"Why don't you ask your mother about the truth?"
Panahon na. Siguro panahon na para malaman ni Uno ang lahat. Na hindi nila anak ni Queeny si baby Chan. Pero.. Am I ready for the consequences?
"Anong ibig mong sabihin? Anong katotohanan?" Nalilitong tanong ni Uno.
Huminga ako ng malalim saka ko siya sinagot. "Hindi maganda kung sa'kin manggagaling ang lahat. Mas mabuting sa nanay mo mismo itanong ang lahat ng katotohanan."
"Ibig sabihin.. Nagsinungaling ka sa'kin?"
Tumahimik lang ako.
"Ilang beses kitang tinanong Shane kung magkakilala tayo pero ilang beses mo ring sinabi na hindi."
"May dahilan ako Uno. Kung gusto mong magalit, magalit ka."
Bumuntong hininga lang si Uno.
"Nahihiwagaan ako sa'yo. Dahil sa sinabi mo, binigyan mo pa ako lalo ng dahilan para kilalanin ka at alamin ang koneksyon nating dalawa."
Hindi na ako nagsalita. Gusto ko nang umuwi dahil nanghihina na naman ako. Gusto kong talikuran ang lahat. Pero ayokong umalis na lang nang hindi nagpapaalam kay baby Chan. Tulog na tulog pa rin siya sa balikat ni Uno.
"Son!"
Bigla na lang kaming napalingon sa tumagawag kay Uno. Hanggang sa nakita ko na naman ang isang taong ayaw na ayaw ko sanang makita. Ang nanay ni Uno.
"Ma! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Uno.
Hinalikan siya sa pisngi ng Mama niya saka ito nagsalita.
"Narinig ko kasi ang nangyari kay Chandrielle mula kay Queeny. Nag-alala ako grabeh kaya andito ako para iuwi ang apo ko."
"Kailangan pa nating mag-usap Ma." sambit ni Uno. "Magkakilala ba kayo?" Tanong niya.
"No. Ngayon ko lang nakita ang babaeng 'to. Kaibigan mo ba siya?"
Gusto kong matawa sa sinagot ng Mama niya. Kahit kailan talaga sinungaling siya. Wala nang katotohanan ang lumalabas sa bibig niya.
"Siya si Shane. Siya ang nakakita kay Chandrielle." Sabi ni Uno.
"Oh!" Hinalikan ako ng Mama niya sa magkabilang pisngi ko. Ang plastic talaga.
"Thank you for saving my grand daughter Miss Shane. How can I ever repay you? Ten million? Twenty?"
Hindi na lang ako umimik dahil alam ko kung ano ang ibig sabihin ng sinasabi niya.
"Ma. Stop it! Mayaman siya kaya hindi niya kailangan ng pera. At kailangan pa nating mag-usap. Marmai kang dapat ipaliwanag sa'kin."
"Excuse me. I'll just go to the rest room." I excused myself saka ako tumayo at dumeretso ng rest room sa ice cream shop kung nasan kami.
Nakatitig lang ako sa repleksyon ko sa salamin habang hinuhugasan ko ang kamay ko. Things are getting complicated. At mas lalo pang magiging complicated ang lahat dahil sa Mama ni Uno. Hindi ko talaga alam kung bakit siya ganun.
*clap* *clap* *clap*
Napatingin ako sa Mama ni Uno habang lumalapit siya sa'kin at pumapalakpak.
"Hindi ka talaga titigil Shane? Hanggang kailan ka ba susuko sa anak ko? Look at you now. Ibang iba ka na sa dating Shane. At dahil 'yun sa'kin. Dapat nga halikan mo pa ang paa ko para lang makapagpasalamat ka sa'kin. Hindi mo maabot ang lahat ng meron ka ngayon kung hindi sa'kin. Pero, iba ka rin. Hindi ka pa rin tumigil. Ano pa bang kailangan mo?" Galit na galit na tanong niya.
"Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi mo. Walan akong kailangan sa'yo. Ginawa ko ang lahat para iwasan ang anak mo."
"Wow! Hahah. Pinapatawa mo ba ako Shane? Iniwasan mo ang anak ko? Kaya ba sinabi mo sa kanya na may mga kailangan siyang malaman na katotohanan? Yun ba ang paraan mo nang pag-iiwas?"
Pinatay ko ang tubig saka ko siya hinarap para makapag-usap kami ng maayos.
"I just want to make this clear. Matagal na kitang binayaran sa binigay mong sampung milyong piso sa'kin kaya wala na akong utang sa'yo kahit na isang piso. At wala rin akong balak na habulin ang anak mo. Hindi ko na siya mahal." Itinaas ko ang kaliwang kamay ko para ipakita sa kanya ang singsing ko.
"Engaged na ako. Patnubay 'yan na hindi na ako naghahabol kay Uno. Ina ka ba talaga? Paano mo nasisikmura ang mga kasinungalingan sinusubo mo sa utak ng anak mo? Alam mo namang hindi talaga tunay na anak ni Queeny at Uno si baby Chandrielle. Nakita lang namin siya sa harap ng bahay niyo."
*pak*
Bigla na lang akong napahawak sa kaliwang pisngi ko na sinamapal niya. Masakit masampal pero hindi ko na naramdaman 'yun dahil sa manhid na ako. Sa dami nang ginawa niyang masasakit sa'kin mula noon, naging manhid na ako.
"Balak mo talagang sirain ang pamilya ko? Gusto mong sabihin sa kanya ang lahat nang nalalaman mo? Gusto mong sabihin sa kanya ang totoo? Huh. Ipaparamdam ko rin sa'yo kung anog ang pakiramdam na alam mong may katotohanan kang dapat alamin pero kailan man, hindi mo ito malalaman."
"May anak ka kay Uno diba? Nabuntis ka niya."
Nagulat ako sa sinabi niya. Literal na lumaki ang mga mata ko sa sobrang gulat ko. Paano niya nalaman ang totoo? Kami lang ni Tita ang may alam ng sekretong iyan. Kahit si Uno hindi niya alam. Papano?
"Ang totoo Shane. Ang anak niyo ni Uno. Hindi pa siya patay. Buhay siya. Buhay pa ang anak mo."
Ilang beses akong umiling. Nagsisinungaling siya. Ginagawa lang niya 'to para masaktan ako. Para mabaling ang intensyon ko.
"Hindi 'yan totoo. Alam ko kung bakit mo 'to ginagawa sa'kin. Pero hinding-hingi ako magpapadala sa mga kasinungalingan mo."
Tumawa lang siya ng malakas.
"Hahaha. Alam mo Shane? Okay ka naman sana. Gusto kita dati. Gusto kita bilang katulong namin. Bilang katulong ni Uno. Kung hindi ka lang sana nag ambisyon na makasama ang anak ko hindi na sana tayo aabot sa ganito. Ikaw rin ang nagdala sa sarili mo ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Aaminin ko marami akong mga kasinungalingan na sinabi kay Uno. Pero ginawa ko 'yun para protektahan siya. Pero hindi ako nagsinungaling sa sinabi ko kaninang buhay pa ang anak mo. Ngayon, magdusa ka sa kakahanap sa anak mo."
Wala na ang Mama ni Uno sa harap ko pero hindi pa rin ako makakilos. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dahil buhay si Benjie o malulungkot ako. Hindi ko alam. Hindi ko alam.
----------
AN: Malapit na siguro 'to matapos. Siguro mga 10-15 chapters. Gusto ko na tapusin. Excited na ako sa story ni Chandrielle. Hahahahaha. Supportahan niyo pa rin ha? ;D