Chapter 19: Jed's Note

35.3K 565 50
                                    

Pagkatapos kong magpahinga ng dalawang oras. Nag ayos na ako ng sarili saka ako kumatok sa room ni Jed.

*tok* *tok*

Nakailang katok rin ako bago sumagot si Jed.

"Come in." Sabi ni Jed pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto. Nakalock kasi ang room kaya hindi ako makapasok agad-agad.

"Bakit antagal mo? Nakatulog ka ba?" I asked him saka ako naglakad papasok sa room niya.

"Yup pero kanina pa ako nagising."

"Bakit antagal mong sumagot?"

Naupo ako sa kama ni Jed. Nilibot ko ang mga mata ko sa buong room. Maganda naman ang interior design. Halos katulad din ng room ko kaya lang kitang kita ang dagat sa bintana ng room ko.

"May inasikaso lang kasi ako."

"Okay. Mukhang busy ka nga sa mga inasikaso mo. You know what? I feel something odd about you Jed. Right now, I want to ask you kung anong inaasikaso mo but it looks like you want to hide it from me. Or is it just me?" I asked him na may pagdududa sa mga mata ko.

"It's just you. I'm not hiding anything from you. Mabuti pa lumabas na tayo dahil any minute from now aalis na ang cruise. We should now start creating memories." He suggested.

"You're right. Pero bago tayo lumabas baka pwedeng mag ayos ka muna." I suggested. Okay naman ang suot niya. Naka shorts at naka sando kaya lagn halatang halata na bagong gising niya. At ang buhok pa ni Jed, ang gulo. The strands of his hair are randomly standing and it looks weird.

"Hahaha. Maliligo na lang siguro muna ako."

"Magbihis ka na lang at magsuklay. Maliligo rin naman tayo  mamaya sa pool eh." I told him.

"Hahaha. I know you're excited Shane but I really have to take a shower first."

"Okay. Hihintayin kita. Manonood na lang muna akong TV."

Kinuha ko ang remote control ng TV na nakapatong sa bedside table saka ko pinindot ang power button.

Nakaupo lang ako sa gitna ng kama ni Jed habang yakap-yakap ko ang isang unan niya at nakatutuok sa pianpanood kong Tom and Jerry.

Si Jed naman, nasa paligid lang at nag aayos. Hindi nagtagal pumasok na rin siya sa banyo para maligo.

Tawa lang ako ng tawa habang nanonood akong Tom and Jerry. Their jokes are old school na pero nakakatawa pa rin eh. Kahit ang tanda tanda ko na natatawa pa rin ako.

Lumipas ang halos kalahating oras at lumabas na rin si Jed mula sa banyo. Topless at tanging white towel lang na naka cover sa ibabang parte ng katawan niya.

Bigla na lang akong napalunok pagkatapos ko siyang makita sa ganung sitwasyon. May hawak-hawak siyang maliit na white towel na ginamit niyang pampahid sa basang buhok niya.

Abs. Abs. Abs.

Pandesal. Pandesal. Pandesal.

 I was literally drooling after I saw him half naked. Sino ba naman kasi ang hindi? Ang gwapo ni Jed. Ang tangkad. At ang hot pa. Siya na talaga. At ako na talaga. Ako na ang swerte. Shunga na talaga ako kung pakakawalan ko pa ang lalaking nasa harap ko.

"You're drooling!" He said.

Bigla kong tinakpan ang bibig ko dahil baka tutulo na talaga ang laway ko any minute from now.

"Hahaha." He laughed after seeing the expression on my face.

"I'll just go out for a while so you can get dress." I said saka ako dahan-dahang bumaba ng kama. I really want to go outside the room now dahil baka mahimatay ako or worse, baka ma rape ko pa si Jed nang wala sa oras.

"No need Shane. Pwede namang sa banyo ako magbihis. Kukunin ko lang ang damit ko. Pero nakakatawa ka talaga. Kitang kita ko sa mga mata mo ang pagnanasa mo sa'kin." He stated saka siya pumili ng damit na maisusuot. 

"Kapal mo!" I exclaimed.

"Hahaha. I am just stating the fact Shane. Buti na lang talaga at mahal kita dahil kung hindi, kanina pa ako tumakbo papalayo sa'yo. Para kasing gusto mo akong atakihin para ma rape. Hahah."

"Kapal talaga!"

Tumawa lang si Jed nang tumawa hanggang sa nakapasok na siya ng banyo para magbihis. Rinig na rinig ko pa rin ang tawa niya sa loob kaya medyo napikon ako.

While ako naman, nakatunganga pa rin. Nakatunganga pa rin. Tulala sa nakita kong mga pandesal. Ulam na ulam na. 

-HGHM-

Pagkatapos ng mainit na sitwasyon namin kanina ni Jed, nakalabas na rin kami ng room para makapaghangin. 

"Kanina pa pala umalis ang cruise? Bakit hindi ko naramdaman kanina na umaandar na tayo?" Tanong ko kay Jed habang hawak kamay naming nilibot ang buong cruise.

"Titig ka kasi sa'kin kanina kaya wala ka nang ibang naramdaman kundi iyang pagmamahal mo sa'kin. Haha." He jokingly said.

 "Ang kapal mo talaga. Natulala lang ako saglit dahil ano. Dahil medyo nahilo ako. Iyon lang iyon. Huwag kang assuming!"

Pagkatapos naming libutin ni Jed ang buong cruise, tumambay kami sa bar para uminom ng konti.

"What are your plans tonight?" Tanong ni Jed sa'kin.

"Nothing really. Ano bang mga activities sa cruise na'to? Wala kasi akong idea. How about night swimming?" 

"That would be good. I heard my ball daw mamaya. Want us to join?"

"Ball? Maybe we'll pass. Hindi ako nakapag dala ng evening gown. I did not expect na pupunta tayo sa isang cruise trip. Kung sinabi mo lang sana sa'kin ahead nakapaghanda sana ako. But anyway, night swimming na lang tayo later. For sure wala masyadong tao dahil pupunta sila ng ball. And if we get lucky, baka tayo lang ang gagamit ng pool mamaya. Hehe."

"Sounds great then. Night swimming later."

-HGHM-

"I'll see you at 7 pm?" Tanong ni Jed sa'kin.

"Okay. See you later." I answered him saka ako pumasok sa room ko.

Six pm pa lang at may isa pa akong oras para magprepare sa night swimming namin ni Jed. Naisipan kong umidlip na muna saglit para magka energy ako sa pagsiswimming mamaya ng bigla ko nalang nakita sa gitna ng kama ko ang isang malaking kahon.

Binuksan ko ito saka ko nakita ang isang red dress. Napaka simple lang nito pero ang ganda. Dinikit ko agad ito sa katawan ko at humarap sa salamin.

"Kay Jed ba galing 'to?" I asked my self.

Pero magkasama kami buong maghapon kanina. 

Tinignan ko ulit ang kahon saka ko nakita ang isang note.

See you 7 pm at the ball. I want to give you the most memorable night you will never ever forget for the rest of your life. I love you. -Jed

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon