CHAPTER TWENTY EIGHT

13.9K 261 6
                                    

BIKAY'S POV

Nakangiti siya ng magising kinabukasan. Walang paglagyan ang kaligayahan niyang nararamdaman. Wala na siyang mahihiling pa. Mayroon siyang mabait at mapagmahal na boyfriend. Bonus pa ang pagiging gwapo nito. Kaya LANG minsan mahirap magkaroon ng nobyo na gwapo! Kadalasan Hindi siya mapakali, may tiwala siya Kay Vinz. Pero wala siyang tiwala sa ibang mga babae, na tumitingin dito. Nakakastress! Napasimangot siya maalala ang nangyari kahapon.

"Uh, napakaaga nakasimangot ka." Puna ni ng lalaki ng magising na din.
Hinalikan siya nito sa labi.

"Yuck! di pa Kaya ako nagtotothbrush!" Reklamo niya.

"Hahaha, pareho lang naman tayo."
Ganito na ang boyfriend ngayon, masiyahin di na tulad ng dati na bugnitin.

Niyakap siya nito ng mahigpit at akmang babangon na.

"Kailangan ko ng bumangon, male-late ako sa trabaho." Sabi nito.

"Ehhhh, mamayang konti gusto ko yakap muna." Ungot nya at hinigpitan pa ang yakap dito.

"Sige ka, kung kagabi nakapagpigil ako baka ngayon Hindi na." Banta nito sa kanya.

"Huh, Tara na nga bangon na tayo." Nakasomangot na aya niya dito at umuna na siyang bumangon.

"Joke lang, alam mo namang mahal na mahal kita kaya sinusunod ko lahat ng gusto mo." Sabay yakap ulit sa kanya Kaya napabalik siya sa pagkakahiga.

"Eh, kasi gusto ko lang naman kahit saglit pa, mamaya kapag nasa opisina na tayo di mo na ako papansinin." Nakangusong sabi niya habang nakayakap din dito.

Tumawa ito ng malakas bago nagsalita. "Hindi nga kita kinakausap lalo na kapag busy ako, pero nakakandong ka naman sakin buong maghapon."

Tama nga naman ito, magmula ng maging sila, ay palagi na siyang isinasama nito kahit saan ito magpunta.

"Oo nga noh, pero kasi iba pa din pag narito tayo."

Lumipas pa ang ilang minuto bago siya nagyayang bumangon sila.

"Thanks mahal, the best ka talaga magluto." Sabi nito ng maisubo ang pagkain.

"Bolero! eh simpleng proto na itlog lang yan saka sinangag." Sagot niya habang ipinagtitimpla ito ng kape.

"That's the point, kahit simpleng breakfast lang ito. Napakasarap dahil mahal ko ang nagluto." Dagdag pa nito at Hindi pa nakontento. Tumayo ito at hinalikan siya.

"Sige na po, kumain ka na tatanghaliin na tayo. Di bagay sayo, corny." Nakangiting sabi niya.

"Mahal, bakit di ka kumakain?" Nagtatakang tanong nito ng mapansing naupo lang siya sa kalapit nito.

"Mamaya na lang mahal, sinisikmura ako." Sagot niya.

"Magpacheck-up ka muna bago tayo pumunta sa opisina." Nag-aalalang sabi nito.

" Hindi na, ganito talaga ako may pagkakataon na nangangasim ang sikmura.Pero nawawala din naman."

Totoo naman na ganito talaga siya. Ang pinagtataka lang niya kahit di siya umiinon ng kape ay  nangangasim pa din ang sikmura niya. Hindi na lang niya pinansin ang nararamdaman, maglalagay na lang siya mamaya ng katinko bago maligo, bakasakaling mawala.

"Okay, bumili na lang tayo sa madadaanan nating restaurant ng breakfast mo." Sabi pa nito.

Tumango siya sa sinabi nito. Napaka-maalalahanin ng boyfriend niya. Napapangiti siya habang pinagmamasdan itong kumakain.
__________

"Sir,start po ng meeting within thirty minutes." Pahayag ng assistant ni Vinz na si Felix.

"Okay,kunin mo na lahat ng ito,tapos ko na pirmahan." Turo niya sa mga documents.

"Yes sir." At mabilis na kinuha ang ito.

"Kapag nagresign si Felix,wag kang kukuha ng babaeng assistant." Sabi niya dito.

"Kahit noon pa ayaw ko ng babaeng assistant, Hindi makapagconcentrate sa trabaho." Sagot nito habang nakatitig sa kanya.

Nakaupo na naman siya sa lap nito, Ni minsan Hindi ito nagrerekalamo kung nahihirapan na ba sa kanya.

"Bakit naman?"

"Because, palagi silang nagpapansin sakin." Mayabang na sagot nito.

"Yabang! palibhasa gwapo ka, kala mo lahat magkakagusto sayo." Nakangiting sabi niya.

"Di ba totoo naman, kahit ikaw nga nabighani sa ka-gwapu-han ko." Ssgot nito habang tumatawa.

"Aba, Hindi ah, naiinis nga ako sayo noon, kala mo kung sino kang gwapo, tapos pinahihirapan pa ako, kung anu-ano ang inuutos sakin." Nakangusong sabi niya

"At least na-gwapu-han ka sakin, sayo ko na din narinig." Hirit pa nito.

"Hmp, yabang!"

"Mahal mo naman." Mabilis na sagot nito at hinalikan siya pero smack lang.

"Maghanda ka na para sa meeting mo." Pag-iiba niya.

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa kandungan nito.

"Pwede ka naman sumama sa conference room." Yaya nito sa kanya.

" huwag na, baka sabihin naman ng ibang tao masyado kitang binabakuran. Baka sabihin napakaselosa ko."

Narinig niyang may ibinulong ito. "Ano may sinasabi ka, di ko narinig?" Usisa niya.

"Sabi ko pupunta na ako sa conference room."

Duda man siya sa sinagot nito ay Hindi na lamang nag-usisa pa.

"If you'll need anything, dont hesitate to call me, okay." mahigpit na bilin nito bago umalis.

" kiss muna." Ungot niya habang nakahawak sa laylayan ng damit nito.

"Hindi ko nalilimutan my little angel." Sabay halik sa kanyang mga labi.

Nang makaalis ito ay Nahiga siya sa couch. Pakiramdam niya lalong lumala ang pangangasim ng sikmura niya. Balewala ang inilagay niyang katinko kanina, pero nilagyan ulit niya ang kanyang sikmura. Hindi na lang niya sinabi Kay Vinz, tiyak na mag-alala ito. At paniguradong  Hindi nito itutuloy ang meeting at ayaw niyang mangyari iyon. Madalas nga tanghali na ito kung pumasok sa opisina. At dahil iyon sa kanya,Kaya kahit ngayon ay ayaw niyang abalahin ito. Matapos maglagay ng katinko ay pumikit siya at pinilit na matulog.

*try nio din po basahin ang MY EX-WIFE MY MAID and MY INNOCENT WIFE😊😊😊

Loveuall:👉👉miss A.👈👈
Please_vote_and_comment

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon