CHAPTER FOURTEEN;;

14.4K 269 3
                                    

Please subscribe to my YouTube channel 👉 ASSUMER21 CHANNEL

Instagram: assumer_21





VINZ's POV

Napapailing siya habang pinagmamasdan si Bikay habang mahimbing na natutulog sa kama niya. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit natatagalan niya ang kaingayan nito. Tapos ngayon obligado siyang alagaan ito. Dahil baka kapag may masamang mangyari dito ay konsensya pa niya.

Nang matapos niya punasan ang buhok nito na lampas balikat ay minabuti niyang magbihis ng damit.
Matapos nito ay nagtungo siya sa kusina ng Nakaramdam ng gutom. Matapos initin ang tirang pagkain kagabi ay inilagay niya ito sa isang bowl. Nang makuha ang tray ay dinala niya ang pagkain Kay Bikay kasama ang isang basing tubig at gamot. Samantalang siya ay kape lang ang ininom, mas gusto niya ang kape sa umaga.

Nadatnan niya itong tulog na tulog pa din. Hinipo niya ang noo nito, bumalik ang lagnat ng katulong dahil sa pagkakabasa.

Naalala niyang wala nga palang suot na damit ito, Kaya Nagmamadali siyang kumuha ng T-shirt niya sa at dahan-dahang isinuot dito. Tinatamad siyang kumuha ng damit sa kwarto nito. Napaisip na naman siya kung susuotan ba ito ng pangbaba.

"D*mn this situation!" Naiinis na kumuha siya ng kanyang pajama at isinuot dito.

Pinabayaan na niya na wala itong suot na panloob baka pagbintangan na naman siya ng kung anu-ano.
Kahit nakita na niya ang halos buong katawan nito ay nakatakip ang kumot ng bihisan niya ito. Sa sobrang pag-aalala at sinamahan ng galit niya kanina Kaya nagawa niyang hubaran ito. Hindi naman sana niya huhubaran ito ng sapilitan. Dala ng galit Kaya sa ganung paraan niya ito tinanggalan ng damit. Inayos niyang mabuti ang comporter niya na nakabalot sa katawan nito. Kahit makapal ito ay halatang giniginaw pa rin ang babae.

"Bikay, wake up, kumain ka muna at uminom ng gamot." marahan niyang tinapik ito sa balikat.

Napabuntong hininga siya ng Hindi man lang ito nag-response sa sinabi niya. Parang may kung ano siyang nararamdaman ngayong matamang tinititigan sa mukha si Bikay. Masasabi niyang Hindi man ito kasing ganda ng mga babaeng naghahabol sa kanya ay di naman nakakasawang titigan ang cute nitong mukha. Bilugang mukha, makapal na mga kulay, katamtamang tangos ng ilong at bumagay dito ang hugis pusong labi nito. Ibinaling niya ang atensyon sa pagkain na nakapatong sa side table. Hinayaan na lang muna niya ito doon, naisip niyang baka gumising si Bikay mamaya para may makain ito.
Mabuti na lang linggo ngayon, wala siyang pasok sa opisina. Nahiga siya sa kabilang side ng kama niya. Mag-uumaga na ng makatulog siya Kaya medyo inaantok siya ngayon. Napuyat siya sa pinag-aaralang plano na pagpapatayo ng bagong branch ng hotel sa ibang bansa. Kasabay ng pagbabantay niya Kay Bikay.
Malawak naman ang kanyang kama, Kaya Hindi sila magkadikit ng babae. Di tulad sa kama nitong pang-isahan lang. Maging siya ay nagtataka kung paano sila nagkasaya doon. Sa sobrang antok niya ay nakatulog siya sa katabi nito.

Inilagay niya ang isang braso sa ulo at tumagilid paharap Kay Bikay.
Sa tingin niya napasama dito ang pagkabasa kanina. Napansin niyang nanginginig ng bahagya ang katulong dahil sa lamig. Kanina pa niya pinatay ang aircon sa kwarto niya, pero nanginginig pa rin ito. Umisod siya ng bahagya dito, Hindi niya alam ang gagawin. Nag-aalalang niyakap niya ito ng mahigpit habang nakabalot ng kumot ang katawan nito. Naisip niyang baka mabawasan ang lamig na nadarama nito.

BIKAY'S POV

Marahan siyang bumangon at naupo. Nagising siya na narito pa din sa silid ng kanyang amo. Pinagmasdan niya ang natutulog na lalaki sa tabi niya. Nakayakap ito sa kanya kanina, na maingat niyang tinanggal ang braso nito na Nakayakap sa kanya. Hindi na siya galit dito, katunayan nahihiya siya dahil pinag-isipan niya ito ng masama. Dapat mas pasalamatan niya ito, dahil inaalagaan siya ng amo. Bigla tuloy niya namiss ang kanyang nanaey. Kapag nagkakasakit siya ay ipinagluluto siya nito ng paborito niyang pagkain. Kapag may sakit siya ay Hindi siya kumakain ng ibang pagkain. Kaya parang naalala niya ni pinkain siya ng amo ay dalawa o tatlong subo lang yata ang nakain niya.

Nang makita niya ang pagkain na nasa tray ay di niya ito ginalaw. Ininom niya ang gamot na nakalagay doon at saka uminom ng tubig. Noon lamang niya napansin na may suot na siyang damit. Napagtanto niya na pag-aari ito ng amo niya.Nag mukha tuloy long sleeve sa kanya ang T-shirt nito. Nakasisiguro din siya na napakahaba ng pajama na suot niya ngayon.

Bumalik ulit siya sa pagkakahiga, nahihilo pa siya hanggang ngayon. Napasama yata lalo ng mabasa siya sa shower kanina. Ibinalot ulit niya ang katawan sa kumot at bumaluktot ng higa.

"Ang ginaw. . ." Bulong niya.

"Good your awake, may pagkain akong dinala sayo." Naalimpungatan na sabi ng amo niya.

"Ser, wag na po Hindi po ako nagugutom, ininom ko po yung gamot na nasa tray." Nahihiyang sagot niya dito.

Hindi niya malimutan ang mga sinabi niya kanina.

"Okay, but you need to eat." Pangungumbinsi nito.

"Ser, mamaya na lang po,gusto ko pa po sana matulog, nahihilo po kasi ako." Pagkakaila niya, wala talaga siyang gana kumain.

"Ser, salamat nga po pala at sorry din sa mga pinagsasabi ko kanina. Eh kasi-"

"Shhhh,stop it okay,matulog na lang ulit tayo." At nauna na itong nagpikit ng mga mata.

Nagulat siya ng kabigin siya nito palapit sa matitipuno nitong katawan.

"Ayieee." Kilig na sabi ng puso niya.

"Wag assuming.." Saway ng utak niya.

"Haissttt." Sabi niya sa sarili at pumikit na din.

Hinayaan niya ang kabutihang loob ng amo, mabuti na to kesa ang other side nitong bugnutin. Lalo pa siyang sumiksik sa malapad nitong dibdib. Medyo nabawasan ang ginaw na nararamdaman niya ngayon.

Loveuall:: 👉👉miss A.👈👈

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon