“Mag dodonate po ako.” Walang pag alinlangang sabi ko sa doctor.
“Ako rin po doc. I’ll do whatever it takes para mabuha ang anak ko. Kahit pa kapalit pa ng buhay ko.” Sabi naman ni Tita.
“We will begin the evaluation immediately. Pero gusto ko lang linawin sa inyo na kahit maging successful ang operasyon, hindi pa rin maipapangako ang kaligtasan ng pasyente.”
“Ano pong ibig niyong sabihin?” Tanong ko.
“Kasalukuyang comatose ang pasyente dahil sa injury sa kanyang brain tissue na natamo niya sa aksidente. Maraming sugat ang mukha niya dahil sa nabasag na salamin sa sasakyan.”
“Comatose?” Hindi makapaniwalang bulalas ni Tita. “Anong ibig mong sabihin doc?”
“May bruising po sa brain tissue ng pasyente. Tinatawag po namin itong Contusion. May swollen areas at mga dugong namuo sa utak ng pasyente dahil sa leakage ng small arteries, veins or capillaries.”
Hindi na nakayanan ni Tita ang mga narinig niya kaya bigla na lang siyang napaupo sa sahig. Agad ko naman siyang inalalayan para makatayo.
“Tita…”
“Excuse me.”
-HGHM-
Sobrang gulong-gulo ako dahil sa nangyayari. Kailangan kong magpabalik-balik kay Jed at kay Uno. Pero mas marami akong nilaang oras para kay Uno.
Iniwan muna namin si Chandrielle sa pangangalaga ni Mitchie, ang bestfriend ko. Sobrang nahihiya ako sa kanya dahil matagal na kaming hindi nagkita tapos tinawagan ko lang ulit siya para humingi sa kanya ng pabor. Huli kaming nagkita nung pagdating ko ulit sa Pilipinas.
“Kayo po bang dalawa ang mag dodonate?” Tanong ng isang nurse sa’min ni Tita.
“Opo.”
“Sumunod na lang po kayo sa’kin.”
Sumunod lang kami sa nurse saka kami pumasok sa isang room sa ospital.
“Sila po ang magdodonate para kay Mr. Sebastian. ‘Yung pasyenteng dinala dito nung isang araw.” Sambit nung nurse na kasama namin sa isang lalaking coordinator.
Tumango lang yung coordinate saka kami iniwan nurse.
“Paki sagot nalang po muna nitong questionnaire.” Sabi niya saka niya kami inabutan ng papel at ballpen ni Tita. Tinignan ko ang sampung pahinang papel saka bumungad sa’kin ang..
Dear Donor,
Thank you for considering The Gift of Life.
I flip the next page saka ko nakita ang mga basic informations na kailangan kong i-fill up. Name, Birthday, Sex orientation, citizenship, address, family doctor at ang recipient, si Uno sa case namin ni Tita.
Sa susunod na pahina naman ang listahan ng mga tanong patungkol sa heart and vascular disease sa unang section, diabetes sa susunod na section, other medical problems hanggang sa system reviews. Sinagot ko lahat ng mga katanungan at confident naman ako na healthy ako para mag donate.
May sinama ring Right to withdraw sa ikawalong pahina.
You have the right to withdraw your participation as a donor at any time during the process. You should not feel pressured or obligated to undergo such a serious procedure and should discuss ay concerns with your donor team so they can further assist you.
Binasa ko lahat ‘yun saka ko sinulat ang pangalan ko sa huling pahina at pinirmahan ‘yun.
Hinintay ko munang matapos si Tita saka namin sabay na pinasa ang papel.