BIKAY'S POV
Hindi na niya alam ang gagawin sa mga baby niya. Kanina pa umiiyak ang mga ito, nagpatulong na rin siya Kay manang Olga sa pag-aalga.
"Vinz, kanina pa sila umiiyak eh, pina-dede ko na tapos nagburp na sila,pero iyak pa din ng iyak." Naiiyak na sabi niya sa lalaki habang kausap ito sa telepono.
"Shh, tahan na baby Bhlack." Alak niya sa anak na kasalukuyan na umiiyak.
"Anong sabi mo pakiulit." Sabi niya sa kabilang linya habang pinapatahan ang anak.
"Manang si baby White pakisaksakan po ng gatas baka gutom na ulit yan. Saka po si babay Rhed pakibuhat po muna para tumahan." Natatarantang utos niya sa kasambahay.
"Hello, mahal ano nga ulet?" Ulit na tanong niya dito.
"Ang sabi ko uuwi na ako,then tatawagan ko si mama para tanungin kung bakit umiiyak ang babies natin." Sagot ng nasa kabilang linya.
"Bilisan mo na, nahihirapan na ako, kanina pa nga ako naiihi Hindi ko naman maiwanan tapos Hindi pa rin ako nakakapaligo eh hapon na. Kanina pa umiiyak ang mga anak natin." Tuluyang na siyang napaiyak.
"Hey, calm down, pauwi na ako okay. Sige mamaya na tayo mag-usap magdadrive na ako." Nagmamadaling paalam nito sa kanya.
Sisinghot-singhot siya ng maibaba ang telepono.
"Ineng, kailangan maging lakasan mo ang loob mo." Maya-maya ay sabi ng matanda.
"Eh kasi po manang kapag nakikita ko silang umiiyak, naiiyak na din po ako tapos natataranta na ako." Paliwanag niya habang pinipigilan ang sarili na ng umiyak.
"Oh, hayan tulog na si baby pula, gutom lang pala at ito naman si baby puti,naku inaantok lang pala." Wika nito.
Nahimasmasan siya ng makitang tumahimik ang dalawang anak niya.
"Pero Manang bakit po Kaya di pa tumitigil sa pag-iyak itong si babay Bhlack." Nag-aalalang tanong niya. "Dalhin na po Kaya natin sa ospital, baka may pampatigil sila ng iyak ng sanggol." Dugtong pa niya.
"Walang gamot sa iyak ng sanggol, akina susubukan Kong buhatin, para makapgpahinga ka na din." Sabay luha nito sa anak niya.
"Manang, panu po ninyo nagawang patahanin si baby Bhlack?" Bulong niya sa kasambahay.
Nakita niyang isinayaw-sayaw lang ito ng matanda at tumigil agad.
"Naku, baka sinanay ninyo ito na kinakarga Kaya ganito." Puna nito.
"Eh, kapag umiyak po kasi nakakatakot parang lalong umiitim na namumula, kaya binubuhat po namin agad ni Vinz." Paliwanag niya.
"Normal lang yun dahil sa kulay niya, wag lang kapag sa inaakala mong di na makahinga." Sagot nito habang patuloy na ipinaghehele ang anak.
"Ho? Hihintayin ko pa ba na Hindi na makahinga sa kakaiyak bago ko buhatin?" Nanlalaki ang mga mata niyang tanong dito.
"Ang ibig Kong sabihin,baka Kaya umiiyak dahil kailangan ng palitan na ang diaper, nagugutom o inaantok." Matiyagang paliwanag nito.
Tumangotango siya at tinandaan ang mga sinabi nito.
"Sige na, ako na ang bahala dito pumunta ka na sa banyo, pero wag ka ng maliligo hapon na, makakasuso ang anak mo ng lamig." Bilin nito.
"Salamat po." Sagot niya dito.
____Humahangos si Vinz ng makarating sa condo.
"Mahal, kumusta ang mga baby natin?" Tanong agad nito.
"Shh, napatulog sila ni Manang, ang galing nga eh." Kwento niya.
"Buti naman, nag-alala ako sa mga anak natin." Nakahinga ito ng maluwag.
Nilapitan nilang dalawa ang mga sanggol na kasalukuyan na natutulog sa crib nila. Kinabig siya ng lalaki at isinandal sa dibdib nito habang nakatayo paharap sa mga anak.
"Dito ka na lang muna, nahihirapan ako mag-patahan sa kanila, lalo na kapag sabay-sabay ng umiyak sila BABY KRAYOLA." mahinang sabi niya dito.
"Maghire na tayo ng caregiver nila, para di ka na nahirapan." Masuyong sagot nito habang hinihimas ang balikat niya.
"Ayan na naman si baby Bhlack nag-streching na naman, tingnan mo mahal namaluktot na tapos namula na nangitim na naman." nag-aalalang sabi niya at marahang hinawakan ang anak sa braso.
"Sabi nila normal lang daw yan." Sagot nito at tinapik ng marahan ang baby nila.
"Bukod tangi kasi siya sa lahat eh, pinaka-iyak-in pa tapos parang alam niya kapag ibinaba na siya babanat na naman ng iyak." Namomroblemang sabi niya.
Niyakap siya ni Vinz. "Tatawagan ko ang agency na nirefer ni mama sa akin, para nakakuha na tayo ng tutulong sayo na mag-aalaga."anunsyo nito.
"And maybe next month, pwede na tayong lumipat sa bago nating bahay." Dagdag pa nito.
"Salamat." Sabi niya dito at mahigpit itong niyakap.
"For what?"
"Sa lahat-lahat, sa pag-unawa sakin,pl palagi kang nasa tabi ko kapag kailangan kita, lahat ng gusto ko sinusunod mo."
Tumawa ito sa mga sinabi niya.
"Isa lang ang reason ko, dahil mahal kita,mahal ko kayo ng mga anak natin." Sagot nito at mabilis siyang hinalikan sa labi."Wow bakit? Mahal din naman kita ah, hindi porket ikaw ang laging umiintindi sating dalawa, mahal na mahal din po Kaya kita." Nakangusong katwiran niya.
"Wala naman akong sinasabi na di mo ako mahal, my crazy little angel." Nakangiting sabi nito sa kanya.
"Huh, ano? Maliit na baliw ang tawag mo saki? Payag na nga ako na maliit na anghel ang itawag mo sakin eh, tapos dadagdagan mo pa,baliw na maliit na anghel." Napasimangot na sita niya dito.
Umiiling ito habang pinagtatawanan siya. "Ikaw, paparusahan kita dahil tinawag mo akong ganun." Kunway galit na sabi niya.
Hinila niya ito upang makahiga sa kama at pagkatapos ay kiniliti niya ito sa may leeg. Nang gaganti na ito upang mangiliti sa kanyang hita ay nagbanta siya.
"Sige ka kapag kiniliti mo mapapasigaw ako tapos magigising ang mga natutulog na Krayola, ahhhh, tama na, tama na hahaha." Sigaw niya habang pinipigilan ang mga kamay nito na nakahawak sa hita niya.
"Ginawa mo pa talagang tawag sa triplets natin ang CRAYOLA." At lalo pa siyang kiniliti nito.
Halos malagutan na siya ng hininga kakatawa dahil sa pangingiliti nito.
"Hahaha. Tama na, ahh, tama na, hahaha." Sabi niya sa pagitan ng pagtawa.
"Uhaaaa, uhaaaaa." Sabay-sabay na iyakan ng mga crayola-este ng mga baby nila.
Loveuall;::: miss A.
BINABASA MO ANG
my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing
Romance#3 in Romance-comedy Bagong salta sa Kamaynilaan si Bikay na nanggaling pa sa malayong kabundukan. Isa lang ang nakatatak sa utak niya, huwag magpauto sa kung kanino kailangan siya palagi ng nakalalamang. Ignorante man sa bagong paligid pero hindi...