Chapter 40: Unexpected

32.1K 630 51
                                    

Hindi ako nakatulog ng maayos kinagabihan dahil sa kakaisip ko kay Jed. Mawawala na ba talaga siya sa’kin ngayon?

Nakahiga lang ako sa kama ko at nag-iisip pa rin ng malalim. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Importante sa’kin si Chandrielle. Hindi ko siya pwedeng iwan ngayon pero..hindi ko rin pwedeng pabayaan na lang si Jed.

“I can’t let him go. Not without telling him what he really means to me.” Sambit ko sa sarili ko.

Akala ko matagal pa bago maging buo ang desisyon ko pero hindi pala. Pagkatapos sabihin ni Jed sa’kin kagabi na aalis na siya, napagtanto ko na hindi ko dapat siya pakawalan ng basta-bsta lang. I’ve made my decision.

Bumango ako sa kama ko saka ko kinuha ang cellphone ko para tawagan si Jed. Kailangan ko siyang makausap. I need to tell him my decision bag osiya umalis. Nakailang tawad na ako kay Jed pero hindi ko siya macontact.

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.

“Hindi kaya nasa eroplano na siya?”

Tinawagan ko ang secretary ni Jed para itanong kung kalian ang flight ni Jed. Dahil sa sobrang bigat nang pakiramdam ko kagabi, hindi na ako nakapag-isip ng maayos kaya nakalimutan kong itanong sa kanya ang oras ng flight niya.

(Hello Ma’am Shane?)

“Den. I’m sorry sa abala. Alam mob a kung anong oras ang flight ni Jed?”

(Yes po Ma’am. Ako po ang nag book ng ticket niya nung isang araw. Mamayang 11AM po.)

Tinignan ko ang oras. Alas otso na ng umaga. Tatlong oras na lang bago ang flight ni Jed. Sigurado akong nasa airport na siya ngyaon. Makakahabol pa kaya ako?

“Pwede mo ba akong i-book ng ticket ngayon Den”

(Sige po Ma’am.)

“Salamat Den. Dadaanan ko na lang sa office ang ticket.”

(Huwag nap o Ma’am. Day off ko rin po kasi ngayon. Magkita na lang po tayo sa labas ng airport.)

“Sige Den. Thank you.”

Naligo na agad ako para makahabol sa flight ni Jed. Sana talaga kakayanin. Tatlong minuto lang ang tinagal ko sa banyo saka ako nagbihis at naglagay ng make-up. Hindi na rin ako nag-ayos pa ng gamit na dadalhin dahil may mga damit pa akong naiwan sa bahay ko sa New York. Sinigurado ko lagn ang passport at ID ko saka ako lumabas ng bahay. Malapit na mag alas nuebe nang makapara ako ng taxi.

“Manong airport po. Pakibilisan na lang po.”

“Sige po Ma’am.”

Hindi nagtagal tumawag na rin si Den sa’kin.

“Den? Nakapag book ka na?”

(Opo Ma’am pero mamayang 1:00 PM pa po ang flight. Wala na po kasing available na seat sa flight ni Sir.)

“Salamat Den. Papunta na akong airport.”

Pagkatapos kong makausap si Den, tinawagan ko si Uno para sabihin sa kanya na aalis ako papuntang New York. Nakailang tawag na ako kay Uno pero walang sumasagot sa cellphone niya.

Naisip kong tawagan na lang ang Mama niya. Huminga muna ako ng malalim dahil kahit na nagkapatawaran na kami, hindi ko pa rin maitatanggi na naiilang pa ako sa kanya.

*riing* *riing*

(Hello Shane? Napatawag ka?)

“Pasensya na po Ma’am-”

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon