Chapter 12: Lost

38K 589 38
                                    

*riiing* *riiing*

"Hello Jed?"

(Shane. I'm sorry talaga. Nasabi ko na sa'yo na susunduin na kita bukas pero baka sa susunod na araw na pa ako pwede.)

"Bakit anong nangyari?"

(May board meeting kami bukas. Emergency meeting. Ipapasundo na lang kita kay Christian.)

"Eh kasi Jed... Ano kasi.."

(Are you okay Shane?)

Gusto kong sabihin kay Jed na nadulas ako at baldado sa ngayon ang kanang kamay ko pero kung sasabihin ko sa kanya, sigurado akong dederetsyo na siya dito at baka di na siya makakaabot sa board meeting.

"I'm okay Jed. Ano lang kasi. Uhmm. Huwag mo na lang akong ipasundo kay Christian. Pipilitin ko na lang na matapos ito ng maaga para makauwi na agad ako."

(I promise as soon as maayos na ang lahat dito sa opisina susunduin kita. Ako mismo ang susundo sa'yo.)

-HGHM-

Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame. Akala ko makakauwi na ako bukas pero hindi pa rin pala. Makakasama ko pa ng ilang araw si Uno. 

Unang araw ko pa lang na kasama si Uno ang dami nang nangyari. 

"Hayy!" 

Napabuntong hininga na lang ako hanggang sa hinintay kong makatulog ako. Bukas, bagong araw na naman at sana naman talaga wala nang masamang mangyari kundi mababaliw na talaga ako.

-HGHM-

Nagising akong maaga para makapaghanda. Naligo na ako at nagbihis. Nahirapan ako. Sobrang hirap pero wala na rin naman kasi akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko. Sinigurado ko na lang na hindi ko na masasaktan pa muli ang sarili ko.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko, bumaba na ako para makapag almusal. Naka-upo naman doon si Uno at kumakain na.

"Good morning Shane. Kamusta tulog mo?" He asked me habang nakangiti siya. 

Iyong ngiti niya na hindi maalis-alis sa isipan ko sa apat na taong magkahiwalay kami.

Dumeretso na ako sa upuan ko saka ko kinain iyong pancake na niluto ng care taker.

"Masarap ba?" Tanong ulit ni Uno habang pinagpapatuloy niya iyong pagkain niya.

"Masarap noh?" Tanong ulit niya dahil hindi ako umimik.

"Ako nagluto niyan para sa'yo."

Muntik ko nang malabas ang nasubo kong pancake pagkatapos sabihin iyon ni Uno. Tinignan ko siya sa mga mata niya pero nakangiti pa rin siya na para bang amaze na amaze siya sa ginawa niya.

"Dumating dito iyong care taker pero nakapagluto na ako kaya pinaalis ko na lang. Pupuntahan nga sana kita sa kwarto mo dahil nag-aalala ako sa'yo. Alam ko kasing mahihirapan ka sa paligo at pagbihis mo pero naisip ko na huwag na. Syempre hindi naman tayo mag boyfriend at girlfriend kaya bawal na akong tulungan ka pagdating sa aspect na iyan. Manyak na talaga ang magiging labas ko." Pagpapaliwanag ni Uno.

"What are you trying to imply?" I asked him.

"Uhmm. Wala naman. Ang gusto ko lang sabihin, concern ako sa'yo."

"Well, I don't need your concern. And please, don't act like we are friends because we are not. Don't be so casual with me. Maghanda ka na dahil aalis na tayo after thirty minutes." Sabi ko sa kanya saka ako tumayo at dumeretso sa taas.

Hindi pa rin nagbabago si Uno. Ganun pa rin siya. Makulit. Pero sa ginagawa niya, nahihirapan akong magpanggap sa nararamdaman ko.

Lumipas na ang kalahating oras at lumabas na ako ng kwarto kasama ang gamit ko. Nakita ko naman agad si Uno sa na nakatayo at nakasanda sa may hagdanana. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko habang hawak-hawak ng kaliwang kamay ko ang hangle ng maleta ko at nakasabit naman sa balikat ko ang sling bag.

"Let me help you. This is not consider as being friendly Miss Luciano. Tinutulungan lang kita." Sambit niya saka niya kinuha mula sa'kin ang pink na maleta ko at nauna nang bumaba sa hagdanan.

Nakasunod lang ako kay Uno at hindi na umimik pa.

Parang binalutan ni Elsa ng yelo ang buong kotse ni Uno dahil wala ni isa sa amin ang nagsalita. Siya rin hindi na nangulit. Kinuha ko na lang iyong cellphone ko at nakinig ng music gamit ang earphone.

Apat na oras ang byahe. Pagdating namin sa lugar. Almost 3 pm na. Nag lunch na kami ni Uno sa restaurant na dinaanan namin at wala pa ring nagsasalita sa amin. Total strangers ang turingan namin sa isa't-isa. Ito iyong gusto kong treatment niya sa'kin pero mas lalo akong na aw-awkward.

"Magpahinga na muna tayo. Bukas na lang natin tignan iyong site." Sambit ni Uno pagkatapos naming makarating sa rest house.

"Hindi na. Kailangan ngayon na. Wala na kasi tayong oras eh. At kailangan kong maka-uwi na bukas ng gabi o di kaya sa susunod na araw." I told him.

"Miss Luciano. Sa pagkaka-alala ko. Isang linggo ang trip natin sa tatlong sites. Kaya may karapatan akong magpahinga kahit papaano." 

"Alam mo naman na mahirap ang sitwasyon ko dahil sa aksidente. Kaya please, kung pwede lang sana." Pakiusap ko sa kanya.

Wala na ring ibang nagawa si Uno kundi ang tumango. Pinasok lang niya ang mga bagahe namin at nagpahinga ng limang minuto para makainom ng tubig at makahinga ng konti. Pagkatapos non, bumalik ulit kami sa kotse para bumyahe ng sampung minuto patungo sa site.

"Unlike the previous site na pinakita ko sa'yo. Mas maliit ito ng five hectares. Walang dagat dahil nasa gitna tayo ng kagubatan. Pwede niyo namang i-chop down ang mga puno dito para makapagtayo ng resort. If you want a resort with hot and cold springs na hindi man made. You can choose this site over the previous site na pinuntahan natin."

"Saan ba nanggaling ang tubig?" Tanong ni Uno.

"Jed told me na may spring daw malapit dito. Hanapin natin." I suggested.

"Are you sure? Pwede namang bukas na natin hanapin para makapagpahinga ka ngayon." Sambit ni Uno.

"It's okay. Mas mabuti kung ngayon na."

Naglakad kami ni Uno sa gitna ng kakahuyan para hanapin ang spring na sinabi ni Jed sa'kin. Pinakita ni Jed sa'kin ang map and based on my memory and our location, malapit lang dito ang spring.

Labing-limang minuto na kaming naglalakad ni Uno pero hindi ko pa rin mahanap ang spring.

"I know it's somewhere here. Hanapin pa natin." I said.

Nauna na akong naglakad habang nasa likod ko naman si Uno. Hindi ako tumigil sa paglalakad para mahanap na namin agad ang spring at nang makabalik na kami sa rest house. Gusto ko na talagang umuwi sa bahay ko dahil mas nagiging awkward pa kami ni Uno habang lumilipas ang oras.

Kalahating oras pa ang dumaan at napagod na ako sa kakalakad at kakahanap sa spring.

"Why don't we rest for a while? Medyo masakit na ang binti ko." sambit ko kay Uno.

Naupo ako sa malaking bato malapit sa'kin. Pero nagulat nalang ako nang hindi ko na makita si Uno.

"Uno?" Sigaw ko.

"If this is your way para mapansin kita, lumabas ka na sa pinagtataguan mo. This is not a good joke!" I exclaimed. 

Lumipas pa ang limang minuto at hindi pa rin lumalabas si Uno.

"UNO? NASAN KA?"

"UNO!!!!"

-------------------

AN: Ano na kayang mangyayari kay Shane? Hahahahaha. Another bad luck. Anyway sa mga gusto ng dedication. Comment lang ha. ;) add me on fb: loveorhatethisgurl wp. chikahan tayo doon :)))))

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon