Chapter 3: Losing someone

43.6K 716 51
                                    

Ilang segundo kong tinitigan ang text message na natanggap ko saka ko kinuha ang bag ko at tumayo. Dali-dali kong binuksan ang pinto sa office ko nang bigla nalang humarang si Jed sa harapan ko.

"Okay ka lang?" Tanong niya pagkatapos niyang mapansin na parang naluluha ako. "Iimbitahin sana kitang magkape pero parang... Aalis ka ba?" Tanong niya ulit pagkatapos niyang makita na may dala akong bag.

"May pupuntahan lang ako. Pinahanap ko kasi kay Christian ang location ni Tita Anji pero masama ang kutob ko." Sambit ko.

"Sasamahan na lang kita."

Habang pinagmamaneho ako ni Jed papunta sa lugar na tinext ni Christine, hindi ako mapakali sa kakaisip kung anong nangyari kay Tita. Sana hindi tama ang nakuhang impormasyon ni Christian. Sana talaga nagkamali lang siya dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling tama ang kutob ko.

Pagkatapos ng kalahating oras, nakarating na rin kami sa lugar. Pinagbuksan ako ni Jed ng pinto ng kotse at inilalayan sa pagbaba.

"Huwag na lang kaya?" Tanong ko kay Jed. "Baka kasi nagkakamali lang si Christian?"

Hinigpitan ni Jed ang paghawak sa kamay ko saka siya ngumiti.

"Andito na tayo eh. Kung hindi tama iyong binigay ni Christian na address mas mabuti. Subukan nalang natin. Wala namang mawawala." 

Malaki ang tiwala ko kay Jed. Sa apat na taon na nagkasama kami, siya ang gumabay sa'kin at lahat ng desisyong ginawa niya ikinamabuti ko. Kaya lahat na lang ng desisyun niya sinusunod ko.

Tumango lang ako saka kami naglakad ni Jed patungo sa lokasyon ni Tita Anji na binigay ni Christian.

Mahangin ang paligid, maraming puno, maraming damo, maraming pananim at marami ring puting semento na hugis kahon. Nakikita ko pa lang ang mga ito sa harapan ko na hindi na mabilang, nalulungkot ako. Parang dahan-dahang dinudurog ang puso ko ng pinong-pino dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Nasa Ma. Cristina Cemetery kami at kasulukuyang naglalakad papunta sa puntod daw ni Tita Anji. Dahan-dahang pumapasok sa isipan ko na baka tama talaga ang kutob ko na wala na si Tita. Pero sana hindi totoo. 

Nanginignig ang mga tuhod ko sa sobrang takot at kaba. Mabuti nalang talaga at kasama ko si Jed, dahil kung hindi baka kanina pa ako nahimatay dahil sa sobrang panghihina ko.

Nakailang hakbang pa kami hanggang sa nakita ko na talaga mismo sa mga mata ko ang puntod ni Tita Anji. Hindi ako makapaniwala. Ayokong maniwala, pero bigla nalang akong napaluhod sa harap habang hinahalikan ko ang lapida ni Tita Anji.

"Tita!!!!!" Sigaw ko habang hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko.

Iyak ako ng iyak. Hindi ako sigurado kung si Tita Anji ba talaga ang nasa ilalim pero masama ang pakiramdam ko. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw ng sumigaw hanggang sa mapaos at mawala na ang boses ko.

Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko ang lahat. Kung sana gumawa ako ng paraan para masama ko si Tita sa New York. Kung sana hindi lang sarili ko ang inisip ko, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.

"TITA!! I'm sorry!! Patawarin mo ako Tita!"

Niyakap lang ako ni Jed habang patuloy pa rin ako sa pagwawala sa harap ng puntod ni Tita. 

"Shane! Shane! Hindi pa naman tayo sigurado!" Kalmadong sambit ni Jed habang pinipigilan niya ang emosyon niya.

"Hindi Jed! Ramdam ko. Kasalanan ko 'to eh. Naging makasarili ako. Akala ko ikabubuti niya ang pag-alis ko pero hindi pala."

"TITA!!"

Patuloy lang ang pag-sigaw ko kahit na alam ko na kahit ubusin ko man ang boses ko, hindi na maibabalik si Tita Anji. Hindi na pwede. Hindi ko na siya makakasama pa at hindi ko na siya makikita pa.

Punong -puno ng paghihinayang ang puso ko. Punong-puno ng pagsisisi at punong-puno ng galit sa sarili ko. Kasalanan ko ang lahat ng 'to.

"Patawarin mo ako Tita Anji! Kasalanan ko ang lahat ng 'to! Kasalanan ko!"

Hindi na ako makakita ng maayos dahil basang-basa na ang mga mata ko ng mga luha ko. Kahit na anong pahid ko dito gamit ang likod ng palad ko, hindi pa rin ito natutuyo. 

"Tita!!!" 

Gusto kong saktan ang sarili ko para ilabas ang galit sa puso ko. Hindi ko na kaya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bakit lahat na lang ng taong mahalaga sa'kin nawawala? Ano bang masamang nagawa ko sa nakaraang buhay ko at ganitong parusa ang nakukuha ko?

"BAKIT? Bakit mo kinuha si Tita sa'kin? Ano bang ginawa ko sa'yo? Ano? Naging mabuti ano. Pinilit kong maging mabuti. Pinilit kong kumapit sa'yo pero bakit ito pa ang nakukuha ko sa huli?" Sigaw ko sa langit habang nakaluhod pa rin ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sa'kin to. Hindi ko maintindihan!

"Shane.. Huwag mong sisihin ang Panginoon. Alam ko mahirap. Mabigat. Masakit. Pero andito ako. Dadamayan kita. Sa ngayon hindi pa natin maintindihan kung anong iniisip Niya pero malalaman rin natin ito sa susunod. May plano Siya para sa'yo kaya huwag kang magalit Shane." 

Niyakap lang ako ng mahigpit ni Jed habang nakasubsob lang ang mukha ko sa dibdib niya. Umiiyak. Sumisigaw. Nagwawala.

Ang sakit. Sobrang sakit. Ganito din iyong naramdaman ko nang mawala sa'kin si Benjie. Pero mas masakit ngayon, dahil dalawana silang wala sa'kin. Kinuha na lahat sa'kin at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung paano pa ako mabubuhay. Hindi ko alam kung paano pa ako magpapatuloy.

Oo naging mayaman ako. Naging matatag ako. Pero lahat pala iyon walang saysay kung wala na si Tita sa buhay ko. Ang masakit pa, hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya.

-HGHM-

Tatlong araw na ang lumipas bago ko nalaman na wala na pala si Tita Anji. Pero masakit pa rin. Dumagdag pa sa sakit ang pagbalik ni Benjie sa ala-ala ko. 

"Okay ka na ba?" Tanong ni Jed sa'kin habang nasa dining table kami. Pinagluto niya ako ng pagkain dahi ilang araw na akong hindi kumakain.

"Paano ako magiging okay? Wala na lahat ng mahahalagang tao sa'kin Jed."

"Andito pa naman ako. Mabuti pa kumain ka na muna para bumalik ang lakas mo. Huwag mo munag alalahanin ang trabaho. Kahit isang buwan kang wala sa opisina naiintindihan ko." He stated.

"Paano kung ikaw rin? What if I will lose you too?" Tanong ko sa kanya habang pinipigilan ko ang mga luha ko.

"That will never happen Shane. Kumain ka na. Paborito mo iyan diba?"

Sinubukan akong subuan ni Jed pero hindi ako kumain. Wala akong gana. Kung mamamatay ako ngayon, mas pipiliin ko pa iyon dahil wala na rin naman saysay ang buhay ko. Mas gusto ko pang makasama si Tita Anji at ang anak ko sa kabilang buhay.

"Kailangan kong malaman kung anong nangyari. Kailangan kong malaman kung sino ang may kagagawan nito!" I exclaimed. 

"Hey! Tutulungan kita. I will help you Shane but please.. Tulungan mo muna ang sarili mo. Kumain ka muna para may lakas ka."

Kilala ko si Jed at alam kong hindi niya ako palalabasin ng bahay hangga't hindi ako kumakain. Pinilit kong kumain kahit na gusto kong masuka dahil sa punong-puno ng galit at pagsisisi ang buong katawan ko.

Kailangan kong alamin ang nangyari. Hindi ako tatayo nalang at kakalimutan ang nakaraan.

----------

AN: Mas nagulat kayo noh? :'( Wala na si Tita Anji. Anong nangyari? Wala na ba talaga siya? Comment and vote :D

PS: Papalitan ko siguro ang characters. masyadong matured for kathniel eh. hahaha. maghahanap ako ng magandang cast :D

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon