigpit.
" Goodnight my little angel." Sabi nito.
"Goodnight." At nilaro-laro pa niya ang ANU nito bago siya tuluyang nakatulog.
.
.
.
"Good morning si-mam.." nauutal na bati sa kanya ng empleyado na babae ng asawa niya.Ang dapat na babatiin nito ay ang boss nito. Pero dahil bigla siyang tumingin dito ng tingin na nakakatusok. Kung pwede nga lang talaga na tusukin niya ang mga mata ng empleyadong babae ni Vinz ay matagal na niyang ginawa.
" Good morning." maawtoridad niyang ganting bati sa magandang babae.
Ang iba pang empleyado ay binati din siya sa halip na ang asawa niya. Tingin pa lang niya sa mga ito ay alam na nila ang ibig niyang sabihin.Pero kapag mga lalaki at matatandang babae ay pinababayaan niyang bumati sa boyfriend niya. Pero kapag maganda at bata pati bakla ay sa kanya dapat babati Hindi sa nobyo niya.
Hinila niya sa kamay ang boyfriend upang bilisan ang paglalakad papunta sa elevator. Unti-unting nabawasan ang takot niya na sumakay ng elevator. Dahil na din sa tulong ng lalaki. Sa tuwing sumasakay sila sa elevator ay niyayakap siya ng boyfriend. Nakakatulong ito upang mawala ang kaba niya kapag nasa loob nito.
"Mahal, nasusuka na naman ako."sabi niya.
"Ha? Wait kukunin ko lang yung plastic na dinala ko." natatarantang sabi nito at kinuha mula sa bulsa nito ang plastic.
Ibinukas nito ang plastic upang masukahan niya habang hinahagod ang likod niya.
"Malayo pa ba?" Tanong niya dito habang sumusuka.
"Malapit na mahal, makakarating na tayo sa office ko."
Nang matapos siya sumuka ay saktong bumukas ang elevator. Inalalayan siya nitong makalabas.
"Are you alright?" Nag-aalalang tanong nito..
Pinunasan nito ang luha niya dahil sa pagsusuka pati na din ang gilid ng bibig niya. Nanghihina siyang tumango. Ganito na siya ngayon, sumakay lang ng elevator ay nahihilo at nagsusuka na siya. Maging sa kotse ng lalaki ay nahihilo din siya, na dati namang Hindi siya mahiluhin.
Nang makarating sa loob ng opisina ng lalaki ay Hindi agad ito nagsimula magtrabaho, hanggat di nagiging maayos ang pakiramdam niya. Walang tigil ito sa paghalik sa pisngi o sa labi niya habang nakahiga siya sa couch."Okay na ako, magtrabaho ka na." Taboy niya dito.
"Pakikuha na lang ako nung dala Kong condensed milk sa bag ko." Sabi niya.
"Okay, hinaluan ko na din ito ng kalamansi, tulad ng sinabi mo kanina bago tayo umalis sa condo." Sagot nito at iniabot sa kanya ang isang maliit na Tupperware.
Ito ang pinapapak niya kapag nagsusuka siya o masusuka pa lamang. Pakiramdam niya nakakatulong itong condensed milk na may kalamansi.
"Kapag may kailangan ka sabihin mo agad sakin." At mabilis siya nitong hinalikan bago nagtungo sa mesa nito at nagsimulang magtrabaho.
Habang siya ay nakahiga at kinakain ang condensed milk gamit ang daliri niya ng may maalala siya..
"Mahal,mamayang lunch gusto ko ng energen." Sabi niya dito.Tumingin ito sa kanya at ngumiti.
"Yon lang ba? Okay, mais flavor na energen." Mabilis nitong sagot."Energen pero ayoko ng mais flavor,panget ang lasa,gusto ko naman ng choco flavor." Nakangiwing sagot niya.
"Okay, choco flavor."
"Oo, na may siling labuyo mahal." nakangiting sagot niya dito bago dinilaan ang loob ng Tupperware na wala ng laman.
Halatang nagulat ito, pero mabilis ding sumagot ng Oo.
"Salamat mahal na mahal talaga kita." Tuwang-tuwa na sabi niya sa boyfriend.
Salamat.....sa mga comment... Wow..300 ulit!!🙌🙌🙌...
Sorry wala ako masyado Naisip na PD paglihihan ni BIKAY na kakaiba ung tipo na wala pang nakakaisip na author dito sa group.... Para lang sana walang kapareho.....wish ko lang....heheLOVEUALL:👉👉 miss A.👈👈
Please vote and comment
BINABASA MO ANG
my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing
Romance#3 in Romance-comedy Bagong salta sa Kamaynilaan si Bikay na nanggaling pa sa malayong kabundukan. Isa lang ang nakatatak sa utak niya, huwag magpauto sa kung kanino kailangan siya palagi ng nakalalamang. Ignorante man sa bagong paligid pero hindi...