Kailangan mong makakuha ng kahit anong pwedeng gamitin natin para sa DNA test.
Paulit-ulit na bumalik sa isipan ko ang sinabi ni Jed sa'kin. Pero kailangang hindi ako magpahalata sa kanila. Hindi dapat ako mahalata ni Uno lalo na ang Mama niya.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Queeny. Kailangan kong humingi sa kanya ng pabor. Kailangan kong makita si baby Chan. Kailangan kong makahanap ng ebidensya sa hinala namin ni Jed.
(Hello?)
"Queeny? Si Shane pala 'to. Pasensya ka na. Alam ko wala kong karapatan na hingin sa'yo 'to pero may ipapakiusap sana ako."
(Ano 'yon Shane?)
"Pwede ko bang makita si Chandrielle? Kahit isang beses lang. Alam mo naman siguro na malapit ang loob ko sa kanya."
(Sige Shane. Ang totoo niyan, gusto ko ring makipagkita sa'yo. Magkita na lang tayo sa ice cream shop na pinuntahan natin dati.)
"Salamat Queeny. At kung maari sana, baka pwedeng ilihim mo muna kay Uno na magkikita kami ni Chandrielle? Lalo na sa Mama niya?"
(Makakaasa ka.)
-HGHM-
Napaaga ako sa ice cream shop ng sampung minuto dahil sa sobrang excitement. Hindi nga ako makatulog ng maayos simula nung gabing sinabi ni Jed sa'kin na maarying binigay ni Tita ang baby kay Uno. At kung tama ang hinala niya, ibig sabihin si baby Chandrielle ang nawawala kong anak. Ang anak namin ni Uno.
"Kamusta?" Tanong ni Queeny sa'kin pagdating nila ni Chandrielle sa ice cream shop.
"Mabuti naman. Ikaw?" Tanong ko sa kanya.
"Okay lang din. Say hi, to Tita Shane." Utos niya kay Chandrielle.
Agad namang lumapit si Chandrielle sa'kin at niyakap ako.
"Bakit parang wala sa mood?" Mahinang tanong ko kay Queeny.
"Umiyak 'yan kanina. Tantrums." Mahinang sagot din niya.
"I have a gift for you Chandrielle." Sabi ko sa kanya.
Pinaupo ko siya sa mga hita ko saka ko kinuha ang paper bag na nasa tabi ko.
"What's this Tita?" Tanong niya sa'kin pagkatapos kong ibigay ang paper bag.
"It's an Elsa doll. I'm sure you will like it." Sagot ko.
Binuksan niya agad ang paper bag saka niya niyakap ang Elsa na manika na binigay ko.
"Thank you Tita Shane." Sambit niya sa'kin saka niya ako niyakap ulit.
"You're welcome." Sagot ko.
"Excuse me muna!" Sabi ni Queeny saka niya pinahiran ang kanang pisngi niya.
"Umiiyak ka ba?" Tanong ko sa kanya pero hindi na niya ako sinagot. Bigla na lang siyang tumayo at dumeretso na sa comfort room.
"Is Mommy crying?" Tanong ni baby Chan sa'kin pero umiling lang ako bilang sagot ko sa kanya.
"Do you like my gift?"
Tumango lang si baby Chan.
I grabbed my opportunity habang wala si Queeny. Kinuha ko na ang suklay na nasa bag ko.
"Is it okay if I will brush your hair?" I asked her and she nodded kaya sinuklayan ko na siya. Sinigurado kong may naiwang mga hibla ng buhok sa suklay bago ko iyon pinasok sa isang sealed na plastic.
Hindi nagtagal nakabalik na rin si Queeny at tama nga ko sa hinala ko na umiyak siya.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Mag-order na tayo?"
Tumango lang ako saka bumalik si baby Chan sa tabi ni Queeny. Nag order na kami ng ice cream para kay baby Chan at cold coffee para sa amin ni Queeny.
"Sobrang namiss ko kasi siya kaya pinakiusapan kita. Salamat pala." I told her.
Four years ago, nagkilala ko si Queeny bilang fiance ni Uno. Akala ko magiging magka-away kami pero hindi pala. Naging malapit kaming magkaibigan. Pero umikot ang gulong ng palad at andito na kami ngayon, akward sa isa't-isa. Gusto ko pa rin namang makipag kaibigan sa kanya pero alam kong alam namin pareho na nahihirapan na kaming ibalik ang dating meron kami.
"No problem Shane. Gagawin ko ang lahat ng pabor na hihingin mo para naman makabawi ako sa'yo." Sagot niya.
"Hindi mo kailangang bumawi sa'kin. Gaya ng sabi ko sa'yo dati, matagal na kaming wala. Ako nga ang nagui-guilty sa'yo. Alam kong wala na kayo ni Uno pero gumawa ka pa rin ng paraan para magkita kami ni Chandrielle."
Pero tahimik lang si Queeny. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isipan niya.
"Ano pala ang sasabihin mo sa'kin?" Tanong ko sa kanya pagkatapos kong maalala ang sinabi niya habang nag-uusap kami sa cellphone.
"Tungkol sa relasyon namin ni Uno, nagkabalikan na kami Shane." Sabi niya.
Nagulat ako. Oo. Hindi ko inasahan 'yon. Pero pilit pa rin akong ngumiti para ipakita sa kanya na masaya ako.
"I'm happy for you Queeny. I wish the both of you happiness."
May kinuha siya sa bag niya saka niya inabot sa'kin ang isang pink envelope.
"Para sa'yo. Sana makapunta kayo ni Jed." Sabi niya.
Kahit hindi ko pa nabubuksan ang envelope, may kutob na ako kung ano 'yon. Ayokong buksan, pero ayoko ring ipakita kay Queeny na affected ako. Pilit kong binuksan ang envelope kahit na mabigat sa kalooban ko. At tama nga ang hula ko, invitation ang binigay niya sa'kin para sa kasal nila.
"Kailan 'to?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti ako.
"August 5. Sana makapunta kayo ni Jed. Magiging kompleto ang araw ng kasal namin kung andun kayo. May pinagsamahan din naman tayo kahit papano."
Ngumiti lang ako sa kanya sa ka ako tumango.
"Pupunta ako. Makakaasa ka." Sagot ko kahit na ayoko talagang pumunta.
Three days from now, ikakasal na sila. Dapat masaya ako. Masaya naman ako. Masaya ako.
Hindi nagtagal, dumating na ang order namin, inasikaso agad ni Queeny si Chandrielle. Sinubuan niya ito ng ice cream. Nakahawak lang ako sa ice coffee ko habang nakatitig sa kanila.
Paano kung tama kami na anak ko si Chandrielle? Paano ko mapapaliwanag sa kanya na ako ang tunay na ina niya at hindi si Queeny? Paano niya ako tatanggapin?
"Queeny. I have to go. May meeting pa pala ako. Thank you at see you sa wedding niyo. Congratulations."
Kinabit ko na ang strap ng bag ko sa balikat ko saka ako tumayo sa upuan.
"I'll see you again Chandrielle." Paalam ko sa kanya at ngumiti naman siya sa'kin at tumango.
Nakaisang hakbang na ako nang hinawakan ni Queeny ang braso ko.
"I'm sorry!"
Napapagod na akong makinig sa sorry niya at napapagod na rin akong ipaliwanag sa kanya na hindi niya kailangang gawin 'yon. Kaya hindi ko na siya pinansin at dumeretso na palabas.
---
AN: I'm sorry for the very late update. Been busy with my manuscript. Malapit na rin kasing maging book ang 300 days with my contract husband. Anyway, malapit na rin 'tong matapos. Bukaas ulit promise