CHAPTER THIRTY FOUR::the babies

13.1K 252 2
                                    

BIKAY'S POV

"Mahal, gising ipagtimpla mo ng gatas si baby Bhlack." Panggigising niya Kay Vinz.

"Uhhmmm, ikaw na mahal ano na ang nagtimpla kanina Kay baby Rhed." Reklamo nito at Hindi man lang nagmulat ng mata.

"Ikaw na, inaantok pa ako,kapag umiyak na naman ng malakas yan magiging na yung dalawa." Inis na sabi niya habang pilit itong ginigising.

Napilitan itong bumangon at nagtimpla ng gatas para sa anak nila.
Bumangon din siya ng magsimula ng umiyak si baby Black, dahil kapag Hindi niya ito pinatahan ay magigising na din ang dalawa pa sa triplets. At oras na magising ang mga ito ay tiyak na mahihirapan na naman sila magpatulog ulit sa mga ito.

"Mahal, ako na ang magpapainom ng gatas Kay baby Black." Sabay abot sa bote ng gatas.

Mahihiga na sana ulit ito ng tawagin ulit niya.

"Mahal, nagising si baby White malamang gutom na din siya." Sabi niya dito.

Wala itong nagawa kundi ang nagtimpla na naman ng gatas, ngunit sa pagkakataong ito ay siya ang nagpainom ng gatas sa isa pa nilang anak.

"Mahal, kumuha na tayo ng mga yaya ng mga baby natin." Suhestyon sa kanya ni Vinz.

"Wag na sayang lang ang pera,Kaya pa naman natin eh." Katwiran niya.

"Pero Mahal, nahihirapan tayo kasi tatlo sila." Sabi nito.

"Kaya natin ito at isa pa anak natin sila dapat lang na tayo ang mag-alaga sa kanila." Paliwanag niya.

Matapos niya mapainom ng gatas at mapadighay si babay Bhlack ay inihiga ulit niya ito sa crib.

"Ako na ang magpapatuloy magpainom Kay baby White matulog ka na, maaga ka pa bukas sa trabaho mo." Sabi niya dito.

"Ako na, matulog ka na dahil bukas ikaw lang mag-isa mag-aalaga sa mga anak ito." Sabi nito sa kanya.

Hindi niya ito sinunod, sinamahan niya si Vinz at sabay silang natulog ulit.

"Ganito na lang Mahal, kung ayaw mo kumuha ng yaya nila pumayag ka na maghire tayo kahit isa lang. Nang sa ganun may makakasama ka dito sa bahay kapag wala ako." pangungumbinsi nito.

"Sige ikaw ang bahala." Sagot niya dito.

"Mahal." Tawag nito.

"Uhh.." Sagot niya habang nakapikit.

"Mahal."

"Uhh, bakit?" Sagot ulit niya.

"Pwede na ba?" Bulong nito sa kanya.

Napamulagat siya sa gustong iparating nito sa kanya.

"Tumigil ka nga, isang buwan pa lang akong nakakapanganak." Saway niya dito.

"Ten or eleven months na yata akong alam mo na." Sabay halik sa noo niya.

"Haisst, akala ko ba ayaw mo na masundan agad sila, eh bakit nangungulit ka?" Nakangusong tanong niya.

Napakamot ito sa ulo bago nagsalita.
"Okay,maghihintay na lang ako kung kailan pwede." Sagot nito at niyakap siya.

"Sige, sa check up ng mga baby itatanong ko sa doktor kung kailan pwede mag-pa-ANU." sabi niya.

"Tsk, wag ka magtatanong nakakahiya."saway nito.

" Hindi, Ako naman ang nagtatanong eh, di naman ikaw!" tumatawang sagot niya.

"Thank you mahal." Pag-iiba nito.

"Huh, bakit? para saan?" Naguguluhang tanong niya.

"Na dumating ka sa buhay ko, kayo ng mga anak natin. Wala na akong mahihiling pa, mahal na mahal kita kahit na.."

"Kahit na..ano?" Napapasimangot na tanong niya, Pakiramdam kasi niya negatibo ang sasabihin nito tungkol sa kanya.

"Kahit na, sa kabila ng pagiging maingay mo, makulit, pasaway, mahal na mahal pa rin kita." Dugtong nito.

Napatawa siya sa sinabi nito. "Eh ikaw nga dyan, sungit mo Kaya noon tapos parang sigaw lang sa opisina." Pang-aasar niya dito.

"Noon, pero iba na ngayon nagbago na ako dahil sayo." Paliwanag nito.

"Mahal, sana lang wag manahin ng isa sa mga baby natin yung pagiging maloko mo." Hiling nito.

"Aba, ako ang ina nila Kaya di makapagtataka na may maging pasaway sa mga anak natin." Tumatawang sagot niya.

"Oo nga pala, nasa genes pala." Sang-ayon nito na nakangiti.
______

"Bhez, bakit naman sa dinami-dami ng pwede mo ipangalan sa triplets eh by color ata nila ang pinagbasehan mo." Reklamo ng kaibigan niya habang buhat si baby Black.

"Palayaw lang naman nila yun at saka ang cute Kaya, kung ano ang kulay ng balat nila yun ang palayaw nila." Sagot niya habang pinapalitan ng diaper si baby Rhed.

Pagkagaling ng kaibigan sa trabaho ay Madalas itong bumibisita sa mga anak niya.

"Dito ka na kumain ng hapunan Myra-E." Nanunuksong tawag niya sa palayaw nito.

"Tse!" Saway nito.

Nagtatawanan sila ng dumating si Vinz kasama ang kaibigan nitong si Zynder Rem.

Humalik ito sa pisngi niya bago nagsalita.

"Mahal,kasama ko nga pala si Zynder." Sabi nito.

Nginitian niya ang kasama ng nobyo niya.

"Pare ang lupit mo! Ang bagsik ng similya mo!tatlo agad" humahangang sabi nito habang pinagmamasdan ang dalawang anak nila na nasa crib.

"Boss, maghugas po muna kayo ng kamay at naglagay ng alcohol sa kamay." Sabi ng kaibigan niya Kay Zynder.

"Oh, you're here miss Maria." Sarkastikong sabi nito na parang ngayon lang niya napansin ang kaibigan niya.

Hindi ito umimik at ipinaghehele si baby Bhlack na biglang umiyak.

"Pare, saan ba ako pwede maghugas ng kamay, gusto Kong kargahin ang baby mo." Nakangiting sabi nito.

Itinuro ni Vinz kung saan ito pwede maghugas ng mga kamay.

"Pare, Vinz, saan pinaglihi ito ni Bikay?" Narinig niyang usisa ni Zynder.

"Hindi naman yan sa pinaglihihan nasa lahi po yan boss." Parang naiinis na sabad ng kaibigan niya.

"Eh di ibig sabihin nasa lahi mo din ang pagiging-" Iritableng sagot nito.

"Ano boss? Pakituloy mo nga po ang sasabihin mo." Sagot agad ng kaibigan niya.

"Ang mabuti pa kumain na tayo ng dinner, nagpahanda na ako Kay manang." Pag-iiba ni Vinz ng naramdaman na nagkakainitan na ang mga kaibigan nila.

"Pare, ano nga pala ang pangalan ng triplets? "Tanong nito habang kumakain sila ng hapunan.

"Yung pinakamuti si baby White, then si baby Rhed yung mamula-mula ang kutis at ang nag-iisa Kong unico hijo si Baby Bhlack. "Masayang sagot nito sa kaibigan.

Halos mabilaukan ang kaibigan nito sa mga narinig. Ikinagalit pa nito ng dadamputin nito ang isang braso ng tubig sa kalapit nito ay biglang kinuha ni Maria ang tubig at inilayo, na lalo nitong ikinasamid.

Nagtawanan silang dalawa ni Vinz sa pag-aagawan ng mga kaibigan sa isang braso ng tubig.

"Hayaan mo pare gagayahin kita, kapag nagkaroon ako ng anak, Brainy kapag matalino at ENGO-" Hindi nito naituloy ang sasabihin ng bigla itong subuan ni Maria ng isang buong mansanas na nakapatong sa gitna ng mesa.

"Vinz, Bikay salamat sa dinner, kailangan ko ng umuwi madami pa akong gagawin sa bahay." Nagmamadaling dinampot nito ang bag at nagtatakbo palabas ng condo nila.

Loveuall:: miss A.

Please vote and comment

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon