CHAPTER SIXTEEN

13.3K 255 0
                                    

BIKAY's pov

"Hello nay, sorry po kung ngayon ko lang nasagot ang tawag ninyo nasa klase po ako kanina." Paliwanag niya sa ina.

Minsan lang niya makausap ang pamilya niya. Wala kasing signal sa lugar nila, kailangan pa ng mga ito na bumaba ng bundok para lang makatawag sa kanya.

Ang mga ito ang tumatawang sa kanya tuwing nasa bayan para kunin ang pinapadala niyang pera kada buwan.

Kaya habang naglalakad siya palabas ng eskwelahan ay tinawagan agad niya ang nanay.

"Anak, napatawag ako kasi namatay kaninang madaling araw ang Lola mo." Pagbabalita  ng ina.

Napatigil siya sa paglalakad ng narinig ang sinabi ng kanyang nanay. Tumulo agad ang mga luha niya dahil malapit siya sa kanyang Lola mula pagkabata. Matanda na ito at ang huling balita niya ay matagal na itong nakaratay sa higaan.

"Anak, hello, andyan ka pa ba?" Sumisinghot na tanong ng nanay niya.

" Opo nay, uuwi po ako dyan, magpapaalam po ako sa amo ko."sagot niya.

"Sige anak, pero di na kita mahihintay pa, aahon din ako mamayang hapon." Sabi nito.

"Okay lang po nay, may masasabayan naman po siguro ako. Pag di po ako nakarating ngayon baka bukas na po ako makauwi." Pahayag niya.

"Anak, mag-iingat ka, sige at baka gamitin na itong selpon ng hiniraman ko."

"Sige po nay ingat din."
Malungkot siyang nagpatuloy sa paglalakad at parang wala sa sariling nakarating siya sa bahay ng amo.
Nagdadalawang isip siya kung tatawagan ba ang amo o hihintayin na lang umuwi mamayang gabi. Baka magalit sa kanya kapag nangistorbo siya sa trabaho nito.

"Haisst, bahala na."

Idiayal niya ang telepono na nasa kusina. Hindi siya nahirapan alamin ang numero ng opisina nito. Dahil may sadyang nakalista ang number ng opisina in case of emergency daw.
Matagal bago may sumagot sa kabilang linya. Narinig niyang may sumagot na boses lalaki sa kabilang linya.

"Hello po ser Bens, si Bikay po ito." Pakilala niya.

"Sorry si Felix ito, pero pwede kita I connect sa office ni sir."

"Sige, salamat, may importante lang akong sasabihin." Pahabol niya.

"Why? Hindi ka ba makapaghintay na makauwi ako?" Iritableng sabi ng amo.

"Ser, emergency po kasi, magpapaalam po Sana akong uuwi sa amin, sa Laguna po. Patay po ang Lola ko." Mabilis na paliwanag niya.

"So kailan ka uuwi?"

"Kung pwede po sana ngayon na ser, malayo din po kasi yung samin, tapos po baka libing na po bukas ng hapon." sagot niya.

"What if tomorrow ka na lang umuwi, mamayang gabi pa ang uwi ko, Hindi kita mapapasweldo."

"Ser, ayus lang po Kasya naman po siguro ang pera ko may naitabi naman po ako. At isa pa po kailangan ko talaga umuwi ngayon baka pi pag bukas pa ako aalis dito, baka bulok na po ang Lola ko pagdating ko sa amin."

"What? kailan ba namatay ang Lola mo?" Naguguluhang tanong nito.

"Kaninang madaling araw po.".

"Kakamatay lang pala, yung iba nga Hindi agad inililibing kasi na-embalsamo naman."

"Ser Bens, wala pong embalsamo sa amin, bundok po yun." Paliwanag niya.

"Hindi ko na po kayo mahihintay pa, basta nagpaalam na ako sa inyo. Babalik naman po agad ako sa isang araw." At mabilis niyang ibinababa ang  telepono.

Hindi na niya hinintay ang anumang sasabihin ng amo. Mabilis ang kilos na nagtungo siya sa kanyang kwarto. Naglagay siya ng ilang piraso ng damit sa kanyang bag. Nagsuot siya ng rubber shoes, pantalon na maong at blouse. Matapos icheck ang laman ng bag at ng masigurong nakalagay na ang lahat ng kailangan niyang dalhin ay lumabas ng kwarto.

Kahit Nagmamadali ay hagdan pa din ang ginamit niya. Hanggang ngayon kasi takot pa siya gumamit ng elevator, binilisan na lang niya ang pagbaba sa hagdan ng building.
Sa tantiya ay gagabihin na siya sa biyahe, Hindi na niya kakayanin umakyat ng bundok kapag gabi na.

"Okay lang basta makarating ako ngayon sa Balian(Balyan)." Tukoy niya sa barangay na tinitigilan ng mga taga-Saray kapag bumababa ng bundok.

Kahit inabot siya ng siyam-siyam sa pagbaba ay nakarating din siya sa wakas sa  ground floor. Dire-diretso siya sa paglalakad palabas ng building. Kilala na siya ng guard na nakaduty sa dito, Kaya di na niya kailangan magpaalam sa mga ito. Di gaya noong bagong dating siya dito, sa tuwing lalabas siya ay itinatawag pa sa amo niya at kapag wala ang amo niya ay Hindi siya pwede lumabas. Kahit mayroon na siyang ID noon ay mahigpit ang seguridad ng building.

Napatigil siya sa paghakbang ng may tumawag sa pangalan niya.

"Ay kuya ikaw pala." Bati niya sa guard na narito sa lobby." pauwi po ako samin ngayon."

Lumapit siya sa guard na nakangiti.

"Tumawag si Mr. Del Valle, mahigpit niyang ipinagbilin na wag ka daw paalisin."

"Kuya, baka nagkakamali po kayo, nagpaalam na po ako sa kanya." Paliwanag niya.

Tatalikuran na sana niya ito, dahil nagmamadali talaga siya.

"Pasensya ka na Bikay, napag-utusan lang ako, baka kapag pinayagan kitang umalis ay matanggal ako sa trabaho." pigil nito sa kanya.

Gustuhin man niya na umalis na ay wala siyang magawa. Nakakaawa naman kapag nasesante ito ng dahil sa kanya.

Nanghihina na naupo siya sa sofa dito sa lobby ng hotel.

Napagpasiyahan niyang dito hintayin ang amo. Dahil kung aakyat ulit siya ay nakakapagod na dahil maghahagdan lang siya kung sakali.
Nakabusangot siyang naghihintay na dumating ang amo. Baka abutin siya ng tatlo o apat na oras sa paghihitay sa amo dahil alas dos pa lang ng hapon.

" Irereklamo kita Kay Tulfo,Dm dahil sa pagpigil mo sa pag-uwi ko,eh emergency naman yun ah." kausap niya sa sarili.

Wala siyang pakialam kung mapagkamalan man siya ng ibang nagdaraan na may tama sa utak ay wala siyang pakialam..

"Kahit amo kita, Hindi makatarungan ang ginagawa mo sa akin." Nanggigil na sabi niya. "Patay ang Lola ko,tapos pipigilan niya ako, wala naman akong cash advance sa kanya at mas lalong wala akong ninakaw sa condo niya. Baka Kaya di ako pinayagan ng halimaw na yun kala siguro may nakalagay sa bag ko na pag-aari niya. Aba! Hindi ako ganun, humanda talaga siya sakin." Gigil na sabi niya.

Loveuall::: 👉👉miss A.👈👈

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon