CHAPTER EIGHTEEN

13.8K 235 2
                                    


BIKAY'S POV

"Bikay, pagpasensyahan ninyong dalawa itong kwarto." Sabi ni ka Nene.

Dati itong naninirahan sa Saray,kung saan siya nakatira ngayon. Kaya lang magmula ng mag-aral sa kolehiyo ang mga anak nito ay dito na sa bayan naninirahan at nagrerenta ng bahay.

"Ngek, ka Nene naman, ako nga po ang dapat na mahiya sa inyo. OK na OK na po kami dito." Nakangiting sabi niya sa matandang babae. Dito sila nakikituloy kapag hindi sila nakakauwi sa kanila.

"Oh sige, magpahinga na kayo." Iniwan na sila nito.

Isang papag na yari sa kawayan ang maari nilang higaan.

"Ser, kung ako sa inyu maghanap na lang po kayo ng hotel na matutulugan."

"Hindi mo ba nakikita baha na sa kalsada." Inis na sabi nito.

Nauna na siyang lumapit sa papag at nilatagan ito ng banig. Iisa lang ang unan Kaya kinuha niya agad iyon, Hindi siya sanay matulog ng walang unan.

"Eh di kayo po ang bahala, kayo lang naman po ang iniisip ko, alam ko Hindi kayo sanay sa ganito." At umayos siya ng pwesto malapit sa dingding na kahoy.

Humarap siya sa dingding at nagbalot ng kumot sa katawan. Malakas ang ugong ng hangin sa labas. Mabuti na lang kahit baha na sa kalsada ay Hindi tumirik ang sasakyan sa gitna ng kalsada. Ipinagdarasal niya na sana maganda na ang panahon bukas.
Naramdaman niyang gumalaw at tumunog ang kinahihigaan.

"Ser, magdahan-dahan po kayo, baka magiba itong papag." Sita niya sa amo.

Hindi ito nagsalita sa likuran niya.
Pinabayaan na lang niya ang amo, sanay na siya sa topak nito minsan parang ang bait, pero madalas may baltik at iyon ang kinaiinisan niya sa amo. Bumaluktot siya ng higa, kahit nakakumot siya ay giniginaw pa din siya. Manipis lang ang kumot na naroon Kaya Hindi agad siya nakatulog dahil sa lamig. Habang ang kalapit niya ay tuwid na tuwid sa pagkakahiga ng lingunin niya ito. Para itong patay na nakatuwid ng higa, nakita niya ang amo ng dahil sa kidlat. Tumatagos ang liwanag nito sa mga siwang ng dingding.

"Ser, ser Bens, huy." curious na pabulong na tawag niya dito.

Hindi naman siya natatakot na makatabi ito sa higaan. May tiwala siya dito at isa pa isang sigaw lang niya sa may-ari ng bahay na natutulog sa sala. Sa kanilang mag-amo ipinagamit ang kwarto ng mag-asawa. Mas sanay daw sila sa sala matulog kaya madalas daw walang gumagamit nito. Bumangon siya, inaninaw niya sa dilim ang amo kung humuhinga pa. Dahil kasi sa bagyo Kaya nawalan na ng suplay ng kuryente. Wala siyang narinig na sagot mula sa amo. Kinakabahan na siya Dahil baka binangungot na ito.
Kinapa niya ang katawan ng lalaki, nahawakan ng kamay niya ang dibdib nito.

"Ay, bayag!" Gulat na sigaw niya ng may biglang humawak sa kamay niya.
Mabuti na lang malakas ang ulan kung Hindi ay dinig ito Nina ka Nene.

"Matulog ka na nga." Galit na bulong nito at marahas na inalis ang kamay niya sa dibdib nito.

"Nakakatakot po Kaya kayu katabi matulog, bakit kasi parang sa patay yang posisyon mo ser, tuwid na tuwid!" Reklamo niya.

"Sabi mo baka masira itong hinihigaan natin."

"Pero ser, di ko naman sinabi na wag na kayo magpakagalaw-galaw dyan, baka pati paghinga makalimutan nyo na." Sabi niya

"Matulog ka na nga, d*mn it." Galit na bulong nito sa kanya at tinalikuran siya.

Kinabukasan, maaga silang gumising at nakita ang amo, akala niya ay pabalik

"Sigurado po kayo ser Bens na sasama kayo papunta sa Saray?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Maaga silang nagising, matapos magpaalam sa may-ari ng bahay ay lumabas na sila.

"Yes, dahil baha pa ang mga kalsada,sasama na lang ako sayo." Kampanteng sagot ng amo.
"Eh yang kotse nyo." Turo niya sa nakapark na kotse nito sa labas ng bahay ni ka Nene.

"Never mind let's go, inihabilin ko na sa asawa ni ka Nene."
Noon lang niya napansin ang na nag iba na ito ng suot na damit. Hindi na ito nakapang opisina,sa halip ay pantalon na tenernuhan ng T-shirt at rubber shoes.

"Basta walang sisihan ser,di ko kayo pinilit." Paunang sa niya at nagpatiuna na siyang naglakad.

Pinagtitinginan silang mag-amo ng mga taong nadadaanan nila. Hindi pala mas tinitingnan nila ang amo niya, kasi bagong mukha lalo na ng mga babae.

"Uy Bikay, long time no see, sino yang kasama mo, pakilala mo naman ako." Bulong nito sa huling sinabi nito.

"Sira, kumusta ka na Gigi. Sige ha Nagmamadali kami kailangan kasi naroon na kami bago magtanghali." At iniwanan niya ang kakilala.

May mga kakilala siya dito sa Balian(balyan) tulad ni Gigi, pero di naman masasabing kaibigan niya.
Tahimik at nagmamasid lang sa paligid ang amo niya habang ka sabay niya sa paglalakad.
Humupa na ang malakas na hangin, tanging ang pabugso-bugso na ulan na lamang. Kaya Hindi nakakatakot umakyat ng bundok, pero natatandaan niya noon kahit bumabagyo kailangan nilang bumaba ng bayan, Upang bumili ng bigas.

" Are you sure ito ang tamang daan?" Paniniguradong tanong nito.
Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa amo.

"Opo ser, dito po ako lumaki,Kaya alam ko ang tamang daan." Mayabang niyang sagot.

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad, kailangan makarating agad sila sa kanila.

"Wala bang daan na Hindi maputik?"
"Ser, magtaka po kayo kung nasa Maynila tayo tapos ganito kaputik." Sagot niya ng di ito nililingon. "Natural bundok to, umulan, eh di maputik!" dagdag pa niya.

"Ilang oras tayo maglalakad bago makarating sa Saray?"humihingal na tanong ng amo.

"Alas sais ng umalis tayo sa Balian(balyan), mag-aalas otso na ng umaga. Bago mag-eleven nandoon na po tayo, pero kung ganito po tayo kabagal baka ala una ng hapon tayo makakarating samin." Sagot niya.
Malayo ang distansya niya sa amo, Hinihintay na lang niya ito kapag masyado ng malayo ang pagitan nila.

"What? Are you sure?" Gulat na sigaw nito.

"Oo naman po ser, kaya nga po ayaw ko sana kayong sumama." Ganting pasigaw niyang sagot.

Dito kahit magsigawan sila ay Hindi nakakahiya dahil mga puno lang ang nasa paligid.

"Ser, sa totoo lang po, anlaki nyong-"
Hindi niya naituloy ang iba pang sasabihin ng may narinig siyang malakas na tunog sa may likuran niya.

"Itlooggg mo malaki!'' Gulat na sabi niya at nanlalaki ang mga mata niya ng lumingon siya sa kasama.

..sorry kung di q alam sa visaya ang MALAWMAW. tama ka ate Liezl Tolentino,masarap ang dahon nito sa karne lalo na sa baboy.

Loveuall:: 👉👉miss A.👈👈

Please vote and comment

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon