"Para sa'n 'to?" Tanong ni Jed sa'kin.
Pagkatapos kong bisitahin ang Mama ni Uno sa ospital, naghanda ako ng dinner sa bahay para kay Jed. Niluto ko ang paborito niyang ulam para makabawi ako sa kannya. Ang dami-dami ko na kasing utang sa kanya.
"Para sa'yo. Matagal ko anng hindi nagagawa 'to dahil sa mga nangyayari." I told him saka ako ngumiti at ngumiti naman siya pabalik.
"Baka naman may gusto ka lang hingin sa'kin?" Tanong niya.
"Gaya ng ano?"
"Gaya ng pakawalan kta? Hehe."
TUmawa ng mahina si Jed na para bang nagbibiro lang siya sa sinabi niya pero alam kong hindi. Seryoso siya doon. Nawala ang ngiti sa labi ko.
"Hindi ko hihingin 'yon Jed. Hindi ako mawawala sa'yo." I assured him.
"Paano na sila? Pano na kayo bilang isang pamilya?" Seryosong tanong niya.
"Pwede pa rin naman akong maging mabuting ina kay Chandrielle kahit na hindi kami magkasama ni Uno."
"Pero mahal mo pa siya diba?"
"Sinabi ko naman sa'yo noon Jed na ikaw ang mahal ko. Hindi kita iiwan."
"Noon 'yon Shane. Noon, sigurado akong walang makakaagaw sa'yo. Sigurado akong hindi mo ako iiwan noon pero ngayon, hindi ko na alam. Hindi na ako sigurado."
"Ipamimigay mo na ba ako? Ayaw mo na ba sa'kin? Bakit parang pakiramdam ko tinutulak mo ako papalapit kay Uno? Gusto mo na ba talaga akong mawala sa buhay mo?"
HIndi ko siya maintindihan. Sobrang bigat na ng dinadala ko. Alam ko mahirap din ang sitwasyon niya. Pero sana naman 'wag niya akong bigyan ng dahilan ng iwanan siya. Mas lalo lang gumulo ang isipan ko.
"I'm sorry Shane kung iyan ang iniisip mo. Pero ginagawa ko lang 'to para sa'yo. Alam kong mas lalo lang akong dumagdag sa iniisip mo. Mahal kita at alam mo 'yan." Hinawakan ni Jed ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa mesa. "Ayokong mag desisyon ka na gamit lang ang utak mo. Alam kong pinipili mo ako sa ngayon dahil ang isipan mo lang ang hinahayaan mong magdesisyun. Sinasantabi mo ang binubulong ng puso mo. Ayokong maging unfair sa'yo Shane. Ayokong magsisi ka sa huli. Ayokong pagsisihan mo kung sakaling ako at piliin mo ngayon at mapagtatanto mo na mali pala ang desisyon mo. Masasaktan lang tayong pareho. Pag-isipan mo ng maayos."
Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ilang balde na ang niluha ko. Pero nahihiya ako kay Jed na nagpapasalamat. Ganito talaga siya. Napaka unselfish. Lagi niya akong inuuna kahit na nasasaktan na siya sa mga pangyayari. He's a man of wisdon at tumatagos sa puso ko ang lahat ng sinasabi niya sa'kin.
"Don't cry." He told me saka siya ngumiti.
"Paano ako hindi iiyak? Nakikipaghiwalay ka na sa'kin."
"Haha. Sinong nagsabing nakikipaghiwalay ako sa'yo?" Tanong niya habang tumatawa siya.
"Ikaw."
"Hehe. Hindi ako nakikipaghiwalay sa'yo Shane. I will not let you go dahil alam kong hindi pa buo ang desisyon mo. Aaminin ko inihahanda ko ang sarili ko kung sakali mang gusto mong maging buo ang pamilya mo. Wala na akong magagawa dun. But still, umaasa ako. Umaasa pa rin ako na ako ang pipiliin mo sa huli. Hangga't suot mo ang singsing na 'yan," He told me saka niya hinawakan ang singsing na suot ko. "hinding-hindi ako makikipaghiwalay sa'yo."
Tumayo si Jed saka niya ako niyakap. Nakabalot lang ang mga braso ko sa bewang niya saka niya hinalikan ang ulo ko.
Jed is right. He's always right. Mula pa nung nagsama kami sa New York, siya na ang nagbigay ng payo sa'kin. Siya ang gumabay sa'kin. Hindi ako dapat magmadali. Kailangang kong i-balanse ang dinidikta ng puso at isipan ko.