"Naghiwalay na kami Shane. Last week pa."
Hindi ko man gustong maramdaman, nagui-guilty ako. Parang pakiramdam ko inagawan ko si Queeny ng mga taong mahal niya kahit na hindi naman talaga.
"Hindi ikaw ang dahilan. Huwag kang mag-alala. At hindi na rin kita kukulitin. Gaya ng sinabi mo, huling beses na'to. Pagkatapos nito, hindi na ako mang gugulo Shane." Pagpapaalala ni Uno sa'kin.
"Thank you Uno."
"Uno.. Kung sakaling bumalik na lahat ng ala-ala mo. Tawagan mo ako. May importante lang akong sasabihin sa'yo."
Binigyan niya ako ng 'confused look'.
"Bakit hindi pa ngayon Shane?" Naguguluhang tanong niya.
"Dahil hindi pa 'to ang tamang oras. Hindi ka pa handa. At hindi pa rin ako handa. Malalaman mo rin naman sa tamang panahon."
"Paano kung hindi na babalik ang ala-ala ko? Hindi ko na ba malalaman ang sasabihin mo?"
Napaisip ako. Posible kayang hindi na maalala ni Uno ang lahat? Pero sigurado akong hindi pa tamang oras ngayon. Magulo na ang lahat. At mas lalo lang gugulo kung aaminin ko sa kanya na may anak kami.
"Sigurado akong may tamang panahon Uno. Kailangan lang nating hintayin 'yun."
"Daddy! Tita Shane! I'm back!" Sigaw ni baby Chan pagkatapos niyang makabalik sa'min.
"Did you enjoy your talk with Lana?" Tanong ni Uno sa kanya.
"Yeah. She asked me to watch a movie at their house next weekend. Is that okay?"
"Of course."
"Can we call Mommy? I miss her so much already. When is she coming home?" Tanong ni baby Chan.
By the looks of the situation, hindi pa niya alam ang nangyayaring paghihiwalay ni Uno at ni Queeny. Naaawa ako sa bata. Sigurado akong maaapektuhan siya ng husto. Sana talaga maayos pa nila Uno at Queeny ang relasyon nila.
"I think I have to go." sambit ko.
Nilapitan ko si baby Chan saka ko siya niyakap ng mahigpit.
"Take care of yourself. And learn how to speak tagalog. Hehehe." Sambit ko sa kanya.
"I know a little tagalog Tita Shane. Paalam po. Ingat po." Sagot naman niya habang nagyayakapan pa rin kami.
"Hahaha. Matalino ka."
Niyakap ko pa siya ng ilang segundo dahil baka ito na ang huling pagkikita namin. I have to focus on my problems. Ayokong ma distract. Ayokong ma sway ang nararamdaman ko. At malaking factor sila ni Uno dahil pareho silang malapit sa puso ko. Pareho silang may puwang sa puso ko at hinding-hindi yun mabubura nang kahit na sino man. Pero sila rin ang kahinaan ko kaya kailangan ko nang lumayo.
"Take care okay? It was really nice seeing you again Chandrielle."
"We're still going to see each other again right Tita Shane?" Tanong ni baby Chan sa'kin pagkatapos ko siyang yakapin.
"Yeah." Matipid na sagot ko habang nakahawak ako sa magkabilang pisngi niya.
Tumayo na ako saka ko ginulo ang buhok niya. Parang ang bigat sa pakiramdam na magpaalam sa kanya pero kailangan kong gawin.
"I'll go ahead." Paalam ko kay Uno. "See you when I see you."
Tumango lang siya without saying a single word.
"Take care too Tita Shane. Don't forget me." Sambit ni baby Chan.
Binigyan ko lang siya ng isang matamis na ngiti saka ako tumalikod sa kanilang dalawa. Naglakad ako patungo sa exit ng shop na may mabibigat na mga hakbang. Hanggang sa nabangga ko ang isang waiter na kaka serve lang ng ice cream sa customer.
"I'm sorry. I'm sorry." Sambit ko.
"I'm sorry Ma'am. I'm sorry po. Okay lang po ba kayo? Hindi po ba kayo nasakatan?"
"Hindi naman. I'm sorry talaga. It was my fault. Hindi ko tinignan ang dinadaanan ko."
Dumeretso na ako sa labas ng shop saka ako pumara ng taxi. Hindi ko na sila nilingon pa simula nang tumalikod ako. Baka magbago pa ang isipan ko pag nakita ko ang mukha ni baby Chan.
-HGHM-
"Anong nangyari sa pagkikita niyo kanina?" Tanong ni Jed sa'kin habang kumakain kami ng dinner sa bahay ko.
Dahil ang dami ko nang utang na oras at atensyon sa kanya, napagisipan kong bumawi. Pinagluto ko si Jed ng paborito niyang adobong manok.
"Nagpaalam lang ako ng maayos sa bata para hindi na magtampo. Nakapag-usap rin kami ng konti ni Uno. Naghiwalay na raw sila ni Queeny."
Tinignan ko ang reaksyon ni Jed. Hindi naman dahil sa wala akong tiwala sa kanya pero gusto ko lang malaman kung ano ang magiging reaksyon niya.
"Ayoko na sanang sabihin sa'yo 'to dahil hindi naman importante pero since napag-usapan na rin natin." Pagsisimula niya. "Nagkita kami ni Queeny nong isang araw. Nasabi niya sa'kin na naghiwalay na sila ni Uno."
Biglang akong nakaramdam ng konting kaba. Konting takot dahil baka kunin niya si Jed sa'kin. Baka bumalik ang nararamdaman ni Jed sa kanya at baka maiwan ako sa ere.
"May nangyari ba?" Tanong ko sa kanya. "Gusto ka pa rin ba ni Queeny?"
"Hahah. Relax Shane. Nagseselos ka ba? Haha. Minsan lang kitang nakikitang nagseselos at masarap rin pala sa pakiramdam kahit papano dahil alam kong secured ako."
Tumawa lang si Jed pero hindi pa talaga niya sinagot ang tanong ko kaya tinanong ko ulit siya.
"Gusto ka pa rin ni Queeny?"
"Hindi na. Gusto lang niya nang makakausap non. Mahal niya talaga si Uno gaya ng pagmamahal ko sa'yo. Pero nagseselos ka talaga? Hehehe."
"Hindi ako nagseselos noh." Sambit ko.
"Ibig sabihin hindi mo ako mahal?" Seryosong tanong ni Jed.
Bigla na lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Mahal kita Jed. Pagkatapos kong marinig sa'yo na nagkita kayo ni Queeny bigla akong natakot. Dahil baka bumalik ka sa kanya lalo na ngayon at wala na sila ni Uno. Natatakot ako dahil baka iwanan mo ako."
Tumayo si Jed sa kinauupuan niya saka siya lumapit sa'kin. Lumuhod siya sa harapan ko saka niya hinawakan ang dalawang kamay ko.
"That will never happen Shane. I promise you that. Hinding-hindi tayo maghihiwalay. I will not let you go. Pwera na lang kung ikaw ang mang-iiwan. Natatakot rin akong mawala ka sa'kin. Ayokong isipin na posibleng mangyari 'yun. Pero kung sakali man.." He paused for a while to let out a sign. "Kung sakali mang mangyari 'yun. I don't have a choice but to let go of your hand."
-HGHM-
I don't have a choice but to let go of your hand.
I don't have a choice but to let go of your hand.
I don't have a choice but to let go of your hand.
Ilang beses umulit-ulit sa isipan ko ang sinabi ni Jed kanina. Bigla akong natakot sa maaring kong gawin. Posible kayang mangyari 'yun? Posible kayang iwanan ko si Jed?
"Shane, hindi mo dapat gawin 'yun. At hindi dapat mangyari 'yun. You have to focus yourself on Jed. Si Jed lang. Si Jed lang."
And then biglang bumalik sa isipan ko ang kwintas na binigay ni Uno sa'kin. It's time to let it to. Ayoko nang magkaroon ng kahit anong bagay na makakapgpaalala sa'kin sa kanila.
Tatanggalin ko na sana ang kwintas nang bigla kong maramdaman na wala na 'to sa leeg ko.
----
AN: Hahaha. Nakakainlve si Jed. Hahahaha. Malapit nang matapos. Don't forget to read Chandrielle's story. Posted na ang story niya :) hehehe Comment and vote <3