"Hindi tama ang nararamdaman mo Uno." Mahinang sambit ko.
Gusto ko nang lumisan sa kinatatayuan ko. Gusto ko na siyang talikuran dahil sa panghihina ng katawan ko. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa sobrang tindi ng emosyon na nararamdaman ko.
"Alam ko. Alam kong hindi tama. Pero hindi ko mapigilan. Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko sa'yo Shane. Nagagalit ako sa sarili ko. Kung tutuusin, nasa sa'kin na ang lahat. Pero parang may naghahatak sa'kin papalapit sa'yo. Kahit na anong gawin kong pag-iwas, ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para magkita tayo."
Tama si Uno. Ginagawa ko rin ang lahat para hindi na kami magkita ulit. Para maka pag move on kami ng maayos. Pero ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para paglapitin ulit kami sa isa't isa. Even though how much I wanted to, I cannot control destiny.
"Hindi ko alam kung bakit mo nararamdaman iyan Uno. But the feeling is not mutual." Malamig na sambit ko sa kanya. As if hindi ako naaapektuhan sa mga sinabi niya. Ayokong ipakita sa kanya na mahina ako. Dahil mas lalo lang magiging complicated ang lahat.
"I know." Matipid na sagot niya.
Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin. At ako naman, hindi na makagalaw sa sobrang kaba ko. Hinayaan ko lang ang mga sumunod na pangyayari.
Nilapit ni Uno ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa naramdaman ko na ang init ng hininga niya. I can smell his scent. His scent, na kahit minsan hindi ko nakalimutan. His scent is driving me crazy. Nawala ako sa katinuan ko kaya huli na ng mag sink in sa utak ko na hinalikan ako ni Uno.
Ganun pa rin ang pakiramdam. He's still able to send me shivers down my spine. Parang may mga malilit na kuryenteng dumaloy sa dugo ko papunta sa puso ko. It was too late when I realize that I kissed him back.
Ilang beses kong dineny na mahal ko pa siya. Ilang beses kong niloko ang sarili ko na si Jed na ang mahal ko. Pero ngayon, siguradong sigurado na ako na si Uno pa rin. Walang araw na hindi ko siya minahal. Dinala ako ni Uno sa kabilang dimensyon. Sa dimensyon na tanging kami lang ang andun.
"This is not right!" I exclaimed pagkatapos kong makita sa imahinasyon ko si Jed, si Queeny at si baby Chan. "Mali 'to Uno." Tinulak ko agad si Uno papalayo sa'kin.
"Gusto mo rin ba ako?" Biglang tanong niya na nagpatahimik sa'kin.
"Gusto mo rin ako diba Shane? Naramdaman ko. Hindi mo kayang i-deny sa'kin."
Lumapit ulit siya. Pero humakbang ako paatras para layuan siya.
"Naramdaman ko iyon Shane."
"Let's assume na tama nga ang naramdaman mo. Siguro. Sabihin na nating tama ka. Tama ka na gusto rin kita. Pero paano iyong ibang tao? Maraming maaapektuhan. Si Jed, Si Queeny, si Chandrielle. Anong sasabihin natin sa kanila?"
I know I am stupid. I'm worse than being a stupid. Pero paulit-ulit na lang kasi. Halos ganito din ang nangyari dati. Nabuntis ako ni Uno, sinubukan kong kalimutan siya. Pero ang tadhana ang gumawa ng paraan para magkita at makalapit ulit kami. Naging matapang ako. Sinubukan ko. Pero saan ako dinala ng tapang ko? Naghiwalay rin naman kami sa huli. Ngayon, ganito na naman. Kahit na gusto ko siyang panindigan, sigurado akong sa hiwalayan pa rin ang hantungan ng lahat. Kahit na mahal pa naman ang isa't isa, hindi sapat iyon para magkatuluyan kami.
I just have to accept the fact that even if our love for each other is greater than all the love in the world, hindi kami maaaring magkatuluyan ni Uno. Because we are not destined for each other. Love is not enough for two persons to be together. It's a sad reality.
"Tama ka Shane. Dapat nating isipin ang iba. Pero bago natin unahin ang iba, unahin muna natin ang mga sarili natin.
"I'm sorry. Pero walang kahahantungan ang lahat ng 'to. Sana.. Hihilingin ko sa mga bulalakaw na ito na ang huling pagkikita natin." I coldly told him saka ako tumalikdo at bumaba ng first floor ng cruise.
-HGHM-
"Are you okay? Kanina ka pa tulala." Sambit ni Jed.
"I'm okay. Medyo napagod lang." Pagsisinungaling ko.
"Shane, we're supposed to be happy tonight. This is our first date bilang engaged couple. Why don't we toast for this celebration?"
Itinaas ko ang wine glass ko saka nakipag toast kay Jed. I faked a smile sa harap niya para hindi niya mahalata ang nangyari.
"By the way, nakita ko si Queeny kanina kasama si Chandrielle."
Nanigas ulit ako pagkatapos bangitin iyon ni Jed kaya ininom ko na lang lahat ng wine na nasa wine glass ko.
"Ang liit ng mundo noh? Dinala kita dito para ilayo sa kanila honestly. Pero mapagbiro talaga ang tadhana. Eto na naman tayo." Pagpapatuloy niya.
"Nag-usap kayo?" I asked him nervously.
"We just greeted each other. Short conversation. Hinanap nila si Uno. Bigla kasing nawala. Biniro ko nga na baka magkasama kayo. Hehehe." Tumawa ng mapakla si Jed saka siya humawak sa batok niya.
"Hindi kami magkasama ni Uno. Bakit naman kami magsasama non eh hindi naman kami magkaibigan. At isa pa. Hindi ko naman alam na andito pala sila kaya paano kami magkasama. Kasi diba nagpaalam ako sayo na pupunta akong comfort room. Natagalan lang ako dahil sumakit ang tiyan ko dahil siguro sa kinain ko kaya natagalan ako. Basta hind..."
Pinatigil ako ni Jed sa pagsasalita. Ramdam na ramdam ko ang kaba ko kaya hindi ko alam kung anong pagpapaliwanag ang gagawin ko sa kanya.
"I was joking Shane. Hindi mo naman kailangang magpaliwanag. I trust you. I know that you love me. Nararamdaman ko iyon. At hindi mo naman ako pakakasalan diba kung si Uno pa ang mahal mo?"
Tumango lang ako kay Jed saka ko inabot ang wine to pour myself another glass. I need another shot to ease my nerves.
"Sabi mo masakit ang tiyan mo? Okay ka na ba ngayon? Or do you want to take a rest na?" Tanong ni Jed pero tumango lang ulit ako.
"That explains why wala ka sa sarili mo. I was planning to morning this night but maybe we should call it a night na." He stated.
Tumayo na agad ako sa kinauupuan ko saka ako inalalayan ni Jed pauwi sa room namin. This was hell of a night. Konting-konti na lang talaga at tatalon na ako sa barko para magpakain sa pating.
-----------------
AN: Ohh diba? Sarap sapakin ni Shane. Hahahahahahaha. Anyway. Sinong pmunta sa GR3 kanina? nyahaha. wala ako. huhuhu. Sorry T_T Sa mga taga davao see you sa august 10. Sm CIty :) I'll be there. Ang daming nagtatanong. Bisaya po ako :) Oo nga pala. Maraming salamat po sa super duper support niyo sa story ko. Nakakatouch. Gusto ko maiyak promise talaga. Anyway, pagkatapos ng story ni Uno at Shane syempre tatanda na sila at lalaki na si baby Chan kaya ang plan ko, gagawan ko ng story si Chandrielle. Go for gold :D hahahahaha