CHAPTER SIX EDITED

16.6K 298 11
                                    

“SER Bens, hindi ako sanay magsuot ng ganitong damit, nangangati po ako.” Nagkakamot ng leeg na reklamo ni Bikay. “Hapit na hapit pa sa katawan ko, pakiramdam ko para akong suman!” Walang tigil na reklamo niya habang papalapit sa among naghihintay sa sala.

Pinilit siyang pagsuotin ni Ser Bens ng dress na kulay itim na umabot hanggang tuhod niya.
Sa halip na sumagot ang amo ay nakatulala lamang itong nakamasid sa kanya.

“Ser, papalitan ko po ng pantalon at blouse, pero itong heels okay na, sanay ako magsuot, at saka pampadagdag taas na din, kahit manakit ang mga daliri ko sa paa, ayos lang.”

“No, 'wag mong palitan, nagmukha kang tao sa suot mo ngayon.” Pinigilan siya ni Ser Bens sa isang kamay ng akmang babalik siya sa servants quarter para magpalit ng damit.

Nakatulala siyang nakatingin lamang sa kamay na hawak ng amo, namanhid yata ang buong katawan niya sa pagdidikit ng balat nila. Kinabahan siyang bigla ng walang dahilan at parang may nerbyos na namamawis ng malamig ang mga kamay.

“Tsk, halika na, baka malate pa tayo. Napakadami mong kaartehan sa katawan,  ka naman maganda.” Hinila siya ng lalaki palabas ng condo at mabilis ang hakbang papunta sa elevator.

Marahas niyang binawi ang kamay mula Kay Ser Bens. “Kanina pa kayo nanglalait sa 'kin, sinabihan ninyo akong mukhang tao sa suot ko. Kailangan bang nakadress palagi para magkukhang tao ako? Tapos ngayon maarte at hindi maganda naman. Alam kong hindi ako maganda pero hindi ako maarte. Por que may utang ako sa inyo, kung makapanglait kayo wagas!”

Taas-baba ang dibdib niyang pilit nilalabanan ang epekto ng pagdadaiti ng mga balat nila ng amo.  Nakapagtataka dahil hindi ito ang unang pagkakataon na nahawakan ang kamay niya ng isang lalaki. Kahit nagawa niyang paghiwalayin ang kanilang mga kamay, ramdam pa rin niya ang init ng palad ng binata. Parang kinuryente ang katawan niya dahilan upang mabuhay ang dugo niya.

Lalo siyang nanggigil ng hindi sumagot ang amo, nakatingin lamang ito sa elevator at hinihintay na magbukas. Nakairap na tiningnan niya ng masama ang lalaki na nakatalikod sa kanya. Hindi maiwasang suriin niya ang hitsura ng amo mula sa likuran, nakasuot ito ng polong kulay puti na tinernuhan ng maong pants at sapatos na itim. Mula ng magtrabaho siya sa amo ni minsan hindi niya nakitang nagsuot ito ng tuxedo, iyon kasi ang alam niyang isinuot ng mayayaman kapag po pumupunta sa opisina, lalo pa isang CEO daw si Ser sa sariling kumpanya ayon kay Manang Flora. Madalas polo o polo shirt lamang ang suot nito, minsan simpleng t-shirt lang na tinernuhan ng maong pants. Kung pagbabasehan sa uri ng pananamit si Ser, hindi siya mapagkakamalang Presidente ng kumpanya.
Gusto niyang hangaan ang pagiging simple ni Ser Bens sa pananamit pero nangingibabaw ang lihim niyang pagkainis sa amo dahil pinilit siyang pagsuotin ng bestida na kinaayaawan niya sa lahat. Mas gugustuhin pa niyang magsuot ng sira-sirang t-shirt at luma 'wag lang dress.
Nagulat siya at muntik ng madapa ng bigla na naman siyang hilahin ng amo papasok sa loob ng elevator.

“Se-ser, ba-kit po kayo nanghihila na naman?! Pwede n’yo naman a-kong tawa-gin eh.” Para siyang hinabol ng sampung kabayo sa pangangapos ng hininga dahil sa posisyon nilang mag-amo. Nakapatong ang kanang kamay niya sa matigas na dibdib ni Ser Bens, ramdam niya ang tibok ng puso ng lalaki, habang nakakapit ang isang kamay sa polo ng amo, bandang tagiliran nito. Saka lamang niya napansin na nakapulupot ang kaliwang bisig ni Ser sa kanyang bewang, at mahigpit ding hawak ang isang kamay niya ng kanan nito. Naiilang siyang tumingala sa amo na matiim na nakatitig sa kanya.
Gustong-gusto niyang sitahin muli si Ser Bens, pero umurong na yata ang dila niya, nanatiling nakabuka ang mga labi na nakikipaglaban ng titigan sa amo. Parang nagugustuhan pa niya ang posisyon nilang magkadikit ang mga katawan. Pinipigilan niya ang pagpikit ng mga mata upang lalo pa sanang namnamin ang sitwasyon ngunit may pumipigil sa’ kanyang kaibuturan na huwag pumikit, at pakatitigang mabuti ang kulay itim na itim na mga mata ng amo, na kung tumingin ay parang nakikita maging ang kaluluwa niya.

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon