Chapter 2: A friend

47.2K 748 79
                                    

*tok* *tok*

Kumatok ako sa opisina ni Jed saka ako pumasok.

"Oh? Uuwi ka na ba?" Tanong niya sa'kin pagkatapos niya akong makita na may dalang bag.

"Hindi ka pa ba tapos?" Tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin siya sa pagpipirma ng kung ano-ano.

Unang araw namin ni Jed sa opisina. Siya bilang CEO ng kompanya at ako naman bilang vice president. Branch ito ng kompanya namin sa States na pinamamahalaan ngayon ng mga magulang ni Jed.

"May i-rereview pa ako pagkatapos kong pirmahan ang mga ito. Makakahintay ka ba?" Malumanay na sambit niya.

"May usapan kasi kami ni Mitchie. Gusto ko sanang sumama ka para mapakilala kita sa kanya."

Tumigil si Jed sa inaasikaso niya saka niya ako nilapitan. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko saka siya ngumiti.

"Gusto ko rin sana iyon Shane pero di ko kasi maiwan ang mga ito ngayon. Kailangan kong tapusin ito dahil bukas iba na naman iyong aasikasuhin ko. Ganito na lang.. pagkatapos ko dito, susubukan kong humabol sa inyo ni Mitchie." Sambit niya.

"Sige. Tawagan mo nalang ako kung makakarating ka ha?"

Tumango lang si Jed at hinalikan ako sa noo.

"Take care. Ipapahatid na kita."

"Huwag na. Dala ko naman ang kotse ko." Sambit ko.

-HGHM-

Dumeretso na ako sa restaurant para makipagkita kay Mitchie. Apat na taon na rin kaming hindi nagkita kaya excited ako. Ang dami kong gustong ikuwento sa kanya. Ang tungkol sa buhay ko. Ang tungkol sa bagong ako. Ang tungkol sa mga pinagdaanan ko. Pero aaminin ko, mas nangibabaw sa'kin ang kagustuhan kong itanong sa kanya kung anong nangyari habang wala ako.

Pinagbuksan ako ng pinto ng staff sa restaurant saka naman agad na tumakbo sa Mitchie sa'kin at niyakap ako.

"Ugh! Hindi ako makahinga!" Pagrereklamo ko dahil sa sobrang higpit ng yakap ni Mitchie.

"Sorry Shane! Namiss lang kasi talaga kita. Halika. Maupo na tayo at sobrang dami kong ikukwento sa'yo."

Hinila ako ni Mitchie patungo sa table namin saka kami nag-order. Habang hinihintay namin ang pagkain namin, nagsimula na si Mitchie sa pagsasalita.

"Grbeh Shane! Halos di kita makilala. Ibang-iba ka na. Grabeh talaga! Mas lalo kang gumanda at mukha ka nang mayaman talaga. I mean mayaman ka na naman talaga at hindi lang mukhang mayaman. Pero grabeh talaga!" Bulalas ni Mitchie.

Tumawa lang ako dahil sa ekspresyon ng mukha ni Mitchie. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagbabago.

"Pero seryoso Shane. Kamusta ka na? Nag-uusap tayo sa facebook minsan pero nahihiwagaan pa rin ako sa'yo."

"Bakit naman? Wala namang masyadong nagbago sa'kin Mitchie."

"Wala daw masyado pero ang yaman mo na ngayon. Hindi na ikaw iyong Shane na madali lang tapakan ng ibang tao. Baka nga ikaw pa ang tatapak sa kanila eh."

"Alam mo namang hindi ko gagawin iyon kahit nasa taas na ako ngayon. Naranasan ko nang maging pinakamababang tao. At ayokong gamitin ang kung anong meron ako para tapakan at siraan ang mga taong nasa baba. Tutulungan ko sila para umangat hangga't sa makakaya ko."

"Mabait ka pa rin Shane. I'm proud of you. Nasan nga pala si Jed? Akala ko ba isasama mo siya?" Tanong ni Mitchie.

"May ginagawa pa kasi sa office. May trabahong hindi lang niya maiwan pero susubukan daw niyang humabol."

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon