Tatlong araw na akong hindi lumalabas sa kwarto ko pagkatapos kong makita ang Mama ni Uno. Pagkatapos niyang sabihin na buhay ang anak ko, hindi pa rin ako makapag desisyun kung ano ang tamang gagawin ko.
"Nag-aalala na ako sa'yo. Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Jed sa'kin.
Naka-upo lang ako sa gitna ng kama ko habang nakasandal ang likod ko sa board.
"Wala. I'm fine. Don't worry." Pagsisinungaling ko.
"Hindi pag mumukmok ang sagot sa mga problema mo Shane."
Niyakap ko lang ang mga tuhod ko habang nakatitig ako sa pinto ng kwarto ko.
"Pwede mo namang sabihin sa'kin kung anong problema. Ano bang nangyari?" Pangungulit ni Jed pero hindi pa rin ako nagsalita. "Fiance mo na ako pero pakiramdam ko ang layo-layo pa rin ng loob mo sa'kin."
Bigla akong nakaramdam ng guilt pagkatapos sabihin 'yun ni Jed.
"Kung hindi mo pa gustong sabihin, naiintindihan ko. Pero Shane, kung kailangan mo ng kausap andito lang ako palagi."
Tumayo na si Jed mula sa pagkakaupo niya sa dulo ng kama ko saka niya tinungo ang pinto ng kwarto ko . Nakahawak na siya sa door knob nang bigla ko siyang tinawag.
"Jed.." Pagsisimula ko. "Papano kung buhay si Benjie?"
It took me all the courage para sabihin 'yun. Pero mas makakagaan sa loob ko kung may pagsasabihan ako sa mga problema ko.
"Anong ibig mong sabihin Shane?"
Bumalik si Jed saka niya hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Nung dinala ko si baby Chan sa Zoo, nakita namin si Uno. Sinundan niya kami. Sinabi ko sa kanya na itanong niya sa Mama niya ang katotohanan. Pero hindi ko ginawa 'yun dahil gusto kong magkabalikan kami. Magpapakasal na nga tayo diba? Ginawa ko lang 'yun dahil nagui-guilty ako. Kahit papano kasi nagsisinungaling din ako sa kanya." Tumigil muna ako sa pagsasalita para huminga ng malalim saka ako nagpatuloy.
"Pagkatapos nun bigla na lang dumating ang Mama ni Uno. I excused myself, pumunta akong restroom at sumunod siya sa'kin. Pinagsabihan niya ako ng masasakit na salita. Hanggang sa sinabi niya sa'kin na buhay ang anak ko. Alam niya Jed. Alam niyang may anak kami ni Uno."
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko pagkatapos kong bitawan ang mga salitang 'yun. Masaya ako dahil maaring buhay pa talaga ang anak ko. Pero mas nangibabaw ang takot ko na baka aasa na naman ako sa wala. Ayoko nang masaktan.
Niyakap lang ako ni Jed.
"Hindi ba dapat masaya ka dahil nalaman mong maaring buhay pa si Benjie?"
"Papano kung sinabi niya lang 'yun para umasa at masaktan ako?" Tanong ko sa kanya.
"Ang dami mo ng dinaanan na problema Shane. At lahat ng 'yun nalampasan mo. Kailangan lang nating sumugal ng konti, dahil kung totoo talagang buhay si Benjie, mas magiging buo ang pagkatao mo. "
"Paano kung buhay nga siya? Matatanggap ba niya ako?"
Isa na rin 'yun sa kinatatakot ko. Maglilimang taon na akong nahiwalay sa kanya. Hindi ko alam kung makikilala ba niya ako. Hindi ko alam kung matatanggap ba niya ako. Natatakot ako.
"Huwag mo na munang isipin ang mga 'yan Shane. Ang importante ngayon, malaman natin kung buhay ba talaga si Benjie. At kung buhay talaga siya, kailangan nating siyang hanapin. Hindi pa huli ang lahat pa sa inyong dalawa."
"Paano ikaw Jed? Matatanggap mo pa rin ba ako?"
Mas lalong hinigpitan ni Jed ang pagyakap niya sa'kin.
"Mas lalo pa kitang mamahalin. Buo na agad ang pamilya natin kung mangyayari 'yun."
"Ang swerte-swerte ko sa'yo alam mo ba 'yun?"
"Maswerte rin naman ako sa'yo Shane."
-HGHM-
Sinamahan ako ni Jed sa paghahanap kay Benjie. Pinahukay namin ang libingan niya saka namin nakumpirma na totoo ang sinabi ng Mama ni Uno na buhay ang anak ko. Buhay ang anak namin ni Uno. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nung nalaman ko 'yun.
"Sa tingin mo ba Jed kailangan kong sabihin kay Uno na may anak kaming dalawa? At buhay siya?" Tanong ko sa kanya habang papunta kami sa libingan ni Tita.
"Sa totoo lang hindi ko rin alam. Masyadong komplikado ang lahat. Saka na lang natin isipin iyan pag nakita na natin si Benjie."
Tumango lang ako. Lumipas ang kalahating oras nakarating na rin kami sa harap ng puntod ni Tita.
"Iwan na muna kita. Sa kotse na lang kita hihintayin." Sambit ni Jed saka ako tumango bilang tugon ko sa kanya.
Limang minuto rin akong natitig lang sa puntod ni Tita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Sobrang dami. Pero alam kong hindi na masasagot ang lahat ng katanungan ko dahil wala na siya.
"Bakit mo nagawa 'yun Tita?"
Hindi ako galit sa kanya pero nagtatampo ako. Hindi ko alam kung bakit niya ako niloko. Hindi ko alam kung anong dahilan niya kung bakit niya nilayo sa'kin si Benjie. Kung bakit niya ako pinaniwala na patay na ang anak ko.
"Gusto ko siyang hanapin Tita. Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Tulungan mo ako Tita. Tulungan mo akong mahanap siya. Alam kong hindi ka umalis sa tabi ko. Kailangan na kailangan kita Tita Anji."
Nanatili ako sa harap ng puntod ni Tita ng ilan pang minuto nang biglang tumunog ang cellphone ko.
*riing* *riing*
Unknown number ang nakaflash sa screen ko kaya sinagot ko ito.
"Hello?"
(Shane? Hiningi ko ang number mo kay Queeny.)
"Anong kailangan mo?"
(Shane.. Pwede ba tayong magkita?)
"Hindi ako pwede Uno. May kailangan pa akong gawin. Pwede ba akong makiusap sa'yo?"
(Ano 'yun?)
"Kung maaari sana. Huling pag-uusap na natin 'to."
(Alam ko na ang totoo Shane. Nagsinungaling ka sa'kin.)
Natahimik ako saglit.
"May dahilan ako Uno kaya ko ginawa 'yun. Kung ano man ang nalaman mo, 'yun na lahat 'yun. Wala na akong mahanap na dahilan pa para magkita tayo. Huling pag-uusap na natin 'to."
(Hinahanap ka ni Chandrielle.)
With a split of a second, nagbago ang isipan ko. Dahil sa nangyari sa pagitan namin ng Mama ni Uno, hindi na ako nakapagpaalam ng maayos kay baby Chan. Bigla na lang akong umalis sa Zoo.
"Itetext ko sa'yo kung saan tayo magkikita."
-----
AN: Sorry hindi ako nakapag update kahapon nagkasakit ako. Huhuh. Anyway, malapit na'to matapos. Hahahahah. :D