CHAPTER THIRTEEN::

14.5K 262 3
                                    

BIKAY's POV

Nahihirapan siya sa kanyang kinahihigaan, parang napakasikip. Nagtataka man pero ang alam niya ay kahit pang-isahan ang kama ay maluwag na para sa kanya lalo na dahil di naman siya malaking tao. Tinatamad pa siyang nagmulat ng mga mata, pakiramdam kasi niya masama pa din ang pakiramdam niya.
Napamulagat siya sa nakita.

"Ahh, impakto! halimaw!ahh." Pinaghahampas niya ng unan ang lalaking nakayakap sa kanya at natutulog sa katabi niya.

"Will you please shut up." at ibinalibag ang unan na hawak niya sa pader.

Tumayo ito iniwan siya ng wala man lang paliwanag. Pinilit niyang tumayo kahit medyo nahihilo. Hinabol niya ito,naabutan niyang nasa sala na ang amo.

"Ser, kahit amo kita Hindi ko mapapalampas ang kapangahasan mo sa akin, nilapastangan mo ang pagkababae ko." Tungayaw niya at hinila ang laylayan ng damit na suot nito.

Galit na nilingon siya ng amo.
"Aba't ikaw pa ang may ganang magalit ha!" Singhal niya.

Lalo siyang nahighblood ng mapansing iba na ang suot niyang damit. Sa pagkakatanda niya ay nakasuot siya ng pajama at sando ng matulog siya.

Binitiwan niya ang damit ng amo.
Hinawakan niya ng may pagtataka ang suot na itim na malaking T-shirt. Napansin din niya na wala na siyang suot na bra pati pajama niya wala na din. Wala sa sariling itinaas niya ang suot na damit, nanlalaki pa din ang mga mata niya ng makitang kulay pula na ang suot niyang panty sa halip na dilaw. Nakasisiguro siya na dilaw ang kulay isinuot niyang panty. Hindi siya maaring magkamali dahil magkahiwalay ang mga panty niyang pantulog sa sinusuot sa araw. Ang mga luma na panty ang pantulog niya at itong pula na suot niya ay ginagamit niya ito pag may pupuntahan, bago pa kasi ito.

"Isa lang ang salarin ng lahat ng ito." Galit na sigaw ng utak niya.
Nagtaas siya ng tingin pero wala na ang amo sa harap niya. Nanginginig siya sa galit ng sumugod siya sa kwarto nito. Nang di niya ito naabutan sa kwarto ay walang pasintabing itinulak niya pabukas ang pintuan ng banyo nito.

"Halimaw ka,nirape mo ako. Bastos, manyak, matagal ko iningatan ang pagka-virgin ko ." sigaw niya dito.

Wala siyang pakialam kung nakahubad man ito habang nagshashower.

"Get out Bikay, Hindi mo ba nakikita naliligo ako. I'll explain with you later." Utos nito sa kanya at tumalikod sa kanya upang ipagpatuloy ang paliligo.

Lalo siyang nagwala sa galit,dahil parang binabalewala lang siya ng amo. Hindi niya sinunod ang utos nito sa halip lumapit siya pa siyang lalo dito. Galit na pinilit niya ang shower upang lalong uminit ang tubig na lumalabas dito. Hindi nito namalayan ang paglapit niya Kaya napasigaw ito.

"Sh*t! Bikay, are you out of you mind!" Kulang na lang suntukin siya nito.

Napansin niyang nakakuyom ang mga kamao nitong nakatingin sa kanya ng masama. Hindi siya nagpasindak sa amo, sa panahon ngayon Hindi pwedeng amo palagi ang tama.
Nakipag-agawan sa kanya ito upang maibalik sa katamtamang init ang tubig ng shower. Hindi siya nagpatalo, kasehodang mabasa na din siya.

" Hindi ka ba talaga titigil!" galit na sabi nito ng magtagumpay na maalis ang kamay niya sa pihitan ng shower at pinatay.

"Hindi talaga ako titigil, manyak, rapist! akala ko isa ka lang dambuhalang halima-"
Hindi niya naituloy ang sasabihin ng bigla siya nitong buhatin.

"Ahh, Tulong, saklolo rereypin na naman ako ng amo ko, ibaba mo ako!" Tungayaw niya habang buhat na naman siya na parang sako ng bigas.

Ibinagsak siya nito sa couch na nasa loob ng kwarto nito. Wala itong imik habang galit ang ekspresyon ng mukha.

"Ahh, bastos ka talaga! mag-damit ka nga." Sabay takip sa dalawang mata niya.

Ngayon lang niya nakita ng husto ang katawan nito na nakahubad, as in hubo'thubad! Nang pumasok siya kanina ay alam niyang nakahubad ito pero Hindi niya napansin dahil sa sobrang galit niya. Hindi niya narinig na nagsalita ang amo, akala niya ay umalis na sa harapan niya upang magbihis. Ngunit laking gulat niya ng simulan nitong hubarin ang suot niyang basang damit.Inalis niya ang dalawang kamay na nakatakip sa mata at pinigilan ang tangka nitong paghuhubad sa suot niya.

"Idedemanda kita, ahh, Tulong."
Lalo siyang napasigaw ng punitin nito ang damit niya. Nalantad ang dibdib niya na walang suot na bra, tanging panty na lamang ang natira sa kanya.

"Ahhhh, Ser, maghunos dili kayo Hindi ako masarap! ahh" nagsisigaw at nagpumiglas siya ng buhatin ulit ang hubad niyang katawan. Inilipat siya nito sa kama nito. Parang lalong nanlisik ang mga mata nito sa mga sinabi niya.

Hinila ng amo niya ang comporter at itinakip sa katawan niya. Pagkatapos ay ipinasok nito ang dalawang kamay sa loob nito. Galit na hinila nito pababa ang suot niyang panty. Nakipagmatigasan siya ginawa niya ang lahat upang wag maalis nito ang panty niya. Pero dahil mas malakas ito ay walang kahirap-hirap na nahubad nito ang Tanging saplot niya. Nakita niyang ibinato ng amo ang kakapirasong tela sa sahig.
Hinawakan niya ng mahigpit ang comporter na nakatakip sa hubad niyang katawan. Ngayon siya Nakaramdam ng totoong takot sa amo. Kahit siguro magsisigaw siya ay walang makakarinig sa kanya.Ang alam niya soundproof ang buong condo nito.

"Wag kang lalapit." Tapang tapangan na sabi niya.

Yumuko ito sa harap niya at ngumisi ng nakakaloko.

"Ibuburo ko na lang ito, kesa gahasain kita."

Napanganga siya sa sinabi nito.
Magtatalak pa sana siya ng ayusin nito ang nakatakip sa kanya.

"Your such a little crazy noodle" inis na sabi nito.

Napasimangot siya sa tinuran nito.

"Oo alam ko maliit nga ako, di mo na kailangang ipagdiinan." Katuwiran niya.

"Tsk, dahil sa ginawa mo parang bumalik na naman ang lagnat mo." Sabay hipo sa noo niya.

Saka lamang niya naalala na masama ang pakiramdam niya at di rin niya alam kung gaano na siya katagal na tulog. Parang napahiya siya sa amo ng maalala ang mga pinagsasabi niya dito. Tumayo ito at nagtungo ulit sa banyo ng bumalik ay nakatapis na ito ng towel at may dalang isa pang towel.Lumapit ito sa kanya at pinunasan ang buhok niya na nabasa sa shower kanina. Hindi na siya nagsalita pa, parang hinihila na naman siya ng antok.

.....alam ko ang iniisip ninyo kanina??hehe....ako nga din eh parang gusto ko ng reypin ni Vinz si Bikay...baka kasi pakasalan si Bikay kasi virgin pa ito hehe....
.
Loveuall: 👉👉miss A.👈👈

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon