CHAPTER FOURTY TWO;:::

11K 232 1
                                    

Please subscribe to my YouTube channel 👉 ASSUMER21 CHANNEL

Instagram: assumer_21






BIKAY'S POV

"Bikay, napagaganda talaga ng mga anak ninyo, napakacute." Nanggigil sa tuwa na sabi ng kaibigan niyang si Manika habang pinagmamasdan ang mga anak niya.

Kagagaling lang nila sa simbahan at narito sila ngayon sa labas ng bahay nila. Dahil maliit lamang ang bahay nila pinalagyan ng tatay niya ng bubong na trapal ang harapan ng bahay nila at doon ginanap ang reception ng binyag ng mga anak nila.

Nagtu-tulong-tulong silang lahat sa pagdekorasyon katulong sina Maria, Zynder at si Manika. Himala dahil hindi na nagpaparinigan o nagbabangayan si Maria at Zynder na lihim naman niyang ikinatuwa. Pero napansin niyang umiiwas naman sila sa isat-isa, mas mabuti na din iyon kesa palagi silang nagpapasaringan.

"Mahal, kumain ka na muna,ito dinalahan kita ng pagkain." Sabi ni Vinz ng lumapit sa kanila dala ang isang Plato ng pagkain.

Sa sobrang abala niya ay nalimutan na niyang Hindi pa siya kumakain ng tanghalian. Madami kasi silang bisita, kaya tumutulong din siya sa nag-a-asikaso sa mga ito.

"Salamat, ikaw kumain ka na ba?" Tanong niya dito.

"Hindi pa, sabay na lang tayo,teka susubuan na kita kasi nagpapainom ka ng gatas Kay baby Rhed." Alok nito at sinubuan siya ng pagkain.

"Bikay, ako na muna ang magbabantay sa mga inaanak ko." Sabi ni Manika sa kanya.

Isa ito sa mga ninang ng triplets, maging si Zynder at Maria at ang isang kababata pa niya na si Melvin pero nagpaalam agad ito dahil may importante pa daw itong gagawin.

"Salamat, marunong ka naman magpainom ng gatas." Sagot niya.

"Oo naman, hindi naman lingid sayo na ako ang nag-alaga sa mga kapatid ko." Mabilis na sagot nito at kinuha mula sa kanya si baby Rhed.

Totoo naman ang sinabi nito,kung naghihirap sila sa buhay mas lalong Mahirap ang kalagayan ng kababata niya. Maaga naghiwalay ang mga magulang nito at sa edad nitong labing-anim ay ito na ang bumubuhay sa mga kapatid nito. Hindi siya makapaniwala na nagagawa nitong mag-uling! Na Hindi naman niya nagawa. Ayaw naman nito magtrabaho bilang katulong dahil walang makakasama ang mga kapatid nito na maliliit pa. Pareho ng mga magulang nito ay inabandona na ang kaibigan niya, kaya kahit naaawa siya wala naman siyang maitulong dahil kapos din naman sila sa buhay.

"Maria, pakitulungan mo muna si Manika,kain lang ako." Tawag niya sa kaibigan na tulala at parang malalim ang iniisip habang hawak ang paper plate na wala namang laman.

"Ha, sige." Gulat na sagot nito.

"Halika na mahal, doon na tayo sa loob kumain." Aya niya Kay Vinz.

" Mahal, naisip ko lang, ano kaya kung dito na tayo magpakasal?" Mayamaya ay sabi nito habang kumakain sila sa kusina.

Nakatingin siya dito." Sigurado ka?" Nakangiting tanong niya.

"Yeah." Tumatangong sagot nito.

"Sabagay dapat lang naman talaga, dahil dito ako nakatira at isa pa iyon tiyak ang hihilingin nila nanay." Sang-ayon niya dito. "May naisip ka na bang petsa?"

"Three weeks from now." Mabilis nitong sagot.

Halos masamid siya habang umiinom ng tubig. "Napakabilis naman, eh meron pang requirements yun ah, sabi nila kailangan pang kinuha ng Senomar ba yun tapos kung anu-ano pa, kaya ba lahat yun." Reklamo niya.

"Kung pwede nga lang na ngayon na pinakasalan na kita, matagal ko na itong pinaplano." Masayang wika nito.
"And speaking of senomar nakakuha na ako sa NSO at ang ibang detalye nagawa ko na kaya konti na lang ang dapat asikasuhin." Paglalahad ng lalaki.

Gusto niyang kiligin sa harap mismo ng lalaki pero pinigilan niya ang sarili. Nakokonsensya tuloy siya dahil nag-alsa balutan siya agad noon.

"Mamaya na lang ulit natin pag-usapan ang tungkol sa kasal natin, baka kasi umiiyak na ang triplets natin." Pag-i-iba niya ng makatapos sila sa kinakain.

May tiwala naman siya sa mga kaibigan, kaya lang ayaw niyang nawawala sa paningin niya ang mga anak niya. Gusto niya palagi siyang nasa tabi ng mga ito.

Hindi pa sila tuluyang nakakalabas ay dining na dinig na nila ang boses ni Maria.

"Ikaw ang kapag nagkaroon ng asawa, sigurado akong kawawa sayo pati magiging anak mo!'' Narinig nilang singhal ng kaibigan.

Naabutan nilang madilim ang mukha ni Zynder na nakatingin Kay Maria. Habang karga nito ang anak nilang si baby Bhlack.

"Will you please shut your big mouth or else-" nagtitimping sabi ng lalaki.

"Hey! hey! What's happening here? Calm down guys." Mabilis na awat ni Vinz sa mga ito ng tuluyan silang makalapit sa mga ito.

"You are fired Ms.Taguro! Baka nakakalimutan mong boss mo ako." Galit na pahayag ni Zynder.

"Fine, sesante na ako, palagay mo sa sarili mo kasi hanggang dito under mo ako. Di kita boss dito! Wala tayo sa trabaho." Galit ding sagot ni Maria.

"Bikay, Vinz, pasensya na talaga kayo." Hinging paumanhin ng kaibigan niya ng lumingon sa kanila at ibinigay sa kanya si baby White. "Bhez, uuwi na ako."

"Ha? Eh, wala kang makakasama tiyak na walang baba ngayon sa bayan, ipagpabukas mo na lang bhez." Sabi niya.

Hindi na ito sumagot sa kanya at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay nila.

Mabuti na lamang mangilan-ngilan na lamang ang mga kumakain na bisita ang karamihan ay nag-iinuman na sa may tagiliran ng bahay nila, kaya Hindi na nakaagaw atensyon ang mga ito. Napaka-tsismosa pa naman ng mga tagarito sa kanila.

Pati tuloy siya nai-stress sa kaibigan nila ni Vinz, bakita niyang kausap ng nobyo si Zynder sa may di kalayuan at kinuha na din nito si baby Bhlack sa kaibigan.

Loveuall;:;: miss A.

Please visit my page:::ASSUMER21-miss A.world.

And join my GC on Facebook WATTPAD updates assumer21

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon