CHAPTER FOURTY

11.7K 224 1
                                    

CHAPTER FOURTY;:::
#FLASHBACK

VINZ POV

“Kumusta po kayo, pasensya na po  kung ngayon lang ako nakapunta.” Hinging paumanhin niya sa magulang ni Bikay at nagmano sa mga ito.

Mabuti na lamang at naabutan niya ang mga ito dito sa bayan. Hindi niya agad napuntahan ang mag-i-ina niya dahil sa biglaang pagdating ng mga investors galing sa China.

“Mabuti naman ang mag-i- ina mo Vinz, pero ayoko ng mauulit pa ito.” Striktong sabi ng tatay ng nobya niya.

"Pasensya na po nagkaroon lang po kami ng hindi pagkakaunawaan, hayaan po ninyo tatay hindi na mauulit.” Pangako niya.

“Syangapala Vinz, kaya kami bumaba dito sa bayan dahil piyesta sa Saray bukas. Ngayon, napagkasunduan namin na pabinyagan ang mga anak ninyo. Pero dahil narito ka na ikaw ang bahala kung itutuloy pa rin ang pabinyag.” pahayag ng nanay ni Bikay.

“Oo naman po, teka ano pa po ba ang mga dapat kong bilhin, ah alam ko na po pwede po ba ako humingi ng labor?” Sabi niya ng may pumasok na ideya sa isip niya.

“Ano yun, sabihin mo na dahil papunta pa kami sa palengke.” Sabi ni lang Berting.

“Ganun po ba, sasamahan ko na po kayo sa kotse ko na po tayo sumakay.” Pagmamagandang loob niya.

Mabilis naman na sumunod sa kanya ang mga ito palapit  sa kotse niya na nakaparada sa may di kalayuan.

“Sa totoo lang po matagal ko na pong pina-plano na alukin ng kasali ang anak ninyo, sana po pumayag kayo.” Kinakabahang sabi niya habang nagmamaneho papunta sa palengke.

“Tututol pa ba kami ngayon? Inanakan mo na ang anak namin.” Mabilis na sagot ng tatay ng dalaga.

Nakita niya na bahagyang siniko ng nanay ni Bikay ang asawa nito.

“Walang problema Vinz, pagpasensyahan mo na itong tatay mo, nag-iisang anak na babae kasi namin si Bikay ko.” Nkangiting sabat nito.

“Salamat po, gusto ko po sana sorpresahin ang anak ninyo.” Pahayag niya.

“Ah, alam ko na Vinz tamang-tama may pasayaw mamayang gabi.” Nangingislap ang mga mayang sabi ni aling Pilar.

“Sige po salamat ako na pong bahala .” Nakahingang sabi niya.

Ang akala niya ay magagalit ang mga magulang ni Bikay sa kanya dahil sa nangyari. Kaya nahihiya siya dahil mas nauna pa na nagkaroon sila ng anak. Nang makarating sa palengke ay agad silang nagtungo sa puwesto ng mga gulay, sumunod sa isang grocery.

"Tay, ako na po ang magdadala." Sabi niya ng tangkang bubuhatin ng tatay ni Bikay ang mga pinamili.

Kahit nabibigatan ay hindi siya nagreklamo habang bitbit ang mga pinamili ng mga ito.

"Nay, ako na po ang magbabayad ng mga iyan." Mabilis niyang sabi at agad niyang iniabot ang isang card sa cashier.

Nang matapos ay dinala na niya ang isa pang kahon ng grocery item.

"Ang mabuti pa Vinz, ihatid mo na muna ang mga ito sa sasakyan." Suhestyon ni aling Pilar. "Hintayin mo na lamang kami doon naisip Kong bilhan ng damit na isusuot ang mga apo ko para bukas." Dagdag pa nito.

Saka lamang niya naalala na kailangan pala ng damit na isusuot sa binyag ng mga anak niya.

"Oo nga pala, nanay Pilar hayaan no po ninyong ako ang magbayad kayo na lamang po ang pumili, wala po kasi akong alam sa ganyan." Nahihiyang sabi niya.

"Sige, ihatid mo na muna ang mga iyan." Sabat ng tatay ni Bikay.

Mabilis siyang sumunod sa sinabi nito at dinala ang mga pinamili. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan man siya ng mga taong nakakasalubong niya. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay makikita na niya ang mag-iina niya.

Nang makabalik sa kinaroroonan ng mga ito ay agad silang nagtungo sa isang pwesto ng mga gown sa loob ng palengke. Napansin niyang magaganda din naman pala ang pagkakagawa sa mga gown na nakadisplay doon. Maliit lamang ang lugar kaya makikita na lahat ng designs, ng may napansin siyang isang short dress na kulay puri at may design na bulaklak sa may dibdib nito. Alam niyang babagay ito sa nobya kaya agad niyang binili. Matapos niyang bayaran ang damit kasama ang damit para sa triplets ay nagtanong siya sa mga kasama kung saan may mabibilhan na sapatos na pambabae.

"Miss, bibilhin ko yung isang 'yon" turo niya sa isang stiletto na kulay itim, katamtaman lamang ang taas ng heels na pinili niya.

"Bilisan na natin, baka gabihin tayo sa daan." Mayamaya ay sabi ng tatay ni Bikay ng matapos niyang bilhin ang sapatos para kay Bikay.

"Nay, pwede po bang kayo na ang magbigay nito sa anak ninyo. Plano ko siyang i-sorpresa mamaya." Sabi niya habang binubuhay niya ang makina ng kotse.

"Ano bang plano mo?" Usisa nito habang tahimik lamang na nakikinig ang tatay ni Bikay.

"Balak ko po na sa pasayaw na gaganapin sa barangay ninyo magpropose po sa anak ninyo." Pahayag niya habang nagmamaneho.

Nang may madaanan silang flower shop ay agad siyang bumili ng bulaklak para sa nobya. Napangiti siya ng maalala ang mga video na kuha ng CCTV sa condo niya.

"Felix, i-edit mo itong ipapadala ko sayong video ngayon na." Utos niya sa assistant. "Ang music background ay kanya ng the Carpenters na Close to You." Dagdag pa niya at nagsend muna siya bago nagpatuloy sa pagdadrive.

Napapangiti siya sa sarili habang nagmamaneho, di niya akalain na mapapakinabangan pala niya sa ganitong pagkakataon ang kuha ng CCTV niya na nakaconnect sa kanyang cellphone. At buti na lang din,alam niya ang paboritong awit ng nobya, madalas kasi ito ang kinakanta ni Bikay kapag nagpapatulog sa anak nila. Ganito pala kapag mahal mo ang isang tao, ang mga simpleng bagay na tungkol sa kanya ay  napakahalaga. Si Bikay lamang ang minahal niya ng ganito, noon akala niya ay si Colline na ang babaeng pinakamamahal niya.

Siya ang babaeng naging dahilan kung bakit siya naging babaero at ang tingin sa mga babae ay manloloko. Iniwan siya ni Colline noon para sa pangarap nito na maging isang editor sa isa sa  pinakamalaking publishing company sa America. Ininwan siya nito ng hindi nagpaalam sa kanya na ayon dito ay baka Hindi daw siya pumayag at totoo naman iyon. Ngunit sa paglipas ng panahon ay nakalimutan din niya ang babae at napatunayan niya ito ng nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap. Nasaktan man ito sa sinabi niyang may iba na siyang minamahal ay malugod nitong tinanggap ang desisyon niya. Ang pagkakamali niya ay hindi niya sinabi Kay Bikay ang tungkol Kay Colline. Nalimutan na kasi niya dahil masaya na siya sa piling nito at sa kanilang mga anak.

"Dude, bakit mo ako iniwan? Saan ka ba nagpunta? Bumili lang ako sandali ng maiinom nawala ka na." Halata sa mukha ng kaibigan na si Zyder ang pagkabagot ng makarating sila sa Balian(balyan). Naabutan nila ito habang nakatayo malapit sa isang sari-sari store.

"Tsk, sabi ko sayo pare wag ka na sumama." Naiiling na sabi niya sa kaibigan habang tinutulungan siyang ibaba ang mga pinamili nila.

"Ganoon kita kamahal pare, baka mamaya bugbugin ka ng tatay ni Bikay, ako ang gagamot kung sakali na magkapasa ka." Pabirong sagot nito.

Sabay silang nagtawanan ng kaibigan, kababata niya ito at mula pa noon ay ito ang naging matalik niyang kaibigan.

"Bilisan ninyong dalawa, mahirap na kapag ginabi tayo sa daan." Tawag sa kanila ni mang Berting.

Loveuall;:miss A.

Please vote and comment

Join my GC on fb please search WATTPAD updates assumer21

my AMO and AKO series #1(completed) Under Editing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon