CHAPTER THIRTY ONE::

12.8K 266 9
                                    

VINZ 's POV

"Mahal, mag-iisang linggo na akong Hindi naliligo." Reklamo niya Kay Bikay.

"Ehhh, basta! Mawawala yang Amoy mo uhhh, bango." sabay singhot sa may leeg niya.

"Ikaw din Hindi naliligo, nanlalagkit na ako." Dagdag pa niya.

"Haisst, sabi ng natatakot ako sa tubig eh." Reklamo nito.

"Bumangon na tayo, male-late na ako sa trabaho." Yaya niya.

"Sige, pero malalaman kapag naligo ka. Maamoy kita." Nakangusong sabi nito.

Napapakamot siya sa ulo habang papunta sa cr. Nag toothbrush ng ngipin at hilamos sa mukha aat nagbihis na agad siya. Minsan gusto na niyang suwayin ang girlfriend, Kaya lang iniisip niya ang kalagayan nito ngayon.

"Sino itong naglike sa profile picture mo?" Napasimangot na taong nito sa kanya.

Naabutan niya itong Hindi pa bumabangon at may kung Anong kinakalikot sa cellphone niya.

"Iyan ba, dati Kong classmate sa college." Tukoy niya sa babaeng pinakita nito.

"Bakit parang puro babae ang nagreact dito sa profile mo, konti lang ang lalaki?"

"Hindi ko din alam at isa pa likes lang naman." Paliwanag niya.

"Eh ito ngang isa nagwow react pa, tapos itong isa pahart-hart pang malalaman!" Reklamo nito.

"Mahal, wala namang malisya yan sakin at saka Hindi ko naman sila kinakausap." Sagot niya habang nilalaro ang hibla ng buhok nito.

"Alisin mo ang lahat ng mga babae dito sa friend list mo." Utos nito sa kanya.

Kinuha niya ang cellphone at iniunfriend ang mga babae.

"I-blocked mo para di ka na nila masearch kahit kelan." Sabi nito ng makita ang ginawa niya.

"Ayan, ayoko dyan maganda masyado, yan block mo rin yan,ito kahit wag na matanda na yan pwede na yan at yang parang Baka ba yan,iblock mo din yan." Sunod-sunod na utos nito sa kanya.

"Wag Kong makikita sa friend list mo yung dalawang hitad na nasa video mo." Banta nito.

"Don't you worry mahal, wala akong communication sa kanila  o sa kahit sinong babae." Sagot niya dito.

"Magpalit ka na ng damit,alis na tayo." yaya niya dito.

Humalik muna Ito sa pisngi niya saka tumayo.
____

"Baka gusto mong isaksak ko sa bunganga mo itong talong na hawak ko!" Malayo pa lang ay dinig na dinig niya ang boses ni Bikay.

Nasa may vegetable section ito Habang hawak ang isang talong at akmang isusubo sa bibig ng babae.
Nagpaalam lang siya sandali dito na kumuha siya ng isa pang cart. Pero ng papabalik na siya ay natanaw niya ang girlfriend na mukhang may inaaway..
"Wag kang makatingin-tingin sa boyfriend ko ha, kanina ka pa, Hindi mo ba ako nakikita?" Tungayaw nito sa babae.

"Hey, what's happening here?" Tanong niya sa mga ito ng makalapit siya..
"Oh,saksak mo sa bunganga mo yang talong, hindi yung may nagmamay-ari na ng talong pinagnanasahan mo pa." Mataray na sabi nito sa babae at padabog na ibinigay nito ang hawak na talong.

"Tama na pinagtitinginan na tayo." Bulong niya dito. "Miss,pasensya na naglilihi kasi siya Kaya moody." Hinging dispensa niya sa babae.

Mabuti na lang mabait ang babae at mukha ng natakot pa sa nobya niya.

"Pumarito ka na nga, nakikipag-usap ka pa dyan eh." Sabay hila nito sa damit niya.

"Bakit ka nag-sorry doon eh kanina pa tingin ng tingin sayo yun." Galit na sabi nito sa kanya habang papunta sila sa counter.

"Mahal muntik ko na malimutan ito yung pinapabili mo sakin kaninang umaga na chocolate." Pag-iiba niya.

Kinuha niya ang chocolate at inilagay sa cart.

"Ayoko na niyan!" Irap nito.

"Iba na lang habang narito pa tayo sa grocery." Sabi niya habang ibinabalik ang mga chocolate.

"Kending hubad, yun ang gusto ko."sagot nito.

Halos malaglag ang panga niya sa narinig. Saang grocery niya pwede mabili ang ganoong candy.

" Mahal, binibiro mo yata ako,wala namang ganoong candy." Sabi niya.

"Miss, meron ba kayong candy na walang lagayan?" Tanong niya sa cashier.

"Err, wala po sir." Nawiwirduhang sagot nito.

Matapos magbayad ay inalalayan na niya sa paglalakad si Bikay palabas doon.

"Samahan mo na rin ng itlog ng butiki yung ipinapabili ko sayo." Maya-maya ay sabi nito nang malapit na sila sa kotse.

Mas ikinagulat  niya ang sinabi nito.

"What? Lizard's egg?" Paniniguro niya.

"Oo, kending hubad at itlog ng butiki ang gusto Kong kainin mamayang hapunan." Sagot nito na di man lang siya nilingon.

"Saan ako makakabili ng lending hubad at paano ako makakapanghuli ng butiki na may itlog." Problemading tanong niya sa sarili.

"Mahal, anong gusto mong luto sa egg ng lizard?" Nakangiting tanong niya dito ng sa ganun Hindi nito mahalata na namomoroblema siya. "ilalaga o ipiprito?" dagdag pa niya habang nagistart siya ng sasakyan.

"Anu ka ba kendi rin yun!may Mani yun sa loob, uhhmmm yumee, na-i-imagine ko na agad ang lasa uhhhhmm, yameee." Parang nangangarap na sabi nito.

Napapailing siya habang pinagmamasdan ang nobya.
Ngayon lang niya nalaman na may nag-i-exist lamang ganoong mga pagkain.

"Mahal ang alam ko indeyngerd na ang mga kendi na yun. Pero gusto ko talaga yun eh, naglalaway na tuloy ako." Sabi pa nito.

LOVEUALL: miss A.

Please vote and comment

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon