Chapter 13: Warm Hug

36.1K 642 49
                                    

"Uno!! Nasan ka na ba?" I shouted with the top of my lungs pero hindi ko pa rin nakita si Uno.

Pagkatapos kong magpahinga ng limang minuto, naisipan kong maglakad na lang ulit para hanapin si Uno. Bumalik ako sa lugar na dinaan ko.

"Uno?"

"Uno?"

Sigaw ako ng sigaw at halos mapaos na ako pero hindi ko pa rin mahanap si Uno. Halos kalahating oras na ako naglalakad at napatigil lang ako saglit pagkatapos kong mapansin na bumalik ulit ako sa lugar na tinigilan ko kanina. Sa malaking bato kung saan ko namalayan na nawala na pala si Uno.

"Uno!! Nasan ka na ba?" Mahinang tanong ko sa hangin.

Halos maubos na ang enerhiya ko at nagsimula na akong kabahan dahil malapit nang gumabi. Nabuhayan ako ng loob pagkatapos kong maalala na pwede kong tawagan si Jed. Kinuha ko ang cellphone ko pero nawalan ulit ako ng lakas ng loob dahil wala pang signal sa puwesto ko.

Itinaas ko ang cellphone ko para maghanap ng signal hanggang sa di ko na alam kung saan ang daan pabalik ko. Tanging punong kahoy lang ma matataas ang nakikita ko.

"Uno! Nasan ka na ba? Bakit ka ba nawala?"

Gusto ko nang maiyak dahil sobrang natatakot na ako. Nagsimula nang bumaba at magtago ang araw at hanggang ngayon hindi ko pa rin mahanap si Uno.

Karma ko na talaga 'to. Tinatarayan ko kasi si Uno. Kung sana nakinig nalang ako sa kanya na bukas na lang kami pupunta dito hindi na sana ako nawawala ngayon.

Naglakad pa ako ng naglakad hangang sa may narinig ako. Nilapitan ko pa ito saka ko nakita ang agos ng tubig.

"Ang spring!" I exclaimed.

Kung kasama ko lang sana si Uno magiging masaya na talaga ako dahil matatapos na rin ang mission ko sa site na ito at makakauwi na agad ako. Pero hindi eh. Mas lalo ko lang pinalala ang sitwasyon.

Lumapit ako sa spring para uminom ng tubig. Para naman kahit papano, mapawi ang uhaw na nararamdaman ko at magkaroon ulit ako ng boses para isigaw ang pangalan ni Uno.

Nakailang patong ako sa maliliit na bato papunta sa may gilid ng spring para kumuha ng tubig pero nahirapan ako lalo na at kaliwang kamay ko lang nag pwedeng magamit ko.

Humakbang pa ako sa kabilang bato at kumuha ng tubig gamit ang kaliwanag palad ko. Naka ilang inom ako ng tubig at tatayo na sana ng bigla na lang akong nadulas sa maliit na bato na kinatatayuan ko at nahulog.

"Woaah!!" 

Pakiramdam ko isang litrong tubig ang nainom ko buong katawan ko ang nahulog sa tubig. Agad naman akong umahon at hanggang bewang ko ito.

"P*tang ina naman oh!!" Napa-mura ako dahil sa sobrang pagkapikon ko.

"Do I deserve all of this?" 

Gusto kong magwala sa sobrang galit habang umaahon ako sa tubig. Hindi nagtagal, napaupo na lang ako tatlong metro ang layo mula sa tubig.

Basang-basa. Umiiyak. Natatakot.

Hanggang sa tuluyan na ngang nilamon ng dilim ang araw. Giniginaw na ako. Gusto kong hanapin ang daan pauwi sa rest house pero natatakot ako na baka mas lalo akong mawala.

Hinihintay ko na lang na sana mag milagro at sana naman mahanap ako ni Uno.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko pero wala na ito sa bulsa ko. Sa tingin ko nahulog rin ito kanina kasama nong pagkahulog ko sa tubig.

Ang malas talaga. Napaka malas.

Hindi naman sobrang lala ang ginawa ko kay Uno pero bakit ang lala ng bumalik na karma sa'kin?

Nakaupo lang ako, habang yakap-yakap ko ang tuhod ko at nakapatong ang ulo ko dito.

"Uno! Uno!"

Walang ibang laman ang utak at bibig ko kundi ang pangalan ni Uno. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ang lumipas pero nawawalan na ako ng pag-asa. Sa tingin ko dito na ako mamamatay nang wala man lang makakahanap sa'kin.

"Shane!!! Shane!! Nasaan ka?"

Biglang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan pagkatapos kong marinig ang boses ni Uno. Parang biglang tumalon ang puso ko sa tuwa at parang gustong lumabas ng kaluluwa ko mula sa katawan ko dahil sa sobrang galak.

"Uno!! Andito ako!!"

Tumayo ako saka ako sumigaw para marinig ako ni Uno.

"Andito ako!!!"

"SHANE!!"

Hanggang sa nakita ko ang isang liwanag na parang nagmumula sa flashflight.

"Uno!!"

Agad akong tumakbo papunta kay Uno hanggang sa isang talampakan nalang ang layo namin sa isa't-isa. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang natutuwa ako. Pinawi niya ang lahat ng takot na naramdaman ko kanina.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa'kin habang hawak-hawak pa rin niya ang cellphone niya na ginawa niyang flash flight.

"Hindi mo alam kung gaano ako katakot kanina. Bakit mo ba ako iniwan?" Tanong ko sa kanya hanggang sa tuluyan na ngang lumabas ang emosyon sa pamamagitan ng mga luha ko.

"I'm sorry. I'm sorry." Bigla nalang akong niyakap ng mahigpit ni Uno habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. "Tinali ko lang nag sintas ko kanina pero pagkatapos non bigla ka nalang nawala. Sobrang nag-alala ako sa'yo. Mabuti naman at nakita na kita. Huwag ka nang humiwalay sa'kin ulit."

"Thank you for finding me." I stated.

"I'm sorry." Sambit ulit ni Uno pagkatapos niyang mapagtanto na nakayakap na pala siya sa'kin. Agad naman siyang lumayo sa'kin at bumalik ulit kami sa pagiging awkward. "Mabuti pa umuwi na tayo. Gabi na. Baka delikado na dito."

Tumango lang ako kay Uno.

"Hindi ko ito gagawin dahil manyak ako. Pero kung gusto mo talagang sabihan ako ng manyak tatanggapin ko. Kailangan ko lang hawakan ang kamay mo dahil baka mawala ka ulit sa tabi ko. Ayokong mangyari iyon." Uno explained and held my hand tightly.

Ang init ng mga palad niya. Pinapainit niya ang buong kaliwang kamay ko. Pero hindi sapat iyon para pawiin ang ginaw na nararamdaman ng buong katawan ko. Gusto ko siyang yakapin ulit. Pero nahihiya ako.

Nagsimula na kaming maglakad ni Uno para bumalik sa kotse. Tanging flashlight lang ng cellphone niya ang gamit namin.

"Alam mo ba ang daan pabalik?" I asked him while we were walking hand in hand.

"Hindi. Pero huwag kang mag-alala. Hahanapin natin."

Nagpatuloy pa kami ni Uno sa paglalakad ng ilang minuto hanggang sa naramdaman ko na lang na any minute from now bibigay na ang katawan ko.

"Pwede bang magpahinga na muna tayo? Please?"

Napatitig si Uno sa'kin pagkatapos kong sabihin iyon.

"Tama ba iyong narinig ko?"

Tumango lang ako.

"Sige pero limang minuto lang .Wala na tayong oras." 

Naupo ako sa isang bato habang niyayakap ko ang sarili ko. Ginaw na ginaw na ako. Isang minuto pa lang ang lumipas at pakiramdam ko wala na talagang init na lumalabas sa katawan ko. At pakiramdam ko wala na ako sa tamang pag-iisip.

"Can you hug me again?" I asked Uno that caught him off guard.

"Hahah. Sabi ko na nga ba. SInasabihan mo akong manyak pero ikaw naman pala itong manyak. Pero sige na nga. Pagbibigyan kita ngayon dahil marunong ka nang makiusap."

Lumapit si Uno sa'kin at niyakap ako. It felt good. It felt warm. I feel like living again after my one minute death.

"Shane? Bakit ang init mo?" 

-------------------

AN: Hahahahah. Kinikilig ako. sheeemssss!! ay.!! sareeh!!. hahaha.. vote and comment ha? huwag kalimutan :DDDDD

Mwaa! :)

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon