CHAPTER THIRTY NINE;:;

11.3K 252 6
                                    

BIKAY'S POV

Why do birds suddenly appear
Every time you are near?
Just like me they long to be
Close to you.

Paglingon niya sa stage ay nakita niya ang isang music video. Nag-unahan na sa pagpatak ang mga luha niya ng mapanood ang naturang video. Hindi na siya nakaalis sa pa kinatatayuan niya dahil sa napapanood.

Nakita niya ang video nila ni Vinz habang naglilinis sila ng condo nito noong kasambahay pa lamang siya ng lalaki. Nakasisiguro siyang kuha ito sa CCTV ng unit, naroon yung panahon na pinapapirma pa niya ng kasunduan si Vinz dahil sa scandal nito. Nakuhanan din ng camera na ngayon lang niya nalaman na ito pala ang nagluto ng nilagang talbos ng gabi na inihanda nito para sa kanya noong may sakin siya. Akala kasi niya na binili lang ito sa restaurant, pero kitang-kita niya kung paano nahirapan magluto ang lalaki, na di niya maiwasang mapangiti dahil sa effort nito.

Why do stars fall down the sky
Every time you walk by?
Just like me they long to be
Close to you..

Patuloy ang pag-iyak niya habang ipiniplay ang video. Yung mga Sandaling nagkukulitan silang dlawa ni Vinz. Ang mga pag-aalaga at pag-aasikaso sa kanya ng lalaki, noong buntis siya at kahit ng makapanganak na siya sa triplets.

Kitang kita ng lahat ng tao na naroon kung anong uri ng tao si Vinz. Kahit na hindi maganda ang pagkakakilala niya dito noon, ay malayong malayo sa Vinz na maalaga at mapagmahal sa kanilang mag-iina. Masasabi niyang para sa kanya ay isa ito sa dahilan kaya lalong minahal niya ang lalaki.

Nagpalinga-linga siya sa paligid ng maalala si Vinz, na ito lang ang tanong pwedeng gawin ang lahat ng ito.

Pakiramdam niya nagtaasan lahat ng balahibo niya sa buong katawan. At malakas ang kabog ng dibdib niya,ng nakita ang isang bulto ng katawan mula sa may entrance. Nakasuot ito ng tuxedo, na nagpalitaw sa angking kagwapuhan nito. Nawala ang galit at sakit na nararamdaman niya sa kanyang puso at napalitan ng pagkasabik sa lalaki. Sobrang miss na niya ito, na pilit lamang niya itinatago nitong mga nagdaang araw.

May dala itong isang bugkos ng bulaklak, habang naglalakad papalapit sa kanya.

On the day that you were born the angels got together
And decided to create the dream come true
So they sprinkled moon dust in you hair of gold and starlight in your eyes of blue.

Nang tuluyang makalapit ito sa kinaroroonan niya ay namatay bigla ang lahat ng ilaw sa paligid at tanging sa kanila lamang ang may liwanag.

"I love you, mahal." Madamdaming bulong nito sa kanya sabay about ng mga bulaklak.

Napahagulhol na siya sa pag-iyak at kusa na siyang yumakap sa lalaki. Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao sa paligid nila, na nalimutan niya may nanonood pala sa kanila.

"I'm sorry for what happened, hindi ko agad sayo sinabi ang tungkol sa kanya." Paliwanag nito habang magkayakap sila.

"Bakit di mo sinabi na may pakakasalan ka na pala? Eh di sana di kita pinatulan huhuhu." Kumalas siya mula sa pagkakayakap dito.

"Paano na kami ng mga baby ko?" Patuloy niya.

Hinawakan nito ang mukha niya bago nagsalita.

"Totoo, fiancée ko si Colline pero noon yun, wala kaming naging closure dahil iniwan niya ako bigla para pumunta sa Europe. Pero sinabi ko sa kanyang hindi ko na siya mahal." Paliwanag ng lalaki.

Napatigil siya sa pag-iyak dahil sa narinig mula dito. Saka lamang niya narealized na dapat pala kinausap muna niya si Vinz at Hindi yung nag-alsa balutan agad siya.

Pinahid nito ang mga luha sa pisngi niya. "Wag ka ng umiyak, dinaig mo pa ang mga krayola natin." Nakangiting sabi ng lalaki.

At pagkatapos ay may kinuha ito na kung ano sa bulsa nito. Huminga muna ito ng malalim bago lumuhod sa harapan niya.

"Huy! Hala! ano yan? Tumayo ka nga diyan nakakahiya, kanina pa tayo pinagtitinginan dito." Saway niya sa lalaki.

Parang wala itong narinig sa sinabi niya at binuksan ang isang kahong maliit. Kumikinang ang bato ng singsing na nakalagay sa box na maliit.

"Will you be my crazy little angel forever? Will you be my wife?" Saad nito habang hawak ang kahon ng singsing.

Hindi maipaliwanag na kaligayahan ang nararamdaman niya ngayon. Ang buong akala niya ay mayroon na itong pakakasalan na ibang babae.

"Okay lang ba kahit na palagi gusto ko ako ang nasusunod?" Paniniguro niya.

"Yeah, 'coz I really love you." Mabilis na sagot nito.

Nagtilian na naman ang mga kababaihan sa paligid dahil malakas ang boses ni Vinz. Pinatay na din ang music at dinig ng lahat ang mga sinasabi nito dahil maliit lang naman ang lugar na pinagdarausan ng sayawan.

"Talaga? Eh, baka magsawa ka din sakin." Pagpapakipot pa niya.

"Nope, no I am not." Sabay iling nito.

"Eh, paano kung-" Hindi niya naituloy ang sasabihin ng biglang
.
.
.
"Ako na ang magsusuot sayo, ikaw Vinz napakabagal mo. Ikaw namang bata ka may anak ka na at lahat pakipot ka pa" Kunway galit na sermon ng tatay niya na bigla na lamang sumulpot sa harapan nila at isinuot ang singsing na nasa kahon.

Nagtawanan ang mga tao at nagpalakpakan. Tumayo si Vinz mula sa pagkakaluhod at napakamot sa batok dahil sa ginawa ng ama niya, ngunit umalis din kaagad. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ang singsing sa daliri niya.

"Nagustuhan mo ba? Matagal ko na binili yan kaya lang di ako makakuha ng magandang timing." Nahihiyang paliwanag nito.

"Di sana hindi na ako naglayas-layasan." Nakangiting sabi niya ng tumingin siya dito.

"Don't you worry mahal, kahit nasaan ka pa, hahanapin kita." Sagot nito at kinuha ang isang kamay niya kung saan nakasuot ang singsing.

"I love you."

"Mahal din naman kita eh." Naluluhang sabi niya. "Kahit sinong Pari, Pastor, Elder, Judge,Ministro o-"

"Uhh." Ungol niya ng bigla na lamang siya nitong halikan sa labi.

"Hooo! kasalan na!" Nrinig niyang sigawan ng mga tao sa paligid.

"Pasaway ka. May sinasabi pa nga ako eh." hinampas niya ng mahina sa may dibdib ang lalaki.

"Kanina pa kasi kita gusto halikan noong nasa labas pa lamang ako at natatanaw ka." Nakangiting sabi nito.

Muling pumailanlang ang musika na paborito niya.

"Shall we dance?" Inilahad nito ang isang kamay sa harapan niya.

Malugod naman niya itong tinanggap at nagsimula silang magsayaw.

Loveuall::miss A.

Please vote and comment

Please join my GC wattpad updates assumer21 miss A.on Facebook...

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon