CHAPTER FOURTY FOUR;:THE VOWS

15.1K 333 52
                                    


Please subscribe to my YouTube channel 👉 ASSUMER21 CHANNEL

Instagram: assumer_21







VINZ POV

Tumikhim siya ng paulit-ulit bago sinimulan ang pagsasalita.

"Bikay, uhm." Naiilang niyang umpisa habang hawak ito Sa mga kamay. "Nang una kitang nakilala, ang tingin ko sayo noon ay sakit ka sa ulo ko." Pagsisimula niya.

"Ang tingin ko naman sayo noon masungit na mahilig sa babae! Babaero pala." Sagot agad nito Sa sinabi niya at nagtawanan ang mga bisita.

"Pampadagdag stress ka Sa buhay ko noon, makulit, pasaway at higit Sa lahat MAINGAY! Ayoko pa naman Sa lahat ng ganoong klase ng tao na madaldal." Pagpapatuloy niya.

"Ako din ayaw ko sa iyo,bilang amo ko, mabigat kasama Sa iisang bahay ang bugnutin at magagalitin, malas daw yun." Di na naman nakatiis na sabat nito.

Napalingon siya Sa mga bisita na di naiwasang magtawanan.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita muli." Mahal, patapusin mo muna ako." Pakiusap niyang bulong dito.

"Mahal, pinagtatanggol ko lang naman ang sarili ko sayo." Nakangusong sagot nito kaya lalong nagtawanan ang mga tao at nagpalakpakan.

"Ako nga galit na galit ako sayo noon kasi pinagbubuhat mo ako ng mga kahon na mas malaki pa kesa sakin." Banat na naman ng babae. "Tapos lagi ka pang nakasigaw! Buti na lang talaga napakinabangan ko yung video ng nahulicam kita." Nakangising dagdag pa nito.

Pinadilatan niya ito ng mga mata para wag na nitong ituloy ang iba pang sasabihin, pero di ito nagpaawat.

"Naku, kung hindi baka hanggang ngayon masama pa din ugali mo sakin." Tumatawang sabi ni Bikay. "Hahaha, napasunod nga kita sa mga gusto ko pero ang nakakainis ng i-hagis mo ako sa pool." Nakasimangot na pahayag nito ng maalala iyon.

"Napuno na ako sayo noon,dahil nilagyan mo ng kung anong pandikit ang inupuan ko!" Di nakatiis na depensa niya Sa sarili.

Hindi na niya pinansin ang patuloy na tawanan ng mga tao Sa halip ay nakitawa na din siya.

"Eh, kasi nilagyan mo ng packing tape ang bibig ko!"

"Ang daldal mo kasi mahal, sumasakit ulo ko noon Sa kadaldalan mo." Paliwanag niya." At isa pa mahal, sinunod ko naman lahat ng nasa kasunduan, ibinili pa nga kita ng energen na corn flavor. "

Humagalpak ito bigla ng tawa bago nagsalita. "Mahal, naaalala ko ng madulas ka!hahaha di bagay sayo, kasi anlaki mong tao tapos makikita kitang nakatihaya sa putikan!"

Pati ba naman iyon sinabi pa ng babae.

"Mahal, sa kabila ng mga kakaibang naranasan ko sa iyo, first time ko ang maghanap at magluto ng nilagang talbos ng gabi,al ang makapag-alaga ng maysakit na kasambahay at ang i-block mail ng tulad mo." Seryosong pahayag niya habang nakatingin sa mga mata nito. "Mahal na mahal pa rin kita, kaya noong naglihi ka at nagbuntis sa triplets natin, doon ko naranasan lahat ni sa hinagap hindi ko akalain na mangyayari sakin yun."

"Teka Mahal, anong ibig mong sabihin nag-sisisi ka ba na ako ang minahal mo?" Nakasimangot na tanong nito.

"Hindi mahal, I mean, yung mga paglilihi mo na kakaiba aya-" di na niya naituloy ang sasabihin ng sumingit na naman ito.

"Na anu? Na nakahawak ako sa ANU mo sa tuwing matutulog ako! Na gusto ko kumain ng itlog ng butiki at kendi na hubad! Saka abnoy! Hayaan mo di na ako magpapabuntis sayo! Di ka na rin makaka- ANU kahit kelan." Umiral na naman ang katabilan ng bibig ni Bikay.

Siya ang napapahiya sa mga bisita dahil sa mga pinagsasabi ng asawa niya.

"Hoooo, ate Bikay, petmalu mo! Lodi na kita." Narinig pa niyang sigaw ng kapatid na si Zera.

"Mahal naman kita ah, kahit pasaway ako sayo eh anu magagawa ko kung yung ANU-"

Hindi na niya pinatapos ang iba pa nitong sasabihin, hinapit niya ito sa bewang at mariing hinalikan.

''You may kiss the bride." Huli na ng sabihin ng pari, maging ito ay natatawa sa kalokohan ng asawa niya.

"Hoooo, nice one pare! Nakakatakot pala mag-asawa hahaha." Sigaw ni Zynder.

"Baka mas malala pa kay Bikay ko ang mapangasawa mo pare." Nakangiting sagot niya sa kaibigan ng matapos niya halikan ang asawa.

"Congrats, kuya and ate Bikay."bait agad ng kapatid niya ng makalapit sa kanila.

"Congratulations Mr.Del Valle, you are lucky na magkaroon ng bride na bukod sa maganda ay nagpapakatotoo sa sarili." Puri sa kanya ng isa sa mga bisita at kinamayan siya.

Marami ang pumuri sa napangasawa niya, dahil sa pagiging prangka nito. Bihira na daw ang babaeng tulad ng asawa na walang arte sa katawan. Totoo iyon, kahit gusto niyang bilhan si Bikay ng mga bagong damit, alahas at bagong cellphone ay tinatanggihan nito. Ayon dito ay mayroon pa naman daw siyang nagagamit, ang triplets na lamang daw ang ipamili nila. At lalo siyang humanga kay Bikay dahil sa pagiging simple nito.

Isa-isa ng nagsilapitan ang mga bisita sa kanilang mag-asawa at panay ang Biro sa kanya ng mga ito.

" Mr.Del Valle, this is a nice place, tamang-tama sa pinaplano mong project. "Komento ng isa sa mga bisita niya na si Mr.Ramos at isa sa mga investors ng kompanya.

"Thanks for the compliment, Mr.Ramos."

"Yous welcome, pag-usapan na lang ulit natin after your honeymoon." Sagot nito.

Maraming bisita ang dumating sa kasal nila ni Bikay. Halos lahat ng inimbitahan ng magulang niya at maging siya ay mga businessman.

Kaya naman madami sa kanila ang nagandahan sa lugar na pinagmulan ng napangasawa. Sabagay ng una siyang makarating dito sa SARAY ay nabighani na siya sa lugar kahit malayo sa kabihasnan. Tahimik, sariwa ang hangin, malayo sa nakaka-stress na siyudad. Kaya naisip niya ang isang malaking project dito sa Saray.

"Mahal, I love you." Narinig niyang bulong ng asawa.

Lumingon siya dito at ngumiti. "I love you too mahal."

The END?????????????na ba ....

Loveuall;:;: miss A.

ANU ANG PINAKATUMATAK SAYO NA PART NG STORY NG VINKAY???

PLEASE VISIT MY PAGE;:: ASSUMER21-MISS A.WORLD

AND MY GC WATTPAD UPDATES ASSUMER21 ON FACEBOOK

PLEASE VOTE AND COMMENT

THE END.....PERO MARAMING BONUS CHAPTER!!!!!

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon