Prologue

141K 1.3K 99
                                    

Book 1: Hired Girlfriend, Hired Mommy

Promotional Video found on the right side.

------

Apat na taon na ang lumipas at malaki na ang pinagbago ko. 

Hindi na ako si Shane na dating mahirap.

Hindi na ako si Shane na walang napatunayan sa kapwa ko.

Hindi na ako si Shane na hindi kayang protektahan ang mga taong mahalaga sa'kin.

Hindi na ako ang dating Shane na madaling tapakan.

Ang dami ko nang pinagdaanan na masasakit pero ito ang nagpatatag sa'kin.

Ang sakit na dala-dala ko pagdating ko sa New York ang naging stepping stone ko para baguhin ang pagkatao ko.

Ang bigat na dala-dala ko ang nagbigay sa'kin ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang buhay ko.

Umupo ako sa eleganteng upuan sa kwarto ko habang nasa harap ko ang malaking salamin. Kitang-kita ko ang repleksyon ng mukha ko na ibang-iba sa dating Shane. Kinuha ko ang brush sa drawer ko saka ko sinuklayan ang mahabang buhok ko.

Ang laki na ng binago ko. Sa itsura at sa pagkatao ko.

Elegante. Sopistikida.

Malayong-malayo sa dating ako.

*tok* *tok*

"Ready ka na ba?" Tanong niya sa'kin pagkapasok niya sa kwarto ko.

Tumango lang ako habang nakikita ko siya sa repleksyon ng salamin ko. Lumapit siya sa'kin saka ako niyakap mula sa likuran at pinatong ang mukha niya sa kanang balikat ko.

"Sigurado ka bang handa ka na?" Tanong niya ulit sa'kin.

Siya ang taong tumulong sa'kin para magbagong buhay. Hindi ko alam kung ano nang nagyari sa akin kung wala siya. 

"Handa na ako." Sagot ko.

Limang oras na lang at uuwi na kami ng Pilipinas.

------------

AN: Hello everyone. Book 2 na po tayo. Don't read this kung hindi niyo pa nababasa ang book 1. You'll be spoiled big time. Basahin niyo na muna ang Hired Girlfriend, Hired Mommy. Nasa right side ang link.

At para naman doon sa mga nakasubay-bay nito. Gusto kong ilagay ang mga isipan niyo sa isipan ni Shane. Alam ko maraming tanong na tumatakbo diyan sa mga isipan niyo pero isa isa natin iyang malalaman sa susunod na mga kabanata kaya tune in lang guys. Vote, comment and add me on facebook :D hehehe. For the mean time iyan na muna ang cover ha dahil di pa ako nakakagawa. bukas na bukas papalitan ko na iyan at baka mapost ko na rin ang chapter 1. 

Sa tingin niyo sino ang lalaking kasama ni SHane? Comment below.

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon