Dali-dali kong isinuot ang dress na ibinigay ni Jed. Excited ako super dahil matagal na rin akong hindi nakakapunta ng ball. Last time kong pagpunta, high school pa ako non. JS Prom. Hahaha.
Nakasuot ka ng magandang damit, isasayaw ka ng taong mahal mo. It feels heaven. Sino ba naman ang hindi kikiligin don diba?
Naglagay ako ng make up at inayos ang buhok ko. Bumalik ulit ako sa kama kung saan nakapatong ang box at kinuha doon ang isang ankle strap high heels na kulay beige. Sinuot ko ito saka ko sinuot ang mask na kulay pula na may parang dyamanteng design sa gilid.
I took a glimpse of my reflection in the mirror for the last time. Satisfied, I checked the time using my wristwatch. It's already 6:55 pm.
"Hinihintay na ako ni Jed."
Lumabas na ako ng room without knocking at Jed's door. Alam ko naman kasing andun na siya sa venue naghihintay.
As I was walking down the red carpet patungo sa hall ng cruise, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. It was a mix emotion. Kinakabahan ako, excited, masaya at malungkot. Pero I should never be sad. Hindi ako dapat malungkot. At kahit alam ko ang dahilan kung bakit ako nalulungkot, hindi ko dapat isipin. I will never mention his name ever again. Isa lang siyang bangungot na kailangan kong kalimutan.
"Congratulations!" sambit ng isang lalaking naka tuxedo at nakasuot ng mask sabay abot sa'kin ng isang pulang rosas.
"Thank you." I stated pagkatapos kong tanggapin ang rosas.
Naka tatlong hakbang ulit ako mula don sa lalaking sumalubong sa'kin saka ulit ako nakatanggap ng isa pang pulang rosas.
"Congratulations!"
"Thank you."
Nag Thank You lang ako kahit na hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng sinasabi nila. Patuloy pa rin ako sa paglalakad sa red carpet patungo sa hall at ganun ulit ang nangyari. Umabot na sa sampu ang natanggap kong pulang rosas.
"Congratulations Ma'am Shane!"
"Christian?"
Kinuha ko ang pulang rosas na inabot ni Christian sa'kin. Kahit na may suot siyang mask, alam na alam ko pa rin na siya iyon.
"Akala ko hindi ka sumama sa'min?" Tanong ko sa kanya.
"Hahaha. Malalaman niyo po ang lahat mamaya Ma'am Shane."
"Hmm. Kinunchaba ka ni Jed ano? Nagtataka ako kanina kung paano niya napasok sa loob ng room ko ang box eh buong araw ko siyang kasama. Ikaw pala. So.. Para saan ba ang lahat ng 'to? And why is everyone congratulating me?"
"You'll know the answer later Ma'am Shane." Sagot ni Christian saka siya bumungisngis.
Sinamahan ako ni Christian patungo sa isang table sa gilid malapit sa stage. Maraming tao pero halos lahat sa kanila weird dahil pinagtitinginan nila ako na para bang kilala nila ako. Mabuti na lant talaga at masquerade ball 'to. Atleast hindi nila makikita ng maayos ang mukha ko.
Lumipas ang sampung minuto pero hindi ko pa rin nakita si Jed. Nagsimula na ang ball. May mga nagsasayawan na sa gitna pero ako nasa gilid pa rin at nag-iisa.
I really don't know what's going on. Jed is acting weird pati si Christian. Lumipas pa ulit ang limang minuto at wala paring Jed na nagpakita sa'kin. Kinuha ko ang cellphone ko sa purse at bumuo ng text message para kay Jed.
*She's always a woman to me intro playing*
♪She can kill with a smile, she can wound with her eyes
She can ruin your faith with her casual lies
And she only reveals what she wants you to see
She hides like a child, but she's always a woman to me♪