Please subscribe to my YouTube channel 👉 ASSUMER21 CHANNELInstagram: assumer_21
"Ser Bens, nakalimutan kong ilagay ito sa wish lists ko, ang huwag linisin itong mga kinokolekta ninyong mga bastos na bagay. Salamat sa WiFi mo Ser, nalaman ko kung para sa'n ang mga ito. Tulad nitong iba-ibang klase ng vibrator, kadiri. Itong parang talong na gumagalaw kapag pinindot itong button. Saka 'yang dambuhalang itits na pwede ng sakyan at parang kabayo. Dyusko, Ser Bens, ganyan ba talaga kayong mga lalaki at mayaman. Nangongolekta ng mga se-sex toys at may vintage pa ayun o." Itinuro niya ang huling nabanggit na nakapatong sa isang lagayan na mukhang ipinagawa para pagpatungan ng mga koleksyon ng amo.
Kasing laki din ito ng kuwarto ni Ser Bens, may mga tatlong hilera ng nagtataasang shelf, bukod pa sa mga shelf na yari sa salamin ang nakapaligid sa apat na sulok ng silid. Hindi niya alam kung ano pa ang tawag sa iba pang mga laruan na naroon. Iilan lamang ang nakilala niya dahil sa tulong ng internet.
"Kaya pala sa tuwing maglilinis ako ng kuwarto ninyo pagkatapos mo makipagjugjugan, eh, may mga ganito." Nilaro-laro niya ang isang vibrator na may nakasulat na Magic Wand sa kahon nito.
"Baka masira mo, madagdagan pa ang utang mo sa 'kin."
Napasimangot siya ng marahas agawin sa kanya ang laruan at muling ibalik sa kahon.
"Trabaho mong linisin ang mga collection ko. Kaya tayo narito para ituro sa 'yo kung saan ilalagay ang mga bagong dating kong collection."
"Wala naman po talaga akong pakialam, pero nakakapagtaka lang sa dinami-dami ng pwede ninyong kolektahin eh, ang mga iyan pa." Nakangiwing puna niya. "Hindi na ako magtataka kung sa susunod eh, puno na ng koleksyon na hugis ari ng babae at lalaki doon sa isa pang kuwarto, ang libog n'yo na po talaga masyodo kung magkataon." Dire-diretsong talak niya na hindi tumitingin sa amo.
"Bilisan mong ayusin ang mga 'yan doon sa kabilang estante mo ilagay, ingatan mo dahil kapag nasira mo kahit isa, daang libo ang halaga nang babayaran mo."
Naiwan siyang natitigilan at maingat na inilagay sa espasyong itinuro ng amo ang apat na antigong koleksyon na bagong dating kaninang umaga. Napansin niyang kahawig ng glue gun na gawa sa mabigat na metal ang dalawang koleksyon at ang dalawa ay hindi niya mawari ang itsura.
Palabas na siya ng kuwarto ng muling lingunin ang buong silid na maayos ang pagkakalagay ng mga sex toy collection ni Ser Bens. Para siyang nasa isang library na may iba-ibang klaseng nakapatong sa mga shelf ngunit sa halip na libro ay ang bastos na koleksyon ng amo ang naroon. O 'di kaya naman ay para siyang nasa isang museum na may mga artifacts o antigong gamit mula sa kasaysayan, kaya lang puro kamunduhan ang makikita roon.
"Baka sa halip na utak ang laman ng utak ni ser, eh, puno ng tamod ang bungo niya!" Napapailing niyang isinara ang pinto nang maalala ang isa pang utos ng amo.
"SER Bens, payag po ako."
"Hindi ko naman kailangan ng permiso mo, Bikay, ipinapaalam ko lang sa 'yo na isasama kita sa isang dinner meeting. Huwag kang gagawa ng kapalpakan doon, baka mapilipit ko na ang leeg mo." Humigop siya ng kapeng si Bikay ang nagtimpla.
"Eh, Ser Bens, ano pong gagawin ko doon?" Nanatili si Bikay na nakatayo malapit sa dining table.
"Wala naman, kakain ka lang kasama namin," paiwas niyang sagot, tumayo na siya kahit hindi pa nauubos ang kape. Hindi niya sinabi sa katulong ang totoong dahilan kung bakit niya isasama ito sa dinner meeting nila ni Mister Limsiaco. Nagmamadali siya ngayon para magpaliwanag sa katulong, baka abutin siya ng ilang oras bago maintindihan ng babae ang gusto niyang mangyari.
Malalaki ang hakbang niyang naglakad palabas ng unit dala ang case at susi ng kotse. Marami siyang kailangang dapat pirmahan na ducuments ngayong araw, pag-aaralan ulit niya ang proposal para kay Mister Limsiaco.
"Ser, Ser Bens, pahintay po ako." Kunot-noong nilingon niya ang tumawag. Kalalabas lang niya ng elevator at hindi maitatangging si Bikay iyon dahil sa accent ng babae ay kilala na niya.
"Pasabay po ako, para tipid sa pamasahe, ngayon ang unang araw ko sa Lexus University." Bakas sa mukha ni Bikay ang pag-aalinlangan.
Tinulungan niyang makakuha ng examination si Bikay ng sa ganoon ay hindi na ito elementary kapag nag-aral ulit. Kailangan nitong mag-review sa tulong na din ng kaibigang si Zynder na pag-aari ang Lexus University, ng sa gayon ay mapadali na makatapos na makapagtapos ng pag-aaral ang katulong. Makukuha na niya ang kopya ng sex video at agad niyang palalayasin sa pamamahay si Bikay, baka makagawa na naman ng maaari niyang ikasira ng reputasyon.
"Tutunganga ka na lang ba d'yan?" naiinip niyang tanong nang buhayin ang makina ng kotse.
Nakalimutan niyang ngayon nga pala ang unang araw ni Bikay sa pagrereview, kunsa bagay wala siyang pakialam. Kung pwede lang niyang hilahin ang oras matagal Na niya ginawa, para makuha agad ang video.
Maliksing binuksan ni Bikay ang kotse at naupo sa katabi niya.
BUONG paghanga na tiningala ni Bikay ang malaking gate ng Lexus University, kung saan siya magrereview para sa exam na isang programa ng DepEd sa katulad niyang hindi na nababagay pumasok ng grade five, dahil gurang na. Pero eighteen pa lang naman siya, kaya lamang baka abutin na siya ng trenta bago makatapos ng pag-aaral. May iba namang paraan at ito nga iyon. Makakatatulong ang ALS para makapagpatuloy siya ng pag-aaral na hindi kinakailangang magsimula kung anong grade tumigil. Makapasa lamang siya sa exam, para college na sa susunod na pasukan. Kinakabahan siya dahil kinalawang na ng husto ang kanyang utak, ngayon pa lang ay sumasakit na ang ulo niya.
"Ser, salamat sa libreng sakay, pwede po bang isabay mo ulit ako mamaya, ibibili ko na lang ng meryenda ang matitipid kong pamasahe. Tapos 'yong dapat na baon ko itatabi ko para madagdagan ang ipapadala ko sa pamilya ko."
Walang reaksyon si Ser Bens at basta na lamang pinaharurot ang kotse nang makalabas siya.
"Damot!" sigaw niya kahit malayo na ang sasakyan ng amo at imposibleng narinig siya.
Matulis ang nguso niyang naglakad papasok sa malaking gate na itim ng Lexus University. Mayabang na nakapaskil ang malalaking letrang kulay puti ang pangalan ng school sa itaas na bahagi ng gate.
"Wow..." bulong niya habang iniikot ang mga mata sa loob ng campus.
Tumambad sa kanyang harapan ang malawak na field na may nakatayong mga naglalakihang estatwa ng mga hayop na gawa sa yelo.
"Paano kaya nila nagawang hindi natutunaw ang yelo? Ang galing naman."
Napapaisip na pinakatitigan ang naglalakihang rebulto ng mga leon, tigre, leopard, cheetah at iba pang hindi niya alam ang pangalan. Bago makarating sa mga school building ay kailangan muna niyang dumaan sa isang hall way na punong-puno ng nakatanim na halaman, para siyang nasa isang flower farm na may iba-ibang uri ng halamang namumulaklak. Para din naman siyang nasa zoo- hindi nga lang buhay ang mga hayop.
"Ano kayang pumasok sa utak ng may-ari nitong school. Kung kaibigan siya ni Ser Bens, hindi nakapagtataka, pareho silang abnormal mag-isip!"
Itinigil niya ang pagkilatis sa paligid at binilisan ang paglalakad patungo sa itinuro ng guwardiya, hanapin daw muna niya ang titser na si Miss Taguro, sinabi ng lalaki ang pangalan ng building kung saan matatagpuan ang magtuturo sa kanya.
BINABASA MO ANG
my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing
Romance#3 in Romance-comedy Bagong salta sa Kamaynilaan si Bikay na nanggaling pa sa malayong kabundukan. Isa lang ang nakatatak sa utak niya, huwag magpauto sa kung kanino kailangan siya palagi ng nakalalamang. Ignorante man sa bagong paligid pero hindi...