VINZ's POV"Ser, Hindi naman po sa nag-iinarte ako, Kaya lang ayaw ko po talaga ng pagkain na pinadeliber ninyo." Reklamo ni Bikay.
"Wag kang abusado Bikay, ano pa bang gusto mong kainin? andami Kong inorder, look, tinolang manok, lugaw at saka sinigang na baboy." Pilit niyang pinipigilan ang sarili na wag magalit sa katulong.
Mukhang umaabuso na ito sa kabaitan niya ngayon.
"Ser, wala naman po kasi akong sinabi na bumili kayo niyan." Nakangusong paliwanag nito. "simple lang naman ang kinakain ko kapag may trangkaso ako ser, nilaga lang po."
"Okay, papadeliver na lang ulit ako." At lumapit ito sa side table upang magdial sa teleponong nakapatong.
"Hello, padeliver ako ng nilaga."
"Sir, good afternoon po, ano pong klase ng nilaga ang order ninyo?" Magalang na tanong ng nasa kabilang linya.
"Wait." At bumaling siya sa katulong na kasalukuyang nakahiga sa kama niya.
"Bikay, what kind of nilaga?"baling niya dito.
"Nilagang talbos po ng gabi na may inasiman ng dahon ng malawmaw." Mabilis at Excited na sagot nito.
"What? ano nga ulit ang sinabi mo?" Naguguluhang tanong niya, ngayon lang siya nakarinig ng ganoong klase ng nilaga. Ang alam lang niya ay nilaga ng baka o baboy.
"Nilagang talbos ng gabi na inasiman ng dahon ng malawmaw." Nangingislap ang mga matang ulit nito.
Malakas niyang ibinagsak ang telepono. Wala siyang pakialam kung mabasag man ang ear drum ng kausap niya, Hindi na din siya nagpaalam dito.
"Ako ba pinagloloko mo Bikay! Walang ganong klase ng nilaga." Binulyawan niya ito, Hindi na siya nakapagtimpi ng galit na kanina pa niya pinipigilan. "gabi? ma-law-maw?baka pagkain ng baboy ang sinasabi mo." Dagdag pa niya.
Sa totoo lang wala man siyang alam sa kusina, pero wala pa siyang nakita o narinig na ganoong klase ng pagkain.
"Ser, meron po,yon nga po ang niluluto sakin ni nanay kapag may sakit ako, Hindi po talaga ako kumakain ng ibang pagkain, yun lang po talaga." Paliwanag nito at Hindi pinansin ang galit niya. "ansarap po Kaya ng nilagang talbos ng gabi tapos sasamahan ng dahon ng malawmaw, ahh, sarap. . . parang naglalaway tuloy ako." Patuloy pa nito.
"Saang lupalop ka ba nanggaling? ano ka may lahing ita o katutubo?" Pagalit niyang tanong habang nakatayo sa tabi ng kama.
"Hindi naman ita ser Bens, may lahi po akong Dumagat, pero one fourth na lang naman. Pero sabi nila parang mga Ita din daw po yun. Pero Hindi po pang-dumagat yung pagkain na si-"
"So anong gusto mong palabasin ngayon, ihanap kita ng pagkaing gusto mo?" Mabagsik na tanong niya.
"Aba ser, Hindi po kayo nga lang ang mapilit na na umorder sa restawran ng pagkain ko. Wala po ng nagluluyo ng nilagang gabi dito tapos may dahon ng malawmaw pa, special food po yun, sa Saray lang po meron nun." Pagmamalaki nito.
Hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi ng katulong at ngayon sa Saray lang daw meron nito.
Naguguluhang nakatingin lang siya dito."Saray, doon po ako pinanganak malapit lang naman po yun sa Laguna lang po tapos maglalakad-"
"Kung ayaw mo Kumain bahala ka, basta Hindi kita pinabayaan." inis pa ring sabi niya dito.
Hindi na niya ito pinatapos sa kadadaldal, wala din naman siyang naiintindihan sa mga pinagsasabi ng katulong.Pinabayaan niya ang pagkain malapit sa kama at iniwan itong mag-isa sa kwarto. Pumunta siya sa balcony upang sumagap ng hangin. Maya-maya ay nagtungo siya sa sala, ibinaling niya ang atensyon sa panonood ng paborito niyang palabas na larong basketball.
Kung di pa niya napansin na madilim na sa labas ay Hindi pa siya tatayo, upang tingnan si Bikay sa kwarto niya. Marahan siyang pumasok sa loob, binuksan niya ang ilaw sa malapit sa may pintuan. Nakita niyang natutulog ito, napansin niya ang mga pagkain na Hindi nagalaw. Tubig lang ang nabawasan nito, marahil ng uminom ito ng gamot.
Kinuha niya ang pagkain at dinala sa kusina. Matapos ilagay sa ref ang mga pagkain ay umalis na siya doon. Kapag nagpatuloy na Hindi siya kakain ng kahit ano ay baka matagalan bago siya gumaling. May posibilidad din na lalo siyang manghina.
"AHH, saraappp uhhm, sa wakas! natikman din kita." masayang sabi ni Bikay." Kanina pa ako natatakam sayooo, hhmmmm, sarappp, huh!"sigaw pa nito.
Napapailing siya habang pinagmamasdan ang katulong.
"Ser, tenkyu po talaga ng madami, pakiramdam ko gagaling na ako.Ito lang po talaga ang kinakain ko kapag may sakit ako, NILAGANG TALBOS NG GABI, ayus na din kahit kalmansi lang ang pinang-asim, Hindi na masama." Litanya nito habang patuloy na hinihigop ang sabaw ng kinakain. "Ser, gusto po ninyong tikman?" Alok nito na mabilis niyang tinanggihan.
"Ser, saan po ninyo nabili ito?may restawran na po bang nagluluto ng ganito dito sa maynila?" Usisa nito.
"Never mind, bilisan mo na kumain." Utos niya dito.
Ang totoo Hindi niya inorder ang kinain ni Bikay. Tinawagan niya ang assistant na si Felix at inutusang maghanap ng talbos ng gabi at dahon ng malawmaw. Pero walang nabili itong dahon ng malawmaw Kaya kalamansi ang nabili nito. Nagpaturo siya kung paano maglaga at siyang mag-isa ang nagluto ng pagkain ng katulong. Sa kauna-unahang pagkakataon nakapagluto siya. Wala siyang hilig sa pagluluto, kahit ang magprito ng itlog Hindi niya pinag-aralan gawin.
"Pero dapat nakabuhol ang bawat talbos, Hindi ganitong hiniwa ng maliliit, nagdurog-durog na tuloy." Narinig niyang reklamo nito habang kinakain pa rin ang niluto niya.
"Kung di ko lang ito paborito, hinding Hindi ko ito kakainin eh, parang napaalat Buti na lang may kalamansi." Patuloy na sabi nito."Bilisan mo na nga, Hindi na natigil yang bibig mo sa kakasalita." Saway niya dito
Nagtungo siya sa banyo,para mag shower. Nanlalagkit ang katawan niya at parang naaamoy niya ang Amoy luya na dumikit sa katawan. Inabot siya ng dalawang oras sa pagluluto kanina, tapos ang Hindi niya nagustuhan ay puro Pintas pa si Bikay sa niluto niya.
"Ser, magaling na po ako, tingnan po ninyo na Kaya ko na tumayo ng di nahihilo." Pagyayabang ng katulong.
"Baka mawalan kayo ng trabaho niyan, dalawang araw na po kayong absent."
"I am the CEO at isa pa nagtatrabaho ako dito gamit ang laptop ko." Paliwanag niya.
Hind siya pumasok sa opisina,upang may makasama si Bikay habang di pa ito magaling.
"Bukas na ako papasok sa opisina,ang mabuti pa maupo ka na lang dyan at manahimik." Sabi niya at ipinagpatuloy ang ginagawang pagbabasa sa laptop niya.
"Nakakainip na po kasi Ser, kain tulog lang ako, ilang araw na. Kaya ko na po magtrabaho ser." Pangungulit nito.
Hindi niya pinansin ito at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang gilid ng kama, habang ito ay nakapangalumbaba sa kalapit niya.
Ipinagpasalamat niya na tumahimik din ito ng di na niya pinansin. Hindi na niya pinagkaabalahan pang lingunin ang katulong dahil abala na siya sa ginagawa.Daig pa niya ang may tatlong kasama dito sa condo niya. Para sa kanya katumbas ito ng tatlong Tao sa kaingayan at kadaldalan. Hanggang kailan kaya ito mananawa sa kadaldalan. Kaya naisip niyang hinding hindi siya mag-aasawa ng ganito kaingay, masakit sa tenga at ulo.
Loveuall:: 👉👉miss A👈👈
Please vote and comment
BINABASA MO ANG
my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing
Romance#3 in Romance-comedy Bagong salta sa Kamaynilaan si Bikay na nanggaling pa sa malayong kabundukan. Isa lang ang nakatatak sa utak niya, huwag magpauto sa kung kanino kailangan siya palagi ng nakalalamang. Ignorante man sa bagong paligid pero hindi...