CHAPTER SEVENTEEN

13.7K 251 1
                                    

Please subscribe to my YouTube channel 👉 ASSUMER21 CHANNEL

Instagram: assumer_21




BIKAY'S POV

Makalipas ang kalahating oras ng paghihintay ay nakita agad niya ang kotse ng amo na tumigil sa labas ng building. Hindi na niya hinintay na makapasok pa ito sa loob. Parang lalong kumulo ang dugo niya dahil sa galit na nararamdaman ng makita itong bumababa ng kotse.

"Ser Bens, nagpaalam po ako sa inyo ng maayos ah, bakit? Dahil baka may ninakaw ako! Kaya itinawag nyo sa guard na wag ako paalisin." tungayaw niya.

Inalis niya ang pagkakasabit ng bag sa likod niya at binuksan iyon.

" Wala akong kinuha oh." Sabay bulatlat sa mga gamit niya. "oh ngayon nakita nyo na aalis napo ako, nang dahil sa inyo tiyak na hatinggabi na ako makakarating sa amin." Sisi niya dito at isinakbat ulit sa likod ang bag.

"Will you please shut your mouth, Hindi kita pinagdududahan na may ninakaw. Kaya kita pinigilan dahil masama ang panahon, may bagyo ngayon." Paliwanag nito at hinila siya sa kamay papunta sa may masisilungan.

"Tsk," sabay bawi sa kamay niya ng makasilong sila.

Tama nga ito masama ang panahon kahapon pa, Hindi naman niya alam kung may bagyo kasi Hindi siya nanood ng TV.

"Wala akong pakialam kung may bagyo, sanay na po ako ser sa ganyang panahon.Kung yan lang po ang inaalala nyo ay wag po kayo mag-alala." Mahabang paliwanag niya.

"Sige, po ser tuloy na po ako." At Nagmamadali na sumugod sa Ulan gamit ang Payong niya.
Hindi pa siya nakakalayo ng biglang tumaas siya sa ere.

"Ahh, bitiwan mo ako! ibaba mo ako! talagang wala kang galang porke maliit ako, binibitbit mo na ako ng ganito!bastos kang amo." Nagsisigaw siya at nagkakawag habang bitbit siya ng amo. Hinawakan ng magaling niyang amo ang bag niya na nasa likod. Nabitawan na din niya ang Payong Kaya pareho na silang nabasa sa ulan.

Pilit niyang nililingon ang amo,pero di niya nagawa, balak sana niya itong kalmutin sa mukha.

Maya-maya ibinaba siya nito ngunit Hindi siya binibitiwan. Paatras siyang hinila ng amo, patungo sa sasakyan.

"Tulong, tulong mga mama! mga ate! tulungan ninyo ako may gusto kumidnap sakin." Sigaw pa din niya.

"Back off man, she is my little crazy sister." Galit na sabi nito sa malaking mama na akmang tutulong sa kanya.

"Ahh, bakit mo ba ako pinipigilan.. magreresign na lang po ako sa inyu. Maghanap na lang kayo ng ibang katulong wala kayong puso! wala kayong bait, wala kayong- wala kayong-" Wala na siyang maisip na sabihin pa sa amo Kaya masama niya itong tinitigan ng masama.

Seryoso lang itong binuhay ang makina at nagmaneho.

"Ahhhh."nagsisipa siya na parang bata sa loob ng sasakyan.
Wala siyang pakialam kung madumihan man ang mamahaling kotse nito. Ngunit sa halip na magalit ang amo niya ay Hindi nito pinansin ang pagwawala niya.

Nang halos mapaos na siya sa pagsigaw at mangalay ang mga binti niya sa pagsipa ay kusa na din siyang tumigil.

Napahalukipkip sitting masama pa din ang loob sa amo.

" irereklamo kita Kay Tulfo, Hindi mo ako pinayagan na umuwi sa Lola Kong patay." maktol pa din niya.
"Eh kung ikaw Kaya ang mamatayan, kahit siguro bagyo Hindi ka mapipigilan." Naluluhang patuloy niya.

"Magreresign na ako ihatid nyo na lang ako sa agency, tutal yun din naman ang way pauwi samin." Sabay punas sa luha niya.

Nang mangalay ang mga panga niya sa kakangawa ay ipinikit na lang niya ang mga mata. Basta nasabi na niya na ihatid siya sa agency niya.

*VINZ'S POV

"HOY, wake up, saan ka dito sa Laguna?" Sabay tapik niya sa balikat ng natutulog na katulong.

"Huh?! Laguna? Anong ginagawa natin dito?" Pupungas-pungas na tanong nito.

"Andami mong tanong saan ba dito baka lumampas tayo." Inis na sabi nya.

Nakakaubos talaga ng pasensya ang katulong niya. Minsan parang ang talino, minsan naman parang walang isip.

"Sa ano, sa Saray po ako nakatira,bundok po yun, sakop siya ng Pakil. Pero sa Balian(balyan) kami dumadaan papunta samin." Litanya nito.

Tulad ngayon tinanong lang niya kung saan ito dito nakatira sa Laguna ang haba na ng sagot. Napapailing siyang tumigil sandali sa tabi ng kalsada.

"I'm asking you, kung saan tayo pupunta? Malinaw na sagot ang kailangan ko! damn." Sabay hampas niya sa manibela.

"Sa Balian(balyan), Pangil po." Nakangusong sagot nito.

Naghanap muna siya ng pwede ng kainan. Alas dyes na ng gabi Kaya malamang gutom na din ang katulong. Inihinto niya sa Jollibee ang sasakyan. Wala siyang makitang ibang restaurant Kaya pwede na ito. Nasanay kasi siya na kumakain sa mga mamahaling restaurant.

"Ikaw na ang umorder na kakainin natin." Utos niya sa kasama.

"Kayo po ser ang magbabayad ha." Paninigurado pa nito.

"Tsk, oo." At nagtungo siya sa pandalawahang mesa.

Abala siya sa pagkontak sa assistant, upang bilinan ito ng mga dapat gawin bukas. Hindi kasi niya akalain na sasamahan niya ang katulong. Ang plano lang talaga niya ay pigilan ito, dahil may bagyo. Pero Hindi ito nagpapapigil sa kanya. Kaya kahit labag sa kalooban niya ay sinamahan pa rin ito.

"Ser, kain na po tayo." Nakangiting alok nito sa kanya.

Kinuha niya ang tray na inabot nito na may lamang dalawang order ng pagkain. Ibinigay sana niya ang isang pagkain dito ng may dalawang crew ng Jollibee na naglagay pa ng dalawang tray ng pagkain.

"Bakit napakarami ng inorder mo, good for six person na itong lahat." Gulat na tanong niya dito.

"Eh, gu-tom na ako shob-ra eh-shi-na-man-tala ku-na, kashe lib-re." Namumualang paliwanag nito.

Sunod-sunod ang ginagawa nitong pagsubo sa spaghetti at manok sinabayan pa ng potato fries.

Sa halip na ganahan siya kumain ay Hindi niya magawa.Isang burger lang ang kinain niya.

"Ayaw nyo na po agad?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.

"Paano pa ba akong gaganahan sa nakikita Kong paraan mo ng pagkain na pagsabayin lahat ay baka kulang pa sayo lahat." Ito ang gusto niyang sabihin.

"Busog na ako." sa halip ito ang sinabi niya.

Hindi niya maiwasang pagmasdan ito habang kumakain. Ngayon naman nilalantakan na nito ang mash potato muna ang isinubo ni Bikay, sinunod ang mais tapos ang ice cream sabay lagok sa softdrinks.

" hay, ganito ba talaga siya kumain kapag walang sakit? " Tanong niya sa sarili.

Sa liit kasi nitong tao ay mas malakas pa ito kumain sa kanya. Mabilis nitong naubos ang mga pagkain na inorder.

" salamat po lord sa pagkain." sabay dighay nito ng malakas.

"Tara na po ser, ay teka lang sayang tong dalawang balot ng kanin, sayang wala na kasing tsikenjoy dapat pala yung nakalagay sa isang maliit na timba na lang ang inorder ko, de bale sa susunod na lang.

Napalingon siya sa counter na may nakapaskil na menu list. Nakita niya ang tinutukoy nitong maliit na timba. Halos malaglag ang mga panga niya ng makitang walong piraso ng manok ang laman niyon.

" Ser, gusto nyo bo pa magtake out tayo?" nang mapansin nitong nakatingin siya sa menu.

**MALAWMAW--ISANG URI NG PANG-ASIM ANG DAHON NITO,GUMAGAPANG ITO AT KARANIWAN SA BUNDOK SIYA TUMUTUBO.
(Wala akong picture nito, kasi ten years na akong di nakakakita nito,di ko din alam ang tawag sa ibang lugar. Pero ang ibang mga bicolano alam ito.)

Loveuall:: 👉👉miss A.👈👈

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon