"Sigurado ka bang hindi ka na magpapasama?" Tanong ni Jed sa'kin habang nasa kotse kami. Kararating lang namin sa shop kung saan kami magkikita ni Uno at ni baby Chan.
"Sigurado ako. Saglit lang naman kami. Kakausapin ko lang ng maayos si baby Chan para hindi na siya magtampo. Pagkatapos ng lahat ng 'to, tapos na. Hinding-hindi na kami magkikita pa ni Uno at ni baby Chan. Kakalimutan ko na sila. Mag fo-focus na lang ako sa'yo at sa paghahanap kay Benjie." I told him saka ko siya niyakap ng mahigpit.
"Ingat ka."
"Ikaw rin. I'll see you later."
Pagbaba ko ng kotse ni Jed, pumasok na ako sa shop kung saan ko sila hihintayin pero nagulat ako nang biglang tumakbo si baby Chan sa'kin saka niya niyakap ang mga hita ko.
"Tita Shane!!!"
"Hi Chandrielle! Kanina ka pa ba naghihintay?" Tanong ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niya saka kami naglakad patungo sa table kung nasaan si Uno.
"Kanina pa siya excited na makita ka kaya nagmamadali kami dito." Uno stated saka siya ngumiti. I did not bother to smile back to him.
"Why did you left suddenly the other day Tita? I thought I was going to sleep at your place." Sabi ni baby Chan.
"I'm sorry Chandrielle. Something urgent came up that day so I wasn't able to wait until you woke up. I'm really sorry about that." Paghihihingi ko ng despensa sa kanya. "But I'll make it up to you. Here's my peace offering."
Kinuha ko mula sa bag ko ang isang marshmallow na hugis disney princess na binili namin ni Jed bago kami tumungo dito
"Cinderella! She's my favorite disney princess. Thank you Tita Shane. Can we have sleepover at your place?" Tanong niya sa'kin.
"Hehe. I really love that Chandrielle but we can't."
"Baby. Tita Shane is very busy right now." Pagpapaliwanag ni Uno kay baby Chan.
"How about next time Tita Shane?" She asked me. Napaka cute niya. Nag uumapaw sa ka cutan ang bata kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango. Napasubo na naman ako. Mabuti na lang at wala talagang exact date ang next time.
Nilibre ko sila ng ice cream na paboritong kainin ni baby Chan habang nagkukwentuhan kami. Kung anu-ano na lang ang dinadaldal ng bata. Born talker talaga. Ang daldal sobra.
"Daddy Uno told me that we will buy another gold fish later." Sabi ni baby Chan.
Mula sa topic na ice cream, napadpad na kami sa pet gold fish niya na kinain daw ng pusa ng kapitbahay nila.
"Iyak kasi ng iyak kanina kaya sinabihan ko na lang na bibili kami ng bago. Nong una ayaw niya dahil iba daw talaga yung gold fish niya pero buti na lang napapayag ko sa huli." Pagpapaliwanag ni Uno.
"Chandrielle!"
Bigla kaming napalingon sa batang tumawag kay baby Chan.
"Lana!" Sigaw naman ni Chandrielle sa kanya. "Daddy, I'll be back." Paalam ni Uno saka siya tumakbo patungo kay Lana.
"Sino 'yun?" Tanong ko kay Uno.
"Si Lana. Classmate at bestfriend niya. Halos hindi mapaghiwalay ang dalawang 'yan sa school."
"I see."
Pagkatapos nang sinabi ko, hindi na kami muling nag-usap ni Uno. Dead air. Awkward. Hindi ko alam kung anong itatanong ko sa kanya para gumaan naman ang environment kahit papano. Tinignan ko lang si Chandrielle na nakikipag-usap sa bestfriend niya. Nagtatawanan silang dalawa. Sana lang talaga bumalik na agad si baby Chan para naman makapagpaalam na ako.
"Alam ko magagalit ka.." Pagsisimula ni Uno kaya bumalik sa kanya ang atensyon ko. "Pero gusto ko lang talagang malaman. Hindi ako mapakali Shane. Anong dahilan mo at nagsinungalang ka sa'kin? Alam ko na ang totoo. Alam ko na ang lahat."
"Bumalik na ba ang ala-ala mo?" Casual na tanong ko sa kanya habang sinusubukan kong pigilan ang kaba ko.
"Hindi. Hindi pa. Hindi ko nga alam kung babalik pa lahat ng alaala ko. Pero alam ko na rin naman ang lahat. Sinabi na ni Mama sa'kin ang totoo. Magkakilala tayo dati pa. Hindi lang magkakilala. May relasyon tayo dati. Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang totoo Shane? Bakit mo tinago sa'kin?" Seryosong tanong niya sa'kin.
Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na meron ako saka ko siya sinagot. Panahon na rin para malaman niya ang lahat. Bahala na talaga si batman.
"Wala rin namang magbabago kung sasabihin ko sa'yo ang totoo Uno. Maguguluhan ka lang. Mas lalo lang gugulo ang lahat. Isa pa, masaya naman tayo sa kung anong meron tayo ngayon diba?"
"Tama ka. Maguguluhan lang ako kung nalaman ko agad ang totoo. Mas lalo lang magiging komplikado ang lahat. Pero hindi ako masaya. Kahit na nong hindi pa kita nakikita pagkatapos kong makalimutan ang nakaraan ko, pakiramdam ko may kulang pa rin. Andiyan si Queeny, andiyan si baby Chan pero parang hindi pa rin sapat ang lahat. Saka ko lang napagtanto na ikaw pala ang kulang Shane. Pero hindi ko na mapipilit sa'yo na balikan mo ako dahil nakikita kong masaya kana kay kay Jed."
Tumahimik lang ako pagkatapos sabihin 'yun ni Uno. Masaya ako kay Jed. Oo. Pero gaya ng nararamdaman niya, parang may kulang pa rin sa pagkatao ko. Sana lang talaga, mapunan ang puwang sa pagkatao ko kapag nakita ko na si Benjie.
"Si Chandrielle.. Alam mo na rin ba ang totoo sa kanya?" Tanong ko kay Uno at tumango naman siya.
"Sinabi na ni Mama sa'kin. Nakita lang natin siya dati sa tapat ng bahay namin. Pero hindi pa niya alam ang totoo. Masyado pa siyang bata para maintindihan niya ang lahat."
"Pagkatapos bang ikwento ng Mama mo ang nakaraan mo wala ka bang naalala? Diba sa mga TV pag may something na nakakapag remind sa kanila medyo nakakaalala na sila?" Tanong ko sa kanya dahil gusto ko nang sabihin kay Uno na may anak kami. At buhay ito. Ang kailangan lang naming gawin ay hanapin si Benjie. Pero natatakot akong sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kaya mas makakabuting maalala niya na may nangyari sa amin dati.
"Gabi-gabi sumasakit ang ulo ko. May nagfa-flashback sa isipan ko pero hindi pa buo. May kulang. Nasa kotse ako, naaksidente ako. May bumanggang malaking truck sa'kin. Pero may kasama ako. Pero hindi ko alam kung sino."
Nakita kong nahihirapan si Uno. Gustong-gusto ko nang sabihin sa kanya ang lahat pero sa tingin ko hindi pa tama ang oras. Nakahawak lang ako sa pendant ng kwintas ko habang nag-iisip ako kung ano ang tamang gagawin ko.
"Kamusta na pala kayo ni Queeny?" Tanong ko sa kanya.
"Naghiwalay na kami Shane. Last week pa."
--------------------------
AN: Ngayon alam na ni Uno ang lahat. Pero may sekreto pa kayang nalalaman ang Mama ni Uno na hindi niya sinabi sa anak niya? Abangan!!!!
Nasabi ko naman po sa inyo na gagawa akong story ni Chandrielle. Pero talagang excited na ako hindi na ako makahintay na matapos 'to kaya pinost ko na. Hahahaha. Here's the link
http://www.wattpad.com/54338705-that-bad-boy-prologue?d=ud
Or you can click the link button at the right side or search niyo na lang. That Bad Boy.
Sana po suportahan natin gaya ng pagsupport natin sa story ni Uno at Shane. Love love love <3