Chapter 43: Donor

30K 602 60
                                    

“bad news po dahil wala po sa inyo ang compatible donor sa pasyente.”

“Bakit po?” Tanong ni Tita sa doctor.

“Sa totoo po Ma’am match kayo ng anak niyo. Pero hindi namin pwedeng gawin ang transplant dahil sa heart disease niyo.”

“Paano po ako doc?” Tanong ko sa doctor habang nakahawak ako sa kamay ni Tita.

“Match ang bloodtype ninyo ng pasyente pero masyadong malayo ang resulta ng tissue typing sa pagitan ninyong dalawa ng pasyente.”

“Ano po ang ibig niyong sabihin?”

“Sa tissue typing, sinisigurado natin na ang tissue ng donor ay similar as possible sa tissue ng recipient. Kailangan kasi nating maiwasan ang rejection ng katawan ng pasyente pagkatapos ng transplant. Huwag po kayong mag-alala dahil baka makahanap pa tayo ng ibang donor. Excuse me.”

Wala nang ibang nagawa si Tita kundi ang umiyak ng umiyak.

“Tita.. tahan na po. Kailangan niyong magpakatatag.” Sambit ko sa kanya.

Hindi ako umiyak. Kailangan kong maging matatag. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa’min ni Tita kung kaming dalawa ang magiging mahina.

-HGHM-

“Christian!” Bulalas ko pagkatapos ko siyang makita sa labas ng room ni Jed. Pabalik na naglalakad na para bang hindi mapakali.

“Ma’am Shane!”

“Anong problema?”

“Wala po. Hindi lang po kasi ako mapakali. Dumating na po ang mga magulang ni Sir Jed.”

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko pagkatapos kong marinig yun mula kay Christian.

“Nasa loob ba sila?”

Tumango lang si Christian saka siya nagsalita. “Pwede na pong bisitahin si Sir Jed.”

Gusto kong pumasok sa loob para kamustahin si Jed pero naisip kong bigyan na muna sila ng oras ng pamilya niya.

Gaya nang ginawa ni Christian, pabalik-balik din ako sa paglalakad habang hinihintay ko silang matapos sa pag-uusap.

“Sa tingin mo kaya tapos na silang mag-usap?” Tanong ko kay Christian pagkatapos lumipas ang kalahating oras.

“Hindi ko po alam Ma’am. Pero pumasok na lang ho kayo. Hindi naman po bawal pumasok.”

Naupo ako sa bench para magpahinga ng konti.

“Sa tingin mo ba dapat akong pumasok?” Tanong ko ulit.

“Opo Ma’am.”

Tumayo na ako saka ko tinungo ang pinto ng room ni Jed. Nakahawak na ako sa door knob ng pinto nang bigla itong gumalaw mula sa loob.

“Shane! Ikaw pala.” Bulalas ni Tita sa’kin pagkatapos niyang buksan ang pinto.

“Tita!”

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko siyang yakapin pero baka ayaw niya. Hindi ko kasi mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.

Galit kaya siya?

Malamang galit nga siya. Ako naman kasi ang may kasalanan ng lahat.

“Gusto ko po sana kayong makausap.” Sambit ko sa kanya.

“Mamaya na lang tayo mag-usap. Pumasok ka muna sa loob. Hinahanap ka ni Jed.” Mahinang sambit nito. Tumango lang ako.

Lumabas na si Tita ng pinto at sumunod din naman si Tito. Ni hindi man lang ako tinignan ni Tito sa mga mata ko. Iniiwasan niya ako.

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon