Lumabas na kami ng bahay ni Jed para puntahan ang isang taong sa tingin ko ay may kinalaman sa pagkawala ni Tita Anji.
*riiing* *rriiing*
"Sige pupunta na ako diyan." Jed stated saka niya binaba ang cellphone niya.
"Sino iyon?" Tanong ko sa kanya.
"Secretary. Kailangan kong pumunta ng office. Urgent lang. Bukas na lang kaya tayo pumunta?"
"Kailangan na kasi ngayon. Hindi ako makakatulog mamaya pag di ko siya napuntahan. Magiging okay lang naman ako."
"Pasasamahan na lang kita kay Christian."
"Huwag na Jed. Kaya ko na. Pumunta ka na ng office. Male-late ka na." Sambit ko.
"Sigurado ka bang magiging okay ka lang?" Tanong niya at tumango naman ako.
"If ever may mangyari. Tawagan mo agad." Pagbibilin niya at tumango naman ako.
Pinanood ko lang si Jed na umalis dala ang kotse niya. Kinuha ko naman ang susi ng kotse ko sa hand bag ko saka ako lumabas para puntahan ang boss ng loan shark na inutangan ni Tita.
-HGM-
Apat na taon na rin ang lumipas at hindi ko inasahan na babalik pa pala ako sa opisina ng taong maaring naging dahilan nang pagkamawala ni Tita Anji.
Lakas loob akong pumasok sa opisina nila at sinalubong ako ng dalawang lalaking malalaki ang katawan.
"Anong sadya mo? Mangungutang ka ba? Pero mukha ka namang mayaman." Sambit nong isang lalaki.
"Gago ka pare! Kaya nga mangungutang para magmukhang mayaman. Mangungtang iyan para may pambiling damit." Sambit naman nong isang lalaki.
Kumuha ako ng pera mula sa wallet ko saka ko tinapon sa kanila ang sampung one thousand peso bill.
Dali-dali naman nilang sinalo iyon at pinag-awayan ang mga nahulog sa sahig.
"I'm here to see your Boss."
"Nasa loob po siya Ma'am. Pasok nalang po kayo." Sabi nong isang lalaki habang busy pa rin siya sa pagpupulot ng mga pera na tinapon ko sa kanila.
Dumeretso na ako sa loob saka ko siya nakita ulit.
"I'm sure you still remember me." I stated.
"Oy! Aha! Ikaw ba iyan Shane?" Tanong niya sa'kin saka siya tumayo sa kinauupuan niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Apat na taon pa lang ang lumipas mula nong huli nating pagkikita pero ang laki na ng pinagbago mo. Anong meron? Huwag mong sabihing mangungutang ka para naman mas magmukha ka pang mayaman at makabingwit ng malaking isa!" He exclaimed saka siya nag smirk.
"Iniinsulto mo ba ako? Hindi mo na ako kilala. Pwede kitang bilhin at itapon sa dagat para ipakain sa mga pating." I said then I smirked.
"Aha! Iyan ang gusto ko! Palaban ka na ngayon! Kung ganoon, anong magagawa ko sa'yo?"
Umupo ako and crossed my legs.
"I'm not the type of person who keeps on beating around the bush. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Anong ginawa mo sa Tita Anji ko?" Deretsong tanong ko sa kanya habang pinipigilan kong ipakita ang emosyon ko.
Bumalik siya sa upuan niya saka siya ngumiti ng nakakainsulto.
"Tita Anji mo? Anong ginawa ko? Wala akong ginawa sa kanya Shane. Binayaran mo ang utang niya kaya kinalimutan ko na iyong atraso niya sa'kin. Huwag mong sabihing patay na siya? Hahaha." Humalakhak siya ng malakas saka siya nagpatuloy. "Tadhana nga naman oh! Aaminin ko. May plano talaga akong patayin siya non. Pero binalik mo ang pera ko kaya hindi na natuloy iyon. Pero tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para kunin ang buhay niya. Hahaha. Siguro kung nalaman mong mawawala rin siya, hindi mo na babayaran ang utang niya."