CHAPTER 4.2

17K 308 4
                                    

"PARE, kailan mo ba aayusin ang sarili mo?" tanong sa kanya ng kaibigang si Zynder pagkatapos sumimsim ng iniinom na alak.

“Yeah, bro, I agree with you. It’s been fucking five years pare. You need to do is move on.” Tinapik pa siya ng katabing si Astron bago tumungga ng alak gamit ang mismong bote nito.

“Kung gusto mo ihahanap ka namin ng babaeng babagay sa 'yo, 'yong mas higit pa sa kanya.” Segunda naman ni Nike.

"Nanahimik ako dito sa bar ng isa-isa kayong magdatingan para lang pala sermonan ako. Magsilayas nga kayo,” asik niya at nagsalin sa baso ng alak.

Wala pa siyang isang oras kanina dito sa bar ng magdatingan ang mga kaibigan. Malalakas talaga ang  pang-amoy ng mga ito, gusto sana niyang mapag-isa kahit ngayong gabi lang. Kaya naman nasa isang private room siya umiinom kung saan naabutan ng mga kaibigan.

“Ako lang ba ang hindi matino? Palagay ko lahat tayo mga dude.” Dagdag pa niya.

Nagtawanan lamang ang tatlong kaibigan at nagpatuloy sa pag-inom ng alak. Kapag ang nakaraan niya ang napag-uusapan ay hindi maiwasang mainis dahil ayaw niyang nababanggit ang tungkol dito. Pero palaging ipinapaalala sa kanya ng mga kaibigan. Katwiran ng mga ito, para daw

“Wala ba kayong balak na bumili ng alak? Mauubos n'yo na ang alak ko.”

Nagpapakiramdaman pa ang mga kuripot niyang kaibigan habang nakatingin sa isa't-isa.

“Well, for me, it’s enough. May pupuntahan ako bukas, hindi pwedeng magpakalasing.” kibit-balikat ni Astron saka inubos ang laman ng baso.

“Lasing na ako, kaya hindi na ako iinom pa, last na ito. Alam n'yo namang mababa ang intolerance ko sa alak.” Itinaas pa ni Zynder ang basong may lamang alak.

“Style n'yo bulok! Hindi naman kayo maghihirap kapag bumili ng alak, kahit ilibre n'yo pa ang mga narito sa bar gabi-gabi.” Sita ni Nike sa dalawa, pero tumawa lang ang mga ito. Halatang nagpapalusot lang.

“Pero Vinz, lasing ka na, ang mabuti pa ihatid ka na namin.” Binalingan siya ni Nike.

“No, kaya ko pa, Zynder magpadala ka pa ng alak dito. Alam mo naman ito lang ang nagpapasaya sa 'kin, alak-“

“At babae.” Putol ni Astron sa iba pa niyang sasabihin.
Pagak siyang tumawa sa narinig. Nagagawa man niya lahat ng naisin at nasasabi sa lahat na masaya, pero alam niyang may kulang pa rin.

“Dude, look at her, fuck! She is so damn hot. Kung gusto mo papuntahin ko dito, para may take home ka ngayon.” Itinuro ni Nike sa isang seksing babae na nakaupo mag-isa sa harap ng counter at mag-isang umiinom.

Mula sa kinaroroonan nila ay makikita lahat ng nagsasayaw at umiinom sa labas ng private room. Kahit may kadiliman sa lugar ay mababanaag ang babaeng tinutukoy ni Nike.

“Pass muna ako ngayon.” At muling itinuon ang atensyon sa iniinom.

“Is this for real? O baka nanaginip lang kami ngayon.” Nakamulagat ang mga matang tanong ni Zynder.

“Bro, may sakit ka ba? Kasi kung mayroon, kailangan mo ng Iyowtamol o sexperin.” Dahil sa sinabi ni Astron ay naghagalpakan ng tawa ang mga kaibigan.

“Mga siraulo kayo!”

Natatawang binato niya ng pulutan ang tatlo.

Tahimik siyang nagpatuloy sa pag-inom ng alak hanggang sa namalayan niyang pinagtutulungan na siya ng mga kaibigan na mailabas ng bar at iniuwi sa West Tower na pag-aari ni Nike, kung saan siya nakatira.

“AHH… Ser Bens, 'wag kayong tumayo, nakatayo din 'yong malaki ninyong- ahh…” Hindi na alam ni Bikay ang tamang sasabihin nang makita si Ser Bens na biglang bumangon mula sa kama at nakahubad.

Nabitawan din niya ang dalang almusal na nakalagay sa tray, agad kasi siyang nagtakip ng mga kamay sa mata. Bumagsak ito sa sahig at nagkabasag-basag, napangiwi siyang lalo sa nangyari.

“Anong masama kung bumangon ako? Una sa lahat, this is my place, Bikay.”

Humakbang pa palapit sa kanya si Ser Bens, balewala kung nakahubad man ito.
Halos lumuwa na ang mga mata niya habang nakasilip sa pagitan ng mga daliri. Malinaw niyang nakikita ngayon ang hubad na katawan ng amo, kumpara noong nakuhanan niya ang lalaki ng video- gabi noon at tanging lampshade lamang ang nakabukas na ilaw.

“Ser, 'wag kayong lalapit, nakahubad kayo, ang bastos n'yo po. Dyusko po”

Ang siraulo niyang amo walang tigil sa paghakbang palapit sa kanya, kaya naman panay ang atras niya hanggang sa tumama ang kanyang likod sa malamig na pader ng kuwarto ni Ser Bens.

“Ako, bastos?” Inilagay ni Ser Bens ang  dalawang kamay sa magkabilang gilid ng katawan niya, dahilan upang hindi siya makawala. “Ikaw itong hinubaran ako kagabi when I got drunk. Wala naman ibang gagawa nito sa 'kin kung 'di ikaw.” May pagmamalaking iniliyad pa ng binata ang katawan sa kanyang harapan.

Sunod-sunod siyang lumunok ng laway, kaunting-kaunti na lang didikit na ang Armalite ni Ser Bens sa kanyang katawan. Lahat na yata ng Santo tinawag na niya ng palihim, pinagpapawisan na din siya ng malamig.

“Ser, a-ko po ang nagtanggal ng damit ninyo kagabi, kasi sumuka po kayo pati nga po 'yong isa sa tatlong lalaki na nagguguwapuhan eh, nasukahan din ninyo. Saka tinakpan ko ang-ang katawan mo, lalo na 'yong nasa parteng ibaba.” Hirap na hirap na paliwanag niya.

Tanging sa mata lamang siya diretsong nakatingin kay Ser Bens, natatakot siyang mag-iba ng direksyon ang mga mata. Baka makita na naman niya ang pinakatagu-tago ng amo na ngayon ay nakatutok sa kanyang harapan. Isang maling galaw lang niya ay tiyak na matutusok ang sikmura niya at ayaw niyang mangyari iyon, dyusko! Baka himatayin siya.

Tumango-tango  ang  amo pero nanatili sila sa ganoong posisyon. “So, do I need to say thank you?”

“Ha? Hindi na kailangan, Ser Bens, trabaho ko po ang pagsilbihan kayo. Katunayan dinalhan ko kayo ng almusal, kaya lang nabitawan ko kanina. Ser, parang awa n'yo na po, magbihis na kayo. Baka matusok na ako ng Armalite n’yo.” Naiiyak niyang pakiusap.

Napansin niya ang sandaling pag-angat ng isang sulok ng labi ni Ser Bens. “Dahil ikaw naman ang may kasalanan sa 'kin, sisingilin kita.”

“Ho! Wala akong pera. Ser, hindi ko naman nakita kagabi 'yang Armalite n’yo, kanina lang ulit.” Lalo yatang nangangapal dahil sa pamamanhid ng balat niya sa mukha. “Hindi ko na kayo pinalitan ng damit kasi baka masagi na naman ng kamay ko. Kaya hinayaan ko kayong natulog ng nakahubad. Nasagi lang kamay ko, Ser Bens, hindi ko naman nakita kagabi,” maagap na sabi niya.

“Marami na akong pera, Bikay, pag-iisipan ko pa kung paano ka makakabayad ng kasalanan mo sa paghubad sa 'kin ng walang paalam.” Nakangising wika ni Ser Bens.

“Sana pala hinayaan ko kayong natulog ng puno ng suka ang damit. Ako pa ngayon ang may kasalanan. Sige na nga po, may utang ako sa inyo, basta lumayo na kayo at magbihis, dyusko para kayong si Adan, wala na tayo sa panahon nila.” Nanginginig ang mga labi niyang pahayag.

Iiling-iling si Ser Bens ng lumayo sa kanya at naglakad patungo sa banyo ng nakahubad. Kaya naman malaya niyang napagmasdan ang matambok nitong pang-upo at masasabi niyang kahit nakatalikod ang amo ay 'di maikakailang gwapo at macho ito. Tingin niya ang seksi ng binata habang naglalakad para itong modelo na napapanood niya sa tv, nakahubad nga lang ang amo.

Laspag na, Ser Bens ang mata ko, ikaw ang salarin!
Nang tuluyang makapasok sa banyo ay saka lamang siya nahimasmasan at nakahinga ng maluwag. Nagmamadaling nilinis niya nagkalat na pagkain at nabasag na plato, baka lumabas na namang nakahubad ang bastos na amo.

--

Please vote and share

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon